(Part 2 of IV)
Sa tuwing nakikita ko ang kadiliman
na napapalibutan nang mga bituin,
naiisip ko ang sarili ko at ikaw.
Ako ang kadiliman at ikaw ang bituin.
Ako ang kalungkutan at ikaw ang
kaligayahan.
Ako ang dilim at ikaw ang liwanag.
Liwanag na nagbibigay nang pag-asang
magkaroon nang ilaw ang aking madilim
na buhay.
Liwanag na nagsisilbing tagapag ligtas
sa aking walang saysay na kadiliman.
Kung wala ang mga bituin sa aking
tabi,
lahat ng mga tao ay walang ibang
makikita kundi ako.
Lahat ng mga tao ay walang ibang
sisisihin kundi ako.
Pero, nung nakita kita,
nagkaroon muli nang munting liwanag
ang akin buhay.
Nagkaroon muli ako nang pag-asang mabuhay sa makulay na mundo.
At nagkaroon muli ako ng pag-asang
lumigaya sa likod nang aking mga kadiliman.
Kaya salamat sa mga bituin,
kung wala kayo,
kami'y mananatiling mabuhay sa
blankong mundo.