Chapter 27 - NEW CHAPTER

1.4K 52 27
                                    

Chapter 27

NEW CHAPTER

(Willa's POV)

May mahigit tatlong buwan na rin simula nang makabalik ako sa Laoag mula sa napaka-memorable na bakasyon ko mula Palawan na umabot din hanggang Manila. Binaon ko ang lahat ng mga karanasan ko pagbalik ko sa Ilocos. Nang makakilala ako ng mga bago kong kaibigan, mag-enjoy kasama sila, makadama ng kilig at tuwa, malaman ang pinagdadaanan ng bawat isa. Isa talagang magandang karanasan ang bakasyong 'yun. One of my best summers ever.

Pero hanggang magandang alaala na lang yata ang karanasan ko with DM.

May communication naman kami two weeks after ako makabalik sa bahay. Tinatawagan niya ako mga thrice a week. And then biglang hindi na lang ito sumasagot sa mga texts ko. Tumatawag din ako pero unattended na ang cellphone nito. Umabot sa isang linggo, hindi ko na lang muna pinansin. Hanggang sa dalawang linggo. Tapos isang buwan. Bigla na lang akong lumungkot.

AFTER PALAWAN, THERE WILL STILL BE US.

AFTER PALAWAN, WE WILL FALL DEEPLY INLOVE WITH EACH OTHER.

May isang linggo rin siguro akong umiyak nang sunud-sunod na gabi at umaga. Parang sinaksak ang puso ko. Kahit saglit lang ang pagsasama namin ni DM, naging sobrang espesyal nito sa akin lalo pa't ipinadama niyang mahalaga rin ako sa kanya. Pati ang kwento tungkol sa family problem nila, pinagkatiwalaan niya ako. Ibinahagi nito sa akin ang mga pinagdadaanan niya.

Inihatid niya ako sa airport the following morning after niyang ikwento sa akin ang tungkol kay Carla Michelle at sa naging epekto nito sa pamilya niya. Before my flight that he financed yet again, he embraced me so tight na para bang ayaw na niya akong pakawalan pa. But then he let go of me and kissed me sweetly. Nang makarating ako sa bahay, I called him. Nagkwentuhan din kami saglit ni Papa and then I went to work after lunch that day. I thought magiging maayos pa rin ang lahat kahit malayo na kami sa isa't-isa pero hindi rin pala.

Tama nga si Migo. Hindi dapat masyadong mataas ang naging expectations ko kay DM pati na rin ang tungkol sa damdamin ko. Pero huli na rin. I'm already inlove with DM kahit matagal na kaming hindi nag-uusap. Masyado ko na talaga siyang nami-miss.

Nakakalungkot mang isipin pero ganu'n talaga. Wala naman itong mga social media accounts dahil wala raw itong hilig sa mga ito. Hindi ako makakuha ng updates. Pati sa mga kaibigan nitong sina Sean at Blake, madalang na rin ang communication ko sa kanila lalo na kay Sean. Si Blake lang minsan ang nakakaalalang mag-good morning at mag-good night. Tinanong ko si DM minsan sa kanya pero ang sagot lang niya ay may convention si DM sa Hong Kong. And it was two months ago. Hindi na lang ako nagtanong pa. Kung hindi sila ang unang magtetext at magpaparamdam, hinahayaan ko na lang. Inaaliw ko na lang minsan ang sarili ko sa website ni Blake kung saan nakapost ang lahat ng pictures namin sa Palawan. Lalo na kapag nami-miss ko si DM. Halu-halo na ang luha at tawa ko kapag nakikita ko ang mga pictures namin.

Hindi rin kasi ako makapagtanong kay Tanya kasi masyadong maselan ang pagbubuntis nito. Nag-resign ito as secretary ni DM two months ago. Nathan told me na hindi na lang daw muna magtatrabaho si Tanya kahit after nitong manganak para maalagaan nitong mabuti ang magiging baby nila. Ilang beses ko na ring sinubukang tanungin kay Tanya ang email address ni DM pero hindi ako tumuloy. Naiisip ko kasi ang rejection ni Nathan noon sa akin. Parang hindi pa ako handang ma-reject ulit. Masyadong masaya ang pinagsamahan namin ni DM. Ayokong matapos ang lahat ng kasiyahan sa puso ko dahil lang sa rejection.

Wala rin akong contacts kay Tita Mariana at ni Migo. Lahat na yata ng resources ko para makapamalita tungkol kay DM, unti-unting nawala.

Sadyang mapaglaro talaga ang tadhana. Naimagine ko na nga ring ikinakasal kami ni DM at bubuo ng pamilya. Pero hanggang pangarap na lang ang lahat. Kung kailan naman handa na ulit ang puso ko, saka naman ako biglang mabibigo ulit. Ang hirap ipaglaban ang kaso ko with DM. Natatakot akong makipagsapalaran. Siguro nga hanggang doon na lang lahat. Paano ko naman ipapanalo ang siyam na araw ko with him? Round two of brokenness, Willa. You've always been unlucky with love. But so what? You may be unlucky with love but you must still be grateful that love captured your heart because it makes you happier with life.

Willa and DM (TLA #1) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon