Markki's POV
"Kakasimula pa lang ng school year na to may napaiyak nanaman akong babae, Mommy Sorry po kung naririnig mo ako at nakita mo ang ginawa ko kanina duon sa babaeng baguhan patawarin mo po ako kung di ko nagagawa ang habilin mo saakin na wag magpapaiyak ng babae. Sorry"
hello ako nga pala si Markki Allen Gonzalez. Ang star player ng varsity at president ng student council namin sa school. Dati din palagi akong rank 1 sa class pero ngayon tinatamad na akong mag-aral.Hindi ako nanakit ng babae pero simula ng mamatay ang mommy ko umiba ang takbo ng mundo ko at ng daddy ko.
Simula kasi ng mawala si mommy etong daddy ko naging busy sa pagiging businessman niya, pinabayaan na niya ako. Puro nalang pera,pera,pera nasa isip niya ni hindi man lang nga siya pumunta sa graduation ko kahit Valedictorian akong grumaduate eh tito ko pa ang nagattend at kasama kung umakyat sa stage saklap no?
Binubusog nga niya ako ng materyal na bagay pero anung use nun kung wala naman siya para gabayan ako sa paglaki ko. Minsan tuloy iniisip ko kung buhay pa sana mommy ko hindi kami ganito ngayon siguro masaya kami palagi. Haist,
Kaya sobrang asar na asar ako sa babaeng yun kanina ng binangit nia ang daddy ko.Hindi niya pa naman ako kilala para husgahan ng ganun na lang.
Sa totoo lang kanina talaga naawa ako sakanya ng pagpasok niya palang sa room puno ng putik at nakita ko ang sugat niya sa tuhod. Kaya nga ng nasa canteen ang grupo namin nila Sophia at Henry pinagtanggol ko siya eh kaso naman etong si Henry pinahiya ako..
""wow, pare! Wag mong sabihing naawa ka na?"
kaharap ang lahat ng grupo namin syempre hindi ko ipapakita na naawa ako kahit sa totoo lang naawa naman talaga ako sakanya.Di naman ako totally tulad nila may PUSO din naman ako kahit papaano. Kelangan ko kasi maging tulad nila Sophia ehh. dahil kung hindi isusumbong nila ako kay dadi ang failing grades ko, pati narin ang mga kalokohan at pakikibasag ulo ko. kaya pinanindigan ko ng maging masama kahit labag sa kalooban ko.
pero nawala ang awa ko sa babaeng yun...Pinamukha niya saakin na ang sama kong anak sabagay may punto siya pero mali pa ding husgahan niya ako.. hayss.1st day of school sucks.
SAMANTALANG SA KABILANG BANDA NAMAN,....
Kathleen's POV
Nakakainis talaga ang araw na to. Mabuti pa sa dati kung school kahit inaasar ako ehh may nagtatangol saakin eh dito wala man lang akong kaibigang mahanap.. Sobrang ang sasama ng mga estudyante dito akala mo kung sino naman sila.. Maayos nga itsura nila pero bakit ganun ang paguugali nila. Si SOPHIA sayang ng ganda niya, kung ganyan ang ugali niya walang magmamahal sakanya sayang.. Pero di pa rin talaga maalis sa isip ko ang mukha ni Markki ng sinabi niya "Hindi ako tulad nila, wag mo akong isama sa kanila! ibahin mo ako. at teka bat parang affected ka masydo? ako ba ang nanakit sayo? "
ang mukha niyang galit na ang gwapo pa rin pero ewan ko ba oo aaminin ko na love at first sight ata ako sakanya aiiii mali ang cheap ko naman na "like at first sight" lang pala napakalalim na ng word na "love"
Napaka amo at innocent kasi ng pagmumukha niya. Pero ang sakit pa rin ng panlalait niya pero hindi naman niya ako sinaktan.. Siguro nga hindin naman ako galit talaga.. 'kasi habang kausap ko siya gustong gusto ko marinig boses niya kaya kahit nagagalit na siya nasabi ko parin yung
"Alam mo ngayon ko lang nalaman mas maswerte parin pala tatay ko saakin kasi kaht pangit ang anak niya ugaling tao pa rin!Eh ikaw? alam ba ng tatay mo yn? kasi kung ako ang tatay mo binugbog na kita..!!Oh siguro pati tatay mo sumuko na sayo???Kasi gago ka!GAGO!!!
para lang pahabain yung usapan namin yun siguro yun pero eto walang biro first time tumagos sa puso ko ang panlalait saakin ng siya na ang nagsalita. Siguro kasi parang alarming call na yun saakin na wag akong magkakagusto sa hindi ko kalevel. na si Markki Langit ako naman LUPA? wag naman empyerno ayoko duon..
simula ngayon iiwasan ko na grupo nila para hindi na ako masaktan..
"Kanina ko pa hinahanap ang CLINIC asan kaya dito". eto nanaman ako kinakausap ko nanaman sarili ko pasensya na kayo ahh ganayn talaga effect kapag wala kang kaibigan ang tendency kausapin mo nalang sarili mo malay mo sumagot..
haisst andito na ako sa likod ng school, maganda pala dito tahimik at walang mga estudyante mukhang nakahanap na ako ng pwedeng maistyan kapag BREAKTIME and LUNCH TIME na walang mang gugulo saakin..Sa may malapit sa mga flowers may parang isang maliit na Stockroom ata yun tiningnan ko kung ano ang laman kasi baka pwede kong maging tambayan to habang andito ako sa school kasi mapresko dito at malayo sa maingay na mga tao sa school..
ng lumapit ako nkita kong nakapadlock pala ito mukhang may nakatira duon dahil may nakita akong higaan at mesa parang maliit na bahay astigg..
dahil sa sobrang pagod ko ngpasya muna akong maupo sa pahabang bench na malapit sa stock room sa ilalim ng malaking puno di ko namalayan ang oras at nakatulog ako dahil na rin sobrang sakit ng katawan ko..