Special Chapter (1c)

1.3K 41 291
                                    

May limang minuto na siguro akong nasa harap ng Room 402 at kanina pa nakatapat sa pinto ang tainga ko para makasagap ng kung anumang kaganapan mula sa loob. Para tuloy akong magnanakaw na may masamang binabalak sa mundo.

Alam kong wala akong mapapala sa ginagawa ko pero ayaw ko pang ipaalam kay DM na narito na ako. Paano na lang kung kasama na pala niya sa loob ang babaeng ipapalit niya sa akin? Paano na lang kung wawasakin niya ang puso ko katulad ng isang Mafia? Iniisip ko pa lang ang possible speech niya, nawawalan na ng oxygen ang mundo ko. Parang tumitigil ang photosynthesis dahil sa iniisip ko.

"Willa, our one year together has been really great but I'm very sorry. I can't do this anymore. Let's put an end to this insane thing between us. This is goodbye."

Kinusot ko ang mga mata ko dahil naiiyak na naman ako. Anak ng pating! Nai-imagine ko pati ang boses niya saka pag-i-English niya sa utak ko. Ano ba kasi ang nakita niya sa babaeng 'yon? Bakit niya ako ipagpapalit?

Siguro tahimik. Hindi katulad mong ikamamatay ang hindi pagdaldal.

Napasimangot ako sa sarili kong naisip. Kung minsan talaga kontrabida ang isang parte ng utak ko. Nakaka-badtrip.

Mas idinikit ko pa ang tainga ko sa pinto pero bigla na lang itong bumukas. Agad naman akong nawalan ng balanse. Buti na lang nasalo ako ni DM. Kung hindi, nagkapalit na siguro kami ng mukha ng sahig.

"What are you doing out there?" Inalalayan ako ng boyfriend ko para makatayo nang maayos. Mukhang hindi naman siya nagulat sa grand entrance ko. "Where have you been? Bakit may mga dahon sa ulo mo?" Isa-isa niyang tinanggal ang mga dahon na sinasabi niya.

Nakatayo lang ako sa harapan niya at walang imik. Pinanood ko lang siya sa ginagawa. Nang matapos, hinawakan niya ang mukha ko saka niya ako mabilis na hinalikan sa labi.

"Bakit ka nanghahalik?" masungit kong tanong.

"Why not? It's my right," mabilis niyang sagot.

Sumimangot ako saka siya inirapan. Tumawa lang siya nang mahina. Hinila niya ako at ikinulong sa kanyang bisig. Napakunot ang noo ko.

May makikipag-break bang humahalik at yumayakap?

Sinamyo niya ang buhok ko. "Hmmmm. Miss na miss ko ang baby ko."

Naguguluhan naman akong kumalas mula sa pagkakayakap niya saka ko sinalubong ang kanyang mga mata. "Sure ka?"

Napakatamis naman ng kanyang ngiti. "Oo naman."

"Weh?"

Dahan-dahan naman niyang ibinaba ang mukha. He closed our gap with his signature sweet kiss. Nang matapos ang moment namin, nakangiti pa rin siya. Tila nang-aasar ang unggoy.

"Bakit ka ngising-ngisi?"

"Nothing. I'm just happy."

"Dahil?"

"Dahil kasama ko na ang prinsesa ko, of course."

Tinaasan ko siya ng kilay. "Sigurado ka ba sa sinasabi mo? Matapos mo akong i-ignore buong maghapon? Hindi tayo nag-lunch together, nag-snack together. Ni hindi mo ako tinext kahit man lang isang smiley o kaya tinawagan o kaya kahit missed call na lang. Saka mo lang ako naalala kanina lang. Kung hindi pa siguro sinabi nina Blake sa'yo na hindi na ako bumalik sa function room, hindi mo pa ako tatawagan. Eh kung hindi ko sinagot ang tawag mo, ano ka ngayon?"

Lumapit naman siya ulit sa akin saka muling humalik. Matapos ang ilang sandali, naghiwalay kami sako ko ipinagpatuloy ang pagsasalita.

"Akala ko maghapon tayong magsasama tapos hindi naman pala. Ano pang silbi na lumuwas-luwas ako kung ganyang hindi mo naman gagawing available ang sarili mo para sa akin? Tapos kung makapag-utos ka, parang hari lang? Ano ang tingin mo sa akin? Na madadala mo lang ako sa pagpapa-cute mo? Kahit gaano ka pa ka-charming kung ganyang hindi mo naman ako priority, hindi nakakadagdag sa pogi points mo 'yon."

Willa and DM (TLA #1) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon