Special Chapter (1a)

1.6K 39 170
                                    

(Willa's POV)

Isang ngiting mas matamis pa yata sa pinaghalong gatas at asukal ang nakapinta sa mukha ng dalagang maganda ang mood ngayong araw ng Sabado. Siyempre ako 'yon, may iba pa ba? Pagkababa ko pa lamang sa hagdan ay nakita ko na ang kasintahan kong si Dominic Marcus na nakaupo sa mahabang sofa sa sala at mukhang abala siya sa pagtipa sa kanyang laptop. Gaya ko, nakagayak na rin siya para sa pupuntahan namin. Ang handsome talaga ng DM ko. Amoy na amoy ko na agad ang kanyang mala-prinsipeng bango kahit hindi pa ako nakalalapit sa kanya.

Pagkatapos ng work ko kahapon sa rural bank kung saan ako nagtatrabaho bilang New Accounts Officer ay lumuwas ako from Ilocos Norte to Manila para madaluhan ang isang music event sa Cavite ngayong araw. Nakakuha kami ni DM ng free tickets at access pass sa backstage kung saan tutugtog ang bandang Red Serenade na pinangungunahan ng bokalistang si Aidan Lustre at may dapat pa raw akong abangan na baka ikahulog ko sa aking upuan. Salamat sa kaibigan naming si Sean na nagma-manage sa banda dahil sa mga ganitong event ay lagi kaming may libreng ticket.

Sinundo ako ni DM mula sa bus terminal kaninang alas kuwatro ng madaling-araw at dumiretso kami sa tahanan nila sa Makati. Kapag ganitong nasa bahay ako ng nobyo ko ay lagi akong sa guest room tumutuloy. May usapan na kasi sila ni Papa na bawal muna kaming magtabi sa kama hangga't wala akong suot na wedding ring.

Maaga namang umalis ang mga magulang ni DM dahil lilipad ang mga ito patungong Cebu City. Ang kasama na lamang naming nag-agahan kanina ay ang nakababatang kapatid niyang si Migo pero umalis din ito agad dahil may imi-meet daw na kliyente sa Bulacan. May accounting firm kasi ang mga ito at si Migo ang isa sa mga namamahala roon.

Nagma-manage naman ng isang hotel si DM pero hindi na ito pagmamay-ari ng pamilya. May balak na rin siyang mag-resign para matulungan ang kapatid. Hinahayaan ko na lamang silang mag-usap tungkol sa negosyo dahil suportado ko naman siya sa kahit anumang desisyon niya.

Pagkatapos naming mag-almusal ay pumanhik na ulit ako sa taas para makapaghanda. Thirty minutes lang akong nag-ayos at voila! Mas maganda pa ako sa salitang MAGANDA.

Dahan-dahan akong lumapit kay DM at tumayo lang ako sa harap niya. Gaya ng madalas kong gawin, tumikhim muna ako bago masiglang bumati sa napakaseryosong boyfriend ko.

"Good morning, DM ko! Nagkita na tayo kaninang breakfast pero good morning ulit aking iniirog, sinisinta at crush na crush ko! Kumusta ang hotness mo? Puwede pong pa-kiss, Kamahalan?"

Seryoso pa rin siya sa ginagawang pagtipa sa laptop. Hindi man niya ako tiningnan, sumagot pa rin siya. "Good morning, princess."

"Tara na! Excited na akong magpakita kay Aidan! Agahan natin para makadami ako ng pictures sa kanya!" masigla ko pa ring wika.

"Let's wait for Blake, baby. We're going to use his car," sagot agad niya pero hindi pa rin siya tumitingin sa akin.

Napapalakpak ako. "Alrighty! Ite-text ko siya para sabihing bilisan niya dahil hinihintay na ako ni Aidan."

"Come and sit beside m---"

Ilalabas ko na sana ang phone ko sa sling bag ko nang magsalita si DM pero nang hindi niya natapos ang sasabihin, tiningnan ko siya. Nakatingin na pala siya sa akin at nakakunot ang noo. Ngumiti ako sa kanya sabay kindat. Nagulat na lang ako sa sumunod niyang sinabi.

"Go back to your room and change your clothes."

Napamulagat ako at napatingin ako sa sarili ko mula talampakan hanggang sa abot ng mata ko. Naka-sneakers ako, maikling denim shorts, white off-shoulder top at nakalugay lang ang buhok ko na bahagya kong kinulot para sa isang beach babe look. Sa pagkakatanda ko bago ako umalis sa harap ng salamin kanina, mahihiya ang salitang MAGANDA sa akin pero bakit hindi ko man lang makitang maglaway ang boyfriend ko sa kagandahang nakikita niya sa harap niya ngayon?

Willa and DM (TLA #1) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon