Paraya (para sa taong sinaktan lang ako)

13 1 0
                                    

Akala ko tayo na
Akala ko magtatagal ka,
Pero umalis ka
At mas pinili mo s'ya.

Ngayon alam ko na
Kung bakit mahirap maging masaya.
Kasi 'di maaalis ang katotohanan
Na ito ay pansamantala lang.

Alam kong malakas ako
Pero di maikukubli na sa kabila nito
Nakatago ang marupok kong puso
Na walang habas na sinaktan mo.

Ngayon ako ay mag-isa
Di na makabalik sa umpisa,
Umpisa bago kita makilala
Na hindi ko rin maalala.

Babangon ako muli
Dahil hindi pa ito ang huli.
Masasanay rin ako
Na wala ka sa tabi ko.

Nand'yan naman ang mga kaibigan ko
Na pilit pinupunan ang mga pagkukulang mo.
Sila na muna ngayon ang boyfriend
Na magbabalik kulay sa ngayo'y madilim kong mundo.

Para sa kanila kasi ako ay prinsesa
Na hindi mo naiparamdam noong tayo pa,
Kasi para sa'yo ako ay tropeyo
Na display lang kapag magkasama tayo.

Pero alam mo, salamat sa'yo
Dahil ako'y sinaktan mo
Kaya ngayon nagising ako
Na di para sa'yo ang pag-ibig ko.

Yung mga pangarap natin?
Mag-isa ko na lang tutuparin
Pupunta ako sa Europe, England at Paris
At ngingiti ng pagkatamis-tamis,

Matamis pa sa tsokolateng bigay mo
Na nagpasakit minsan ng ngipin ko.
Buti na lang at ishinare ko
Ayun nakatikim pati mga kaibigan ko.

Naalala ko nga pala
Sa'yo ako'y walang napala
Kasi gung-gung ka,
Pinagmukha mo lang akong tanga.

Nagtanga tangahan ako
Kasi masaya ako sa piling mo,
Ang di ko alam niloloko mo na pala ako,
Sobrang tanga ko.

Ang trese nga daw ay malas
Kaya huwag gamitin ng madalas
Baka ikaw ay maglaslas
At mamatay ng di oras.

Sabi ko nga magmomove on na 'ko,
At ika'y kakalimutan ko
Kasi nasasaktan ako
Kapag nakikita kong masaya kayo.

Bakit nga ba siya ang pinili mo at hindi ako?
Nahigitan n'ya ba ako? Siguro oo.
Di mo naman s'ya pipiliin kung hindi di'ba.
Walang pangamba, mas mahal mo s'ya.

Sana naman masaya ka
At walang intensyon na lokohin s'ya.
Niligawan mo kasi s'ya
Tapos iiwan mo din lang pala?

Aba ay kupal ka pala
Ay magbago bago na,
Kawawa naman s'ya
Sana mahalin mo s'ya.

Suko na kasi ako
Kaya di na ako maghahabol sa'yo
Nakakapagod din kasi
Kaya ngayon ako'y nagsisisi.

Di ko alam kung paano ko tatapusin ang tula na 'to,
Marami pa sana akong gustong ilagay dito
Kaso kailangan ko na rin itong tapusin
Kagaya ng pagtapos mo sa relasyon natin.

Di Masabing DamdaminTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon