♡ 3 ♡

3K 129 218
                                    

Chapter 3

FIRST DATE

《 ♡♡♡ 》

(Willa's POV)

Hindi pa rin ako makapaniwalang kasama ko ngayon ang isang napakaguwapong estranghero sa isang mall dito sa Palawan. Hindi ko pa rin mawari kung paano ako napasok sa isang sitwasyong ni sa panaginip ay hindi man lang nangyari. Hindi ko talaga malaman kung paano ako nakalabas sa Hotel Rosemarie na ka-holding hands ang lalaking kasama ko ngayon. Paano nga ba ulit kami nakarating sa mall? Bakit ako pumayag na sumama sa kanya? Bakit hindi man lang ako nagpumiglas?

Bakit ang bilis naman ng nangyari? Hindi na yata ako makahinga. Para akong na-transport sa ibang mundo. Sino 'tong kasama ko?

"Ehem."

At bakit hanggang ngayon hawak pa rin niya ang kamay ko? Hindi ba gutom ako? Bakit kasama ko siya? Gutom ako kanina. Dapat gutom pa rin ako hanggang ngayon.

"Ehem."

Kapag ba binawi ko ang kamay ko mula sa kamay niya, tatakbo ba ako nang mabilis? Paano kung isa siyang masamang tao? Sisigaw ba ako? Ano'ng gagawin ko?

"Willa?"

Pero parang wala na akong lakas para bawiin pa ang kamay ko. Baka saktan niya ako o kaya naman ay may gawin siyang masama sa akin kapag nagpumiglas ako. Pero, mall ito. Maraming tao. Maraming makakatulong sa akin.

"Willa, hey! Willa, can you hear me? Listen, I'm taking you to a restaurant but don't freak out. You look scared already. Willa, just trust me, okay?"

Hindi ko alam kung ano ang lumalabas sa bibig niya pero alam kong may sinasabi siya. Nakatingin lang ako sa kanya pero lumalabo na ang paningin ko. Parang hindi ko na kaya.

"Oh, baby. Please don't cry. Please. I'm so sorry."

And then he hugged me. Right in front of a pizza house with people coming to and from everywhere, he embraced me so gently that made me lose it all. The next thing I knew, I was crying hard.

《 ♡ 》

(DM's POV)

She was so soft. So delicate. She smelled like vanilla. She was wrapped in my arms. I was holding her and it felt right.

Damn! What is wrong with me? What have I done? This is very unusual of me! You're an idiot, Dominic Marcus! You just ambushed a girl! This is kidnapping, idiot!

"I'm sorry. I'm really sorry, baby."

I could sense her fear. She was trembling that was why I never let go of her hand because if I did, she might had fallen apart. She was still shaking. I was such an idiot for ambushing her. What was I thinking?

Stupid moron! I thought of myself again.

"Mister, nag-aaway ba kayo?" A woman in her fifties who just got out from the pizza house came near us.

"No, we're good." I let go of Willa for a while and wiped her tears away. I suddenly felt all the guilt in the world.

Shit! Looking and holding her face this close...

"Eh, bakit umiiyak 'yang kasama mo?"

I cleared my throat before answering. "We're fine. Really." I tried so hard to act normal in front of the woman and with all other people watching us. "Actually, Ma'am, we're going inside now. If you may excuse us." I pointed the pizza house to excuse ourselves out.

"Sige, hijo. Basta walang problema, ha?"

"Wala po. Okay lang po kami."

When the woman turned away, I started walking Willa inside the empty shop. And more than surprised, there she looked at me straight in the eyes pulling off her hand from mine, finding her voice just the moment we sat in a corner.

"Sino ka?" In her cold and angry voice. Her fiery eyes on me.

《 ♡ 》

(Willa's POV)

"Ano'ng karapatan mo para bigla na lang akong gawing parte ng buhay mo? Binigyan ba kita ng karapatan para dalhin ako sa lugar na ito? Dito sa mall?" Garalgal ang boses ko habang sinasabi ko sa kaharap ko ang mga katagang ito. Kahit pa sinong Adonis ang ninuno niya, wala siyang karapatan para gawin ang lahat ng ginawa niya sa akin. Mula hotel hanggang dito sa mall.

"Let me explain." Mala-Adonis din ang boses niya. Kung maihahambing nga lamang ang kanyang tindig at ayos, mapagkakamalan siyang isang Hollywood actor. Matangkad siya. Base sa pagkakalapit namin kanina, mas matangkad siguro siya sa akin ng walo o siyam na pulgada. Looking closely, he had the kind of face that would stop you in your tracks. He had strong arched eyebrows. Makakapal ang kanyang mga pilikmata. Malalim ang kanyang mga mata na para bang buhay na buhay. Parang nililok naman ang matangos niyang ilong. Ang mga labi niya ay mukhang malambot dahil sa natural na pagkapula ng mga ito.

"Kilala mo ako. Tinawag mo akong Willa. Saan mo nakuha ang pangalan ko?" naguguluhan kong tanong sa kaharap ko.

"Can we just order first?"

"May gana ka pa talagang mag-order sa lagay na ito? Ibalik mo na ako sa hotel, utang na loob."

"Look, I know you're scared but can we just talk normally? I said trust me with this." Ang mga mata niya ay biglang naging puno ng awtoridad. Ang tono ng boses niya, hindi mo puwedeng baliin ang anumang utos na magmumula rito.

Pero hindi ako tinatablan ng kung anumang kapangyarihan ang mayroon siya.

"Tatayo ako. Maglalakad ako paalis sa mesang 'to. Huwag na huwag mo akong susundan."

Tatayo na sana ako nang magsalita siya.

"Stand up and I'll make you regret that decision, Willa. Walk away from this table and you'll have your instant dose of medicine."

Hindi ko itinuloy ang pagtayo bagkus, "Hindi ko lubos akalain na makakakilala ako ng katulad mo sa lugar na ito. Hindi mo ako pag-aari. Hindi mo ako puwedeng kontrolin katulad ng ginagawa mo ngayon. Kung tatayo ako and you're going to make me regret that decision, fine! Hindi ako natatakot sa'yo."

Tumayo ako at nag-umpisang maglakad. Wala pa akong tatlong hakbang mula sa kinauupuan ko, the man grabbed my arm, pulled me closer to him and without any more word said, he kissed me on the lips.

Just a soft kiss lasted for three seconds but enough to take me to paradise.

What the hell is wrong with you, Willa? Kidnapper 'tong ungas na 'to. Huwag kang magpadala sa good looks at isang halik!

Napaka-criminal. Napaka-illegal na ang um-abduct sa akin ay isang makisig na lalaki at kaunti na lang talaga mapapatawad ko na siya sa lahat. Ni hindi na ako makakurap. Buwisit naman.

Hanggang sa marinig ko ulit siyang magsalita. "Sit, eat and we'll talk."

I just stared at him still feeling his soft lips on mine.

"Willa..." His voice sounded irritated, "Sit."

♡♡♡
♡♡♡
♡♡♡

#TrueLoveAlways #WillaAndDM

Willa and DM (TLA #1) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon