Nakakalito! Nakakaduda!

8 0 0
                                    

Kailan kaya matatapos
Pag-ibig na naghihikaos,
Sana naman ay 'wag muna
Dahil mahal pa kita.

Matamis na ngiti
Napakagandang palamuti
Sa iyong mukhang kay yumi
At walang bahid ng pighati

Masaya magmahal
Mahirap namang masaktan
'Wag kang magmahal
Ikaw din ang papalitan

Alitan at awayan
Saglit lang yan
'Wag damdamin
Ngunit kasalana'y aminin

Maging totoo sa isa't isa
Tiwala ang dapat manguna
Huwag ang pagdududa
Ngunit 'wag balewalain ang napuna

Masarap umibig
Lalo't mahal ka rin ng iyong iniibig
Sana ay hanggang wakas
Ang pag-big na sinasabing wagas

Di Masabing DamdaminTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon