Kung kaya ko lang talaga pahintuin ang oras,
Siguro matagal ko na itong ginawa.
Sa tuwing iisipin ko,
Na onting oras nalang ang natitira para ika'y pagmasdan,
Ang puso ko'y kumikirot,
Na para bang gusto na nyang bumigay.
Sana, may magbigay sakin nang pagkakataon na masabi sayo
Ang salitang "Wag ka nang umalis."
Kahit alam kong malabo itong mangyari.
Pero umaasa parin ako,
Umaasa parin ako na ika'y mananatili sa aking tabi.
Wala na akong magagawa kundi ika'y suportahan,
Dahil masaya na ako sa tuwing nakikita kitang masaya.
At aaminin ko na nakakalungkot din pala,
Kasi, sa likod ng ngiting iyan ay hindi ako ang rason,
Kundi ibang tao,
Hindi ako.