Nasa loob na lahat at naupo muna kami sa kung saan namin gustong maupo hanggang sa maumpisang magsalita si Mam.
"Okay class ako nga pala si Bb. Pauline Jose ang magiging guro niyo sa asignaturang Filipino at hawak ko na ngayon ang seat plan niyo para sa buong S.Y na ito, ang sinumang lumipat ng upuan ay mamarkahan kung ABSENT kahit andto. Nagkakaintindihan ba tayo?" paliwanag saamin ni mam,
"Opo mam" sabay sabay naming sagot
"Mabuti at nagkakaintindihan tayo.. Okay ang seating arrangment na babangitin ko ay alphabetically arranged"
Simulan na natin..
.......Habang isa isa ng tinatawag ang apilyido namin
at tawagin ang "Mr.Gonzales" next to you will be "MS HERNANDEZ"
wattttt??? SEATMATE NANAMAN KAMI HINDI PWEDE MAM!!! sabi ko sa
SARILI KO LANG NAMAN!as usual kinakusap ko nanaman sarili ko pero ng sinabi ni mam na magkatabi kami agad naman akong sumunod at ng mauupo na ako biglang nilagay ni Markki ang Bag niya sa upuan ko..
"EXCUSE ME? Markki? upuan ko yan diba?pwede pakialis ng bag mo" sabi ko sakanya sa maayos na paraan. pero hindi siya sumasagot at much Worst??? may nakapasak palang earphones sa tenga niya kaya pala hindi niya ako naririnig at tinaas nia pa talaga paa nia sa upuan.. GRRRRRR.. ngayon lang ako naiinis ng ganito kaya ang ginawa ko..
inalis ko paa niya pero kada alis ko binabalik niya Alam niyo ang tawag sa lalaking gwapong makitid ang utak na anak mayaman na walang ugali in short MARKKI GONZALES. ng maasar na ako tinapon ko na ang BAG niya sa sahig at nagtinginan lahat ng classmate namin saamin..
>OMG? Ang yabang talaga ng baguhang piglet na yan sarap sapakin
>oo nga akala mo kung sinung maganda itapon ba naman ang bag ni Markki OVER!!
>STUPIDA talaga ng babaeng yan hindi marunong kumilala ng binabangga niya grabe talaga siya!"
>Kawawa naman si Markki nadumihan tuloy mamahalin niyang bag.
>feeler siya ahhhh. Ihatethat stupid pig.lagot siya kapag dumating na ang grupo nila SOPHIA
at madami pang ibang panglalait nanaman ang narinig ko sa mga taong nakapaligid saakin ako nanaman ang masama!pero hindi ako magpapaapekto sa mga sasabihin nila. PATAS dapat kami pareho lang naman kaming STUDENT dito ahhh.
ng biglang nagumpisa ng magsalita si MARKKI
"IKAW NANAMAN?! Ano ba talagang problema mong babae ka at lagi ka nalang kumukuha ng atensyon saakin"
"EXCUSE ME? ikaw kaya ang papansin diyan!akala mo naman kung sino kang saksakan ng pogi para ipatong mo sapatos mo sa upuan ko hindi mo man lang ba naisip na may uupo kang kaklase dito? na tao din naman ako?"
"Hoy unang una sa sinabi mong kung sino akong saksakan ng pogi? Bakit tanungin nga natin ang mga classmate natin diba POGI AKO?"
>OMG!OO YES and YES
>HINDI LANG SAKSAKAN NG POGI!HARI KA NG LAHAT NG POGI MARKKI"
>WALANG DUDA OHHH YESSSSTERDAY ONCE MORE!!
>BET NE BET!
sabi ng mga babaeng bakla kong classmate!okaaayyy panalo nanaman siya.