Suko Na!

5 0 0
                                    

Sa araw na suko ka na, pakisabihan ako para naman kapag dumating ang araw na yun ay handa ako.
Handang iwan ka at di na muling magpapakita
Magpapakita ng pagmamahal sa'yo
Dahil alam mo, hindi ako namimilit ng tao,
Di ko pipiliting manlimos sa pagmamahal mo.
Tao ako at hindi aso na maghahabol sa'yo.
Sana sa araw ng pagsuko mo ay handa na ako
Mahirap kasi kapag nabigla ako at magmakaawa ako
Mahal kita, oo, sobra sobra.
Lahat ng katangian mo minahal ko
Lahat ng pagkukulang mo, tinanggap ko.
Kaya kahit mahirap nang palayain ka ay gagawin ko
Sa araw ng pagsuko mo pakisabihan ako
Baka kasi umasa ako kapag bigla ka na lang umalis
Umasa na babalik ka pa at nagpahinga lang dahil napagod ka.
Kasi alam mo mahirap maghintay sa taong hindi na pala babalik
Taong nagparamdam ng pagmamahal ngunit panandalian lamang pala.
Unti-unti mo na 'kong sanayin sa walang paramdam para kung dumating yung araw na wala na talaga ay matatanggap ko pa
Matatanggap ko pa na wala ka na talaga at may mahal ng iba.

Di Masabing DamdaminTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon