Bakit akala ko?

14 0 0
                                    

Bakit bigla ka na namang bumalik?
Para guluhin ang buhay kong nananahimik?
Sana di ka na lang nagpakita ulit
Tuloy nararamdaman ko sa'yo'y muling bumalik.

Sabi ko tama na di'ba?
Ayoko na muling magpakatanga.
Bakit ka na naman bumalik?
Alam mo ba na ako sa'yo'y nananabik ?

Akala ko nakalimutan na kita
Kaso akala ko lang pala.
Kasi ang totoo mahal pa rin kita
Pero ayoko nang masaktan pa.

Ikaw, oo, ikaw!
Puso ko'y iyong ninakaw.
Di na naman mapakali
Gusto kang makita bawat sandali.

Ayoko sanang umasa
Ako ba'y mahal mo pa?
Bakit ka nagparamdam ulit?
Sana panloloko mo'y 'wag nang maulit.

Di Masabing DamdaminTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon