Chapter 32 - FIRST TIME

1.3K 55 23
                                    

Chapter 32

FIRST TIME

(Willa's POV)

"Tita, Tito, si Papa po." Pagpapakilala ko kay Papa sa mga magulang ni DM.

Sobrang ganda lang na sabay ang kasal nina Blake at Lily sa panganganak ni Tanya kahapon. Tinawagan ko si DM at sinabing kina Nathan muna kami ni Papa ng isang gabi. Hindi pa na-discharge sina Tanya at Baby Willa kaya nagtagal muna kami sa ospital kasama ang pamilya ni Nathan kagabi. Parang ayaw na ngang umuwi ng mga bagong lolo at lola. Pinauwi muna namin si Nathan saka ito bumalik din agad. Umuwi na kami nina Tita Sally kalaunan. Kahit nga hindi pa naiuuwi si baby, nagpahanda agad ang mga ito. Parang early Noche Buena na rin para raw makasalo kami ni Papa. Sinabihan na pala sila ni Papa na nag-request din ang family ni DM na doon kami mag-Pasko. Tinukso pa nga ni Tita Sally si Papa na huwag daw itong magpapatalo sa mga magulang ng boyfriend ko. Tawa naman kaming lahat. Inilagay na lang namin ni Papa sa Christmas Tree ang mga dala naming regalo para sa kanilang lahat, including our gifts to Baby Willa.

Sinundo naman kami ni DM sa bahay nina Nathan after lunch kanina. Bago kami dumiretso sa kanila, dumaan muna kami sa ospital. Dumalaw kami kina Tanya at Baby Willa. Tuwang-tuwa naman si Tanya nang makita ang dating boss. Binigyan naman ni DM ng pasalubong ang dating sekretarya. May dala rin itong mga baby clothes. How thoughtful.

Dahil sarap na sarap kami sa kwentuhan at na-enjoy ang mga tawa at iyak ni Baby Willa, hapon na kami nakarating sa bahay nina DM.

"So, ikaw pala ang ipinagmamalaki ni Willa." Lumapit si Tita Mariana kay Papa at nag-beso. "Welcome sa aming tahanan."

"Naku, salamat. Pati rin naman kayo ay maraming naikwento ang batang 'to," sagot naman ni Papa.

Tinapik naman ni Tito Daniel ang balikat ni Papa. "Napakabuti ng anak mo. At masaya kaming lahat dahil dumating siya sa buhay namin."

Ngumiti naman si Papa. "Gano'n din naman ako kay DM. Akala ko wala ng balak magkanobyo ang anak ko noong wala pa si DM. Akala ko nga eh tomboy na 'yan noon."

"Papa!" mabilis ko namang reklamo. Tumawa naman ang lahat pati si DM na katabi ko. Inirapan ko ito pero umakbay naman ito sa akin. "Bakit nga po wala si Migo?"

Si Tita naman ang sumagot, "Naku. May toyo. Kanina pa nagkukulong sa kwarto niya. Sabi ko nga sa kanya, nakaka-bad vibes siya. Bisperas ng Pasko, saka nagdadrama."

Tumawa naman sina Tito at DM. "Hayaan niyo na muna, Ma. Mukhang may sakit sa puso."

☆☆☆☆☆

Nasa sala kaming lahat maliban kay Migo. Araw pagkatapos ng Kapaskuhan, talagang sinusulit namin ni Papa ang bakasyon namin bago kami bumalik sa Laoag bukas. Natutuwa naman ako dahil madaling nakasundo ni Papa ang mga magulang ni DM. Napakabuti talaga ng Diyos dahil masayang-masaya kaming lahat sa bakasyon namin.

Nabigla na lang kami dahil in between our juicy conversations, nagmartsa si Migo patungo sa amin sa sala. At sa dilim ng mukha nito, alam ko na naman ang dahilan. Ako.

"Inubos mo na naman 'yong saging?!" Dumiretso ito sa akin. Sinasabi ko na nga ba.

"Wilson, huwag kang ma-o-offend sa anak kong 'yan," wika naman agad ni Tita Mariana kay Papa.

Tumikhim naman si Tito Daniel. "Carlos Miguel, magbigay galang ka naman. Talaga 'tong batang 'to." Bumaling si Tito kay Papa. "Ewan ko sa dalawang 'yan, Wilson. Maraming pinagkakasunduang bagay, palibhasa magkaedad, pero pagdating sa saging, magkaaway sila."

Tumawa naman si Papa. "Kaya pala nagbaon ng sangkatutak na saging itong si Willa."

Nagliwanag naman agad ang mukha ni Migo. "Ilabas mo," utos nito sa akin. "Hello nga pala, Tito," bati naman niya kay Papa. Tumango at ngumiti lang ang isa.

Willa and DM (TLA #1) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon