♡ 14b ♡

1.6K 69 65
                                    

Tumayo naman siya, nag-stretch nang kaunti at saka umupo sa tabi ko.

"He liked you."

"Sa tingin mo?"

Tumango siya. "To be that kind of bossy and everything he did was insane and guys don't do that over some petty reasons. He didn't want others to see you like the way he saw you."

Para naman akong napaisip nang malalim. "Pero may girlfriend siya noon. Matagal sila, actually. Si Katie, kapareho rin namin ng course. Maganda, balingkinitan, morena. Gano'n ang type niya."

"He still liked you."

"Hindi mo na raw itutuloy 'yong debut party mo?"

Nagdidilig ako ng halaman that day nang bigla na lang sumulpot sa kung saan si Nathan. Isang buong linggo ko na siyang hindi kinakausap dahil sa ginawa niya sa buhok ko. Hindi pa rin ako sumagot.

"So, ica-cancel ko na ang pagpapagawa ng suit ko supposedly?"

Hindi pa rin ako kumikibo.

Kinuha niya ang hose sa kamay ko at siya na ang kusang nagdilig sa mga halaman sa hardin.

"I'm sorry," saka niya sinabi. Nakatingin lang siya sa akin at nakatingin lang din ako sa kanya pero blangko lang ang ekspresiyon ko. "Masyado ka kasing gumanda after niyong magpa-straight ni Mama kaya nanibago lang ako."

Hindi na rin ako nakapagpigil pa. Kinuha ko ang hose at sa kanya ko ito itinapat. Basang-basa na siya ngunit hindi naman umaalis sa kinatatayuan niya. Nang mapagod ako sa kakadilig sa kanya, pinatay ko ang gripo at iiwan na sana siya nang biglang naramdaman ko na lang na nababasa ang likod ko. Binuksan pala niya ulit ang gripo at itinapat din sa akin ang hose. Mas nainis na naman ako sa kanya. Tinakbo ko ang gripo at pinatay ulit iyon saka ko siya sinugod. Itinulak ko siya at napaupo naman siya sa damuhan.

"Ang sama-sama mo, Nathan! Buwisit ka! Buwisit ka talaga! Alam mo ba kung gaano kaimportante sa akin 'yong buhok ko? Matagal ko siyang pinahaba tapos mawawala na lang sa isang iglap? Dahil lang sa walang-kwentang dahilan mo, ikaw na lang ang magdedesisyon para sa akin? Bakit hindi na lang 'yong buhok ng girlfriend mo ang pagdiskitahan mo at hindi 'yong buhok ko? Buwisit ka! Buwisit ka talaga!" Hindi ko naman namalayan na umiiyak na pala ako. Pero parang wala naman akong napapansin, nagpatuloy pa rin ako.

"Alam mo bang 'yon ang dahilan kung bakit pina-cancel ko na 'yong party? Dahil hindi ko na maipapaayos 'yong buhok ko sa gusto kong ayos dahil wala naman na! Ang ikli-ikli na! Buwisit ka talaga!"

Tumayo naman siya at niyakap ako na patuloy pa rin sa pag-iyak.

"Eh 'di sorry na."

Bigla namang dumating si Papa sa eksena at inilatag ang dala-dalang meryenda sa mesa sa garden.

"Tama na ang drama at magmeryenda na kayo. Mamaya na ulit 'yan."

"I want to meet your father. He seems so funny."

"Grabe, baliw 'yon. Sobra. Bigla na lang ding sumusulpot kapag heavy-drama na dapat kaya minsan hindi natutuloy 'yong drama kasi panira siya," natatawa kong sagot.

"And then what happened on your debut?"

"Wala. I mean, wala talagang party. 'Yong 18 roses, 18 candles, walang gano'n. May kainan pa rin pero simple na lang. Pinanindigan ko talaga 'yong pag-cancel. Feeling ko kasi dati pangit na ako kasi hindi na mahaba 'yong buhok ko."

"But you are pretty."

Ngumiti ako. "That exactly."

"Asa'n regalo mo?" Nasa bahay kami at katatapos lang naming kumain ng hapunan. Sa halip na bonggang debut party ang nangyayari ngayon, isang simpleng salo-salo na lang kasama ang pamilya ko, mga kasama sa bakery, mga ilang kapitbahay, some grilfriends, at si Nathan.

Willa and DM (TLA #1) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon