Pakigising ako!

3 0 0
                                    

Oo, sa una pa lang mali na tayo
Maling mahalin mo ako, maling gantihan ko ang pagmamahal mo
Paano ko pipigilan ang nararamdaman ko kung unti-unti na akong nahuhulog sa'yo?
Hindi ko na alam ang gagawin, ititigil ko na o itutuloy ko lang kahit alam kong mali ako?
Bakit kasi nakatali ka na sa kanya?
Ayoko ko namang agawin ka kasi nagmumukha akong kontrabida.

Maghihintay na lang ako, maghihintay ako na maging tayo.
Hindi ako gagawa ng bagay na ikakasira n'yo dahil hindi ako ganung tao.
Mas gugustuhin ko pang magdusa habang pinagmamasdan kayong masaya kesa gumawa ng hakbang para maging masaya kung ikaw ay nagdudusa.

Oo, masokistana kung masokista
Tanga na kung tanga
Pero may hihingin sana akong pabor
Pwede bang gisingin mo ako sa pagkakahimlay
Dahil hanggang ngayon ako sa'yo ay patay na patay

Di Masabing DamdaminTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon