Walang tigil

6 0 0
                                    

Mahalaga pa ba ang pahinga kung pagod ka na?
Pagod na umintindi ka sa kanya.
Mahalaga pa ba ang tiwala?
Kung puno ka na ng pagdududa.

Sa tingin mo, tama pa ba na ipinaglaban mo siya?
Tama pa ba na magtiis ka?
Kung nakikita mong may mali na.
Kung nakikita mo sa mga mata niya na wala na.

Hindi mo malaman ang gagawin
Kasi hanggang ngayon ikaw ay duwag pa din
Duwag na maiwan mag-isa
Duwag na mangulila sa kanya

Hanggang ngayon nakakapit ka pa din
Sa mga salitang "Kahit anong mangyari ikaw lang ang mamahalin."
Hanggang ngayon wala kang kakayahan
Na mabuhay mag-isa na walang inaasahan.

Nakalimutan mo na ba ang karapatan mo?
Karapatan mong malaman ang totoo.
Ang totoo na wala na siya
Pinipilit mo na lang talagang kumapit sa kanya.

Huwag mong hayaang lamunin ka
Ng pagmamahal mo sa kanya
Huwag mong kalimutan na may ikaw
Bago siya dumating sa'yo

May ikaw na kayang tumayo sa sariling mga paa
At hindi umaasa sa kanya
May ikaw na buo kahit may kulang talaga
Kasi alam mo hindi siya ang magpupuno nito

Ikaw, ikaw lang ang bubuo sa sarili mo
Ikaw lang magpupuno ng pagkukulang mo
Huwag mong iasa sa kanya
Kung siya ay napipilitan na

Di Masabing DamdaminTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon