Bakit ganun ang lungkot ko nanaman?
Nakakasawa din palang lagi nalang ako nakakaramdam ng ganito.
Yung pakiramdam na mag-isa ka lang
At alam mong walang ni isang tao
Na handang sumagip sayo sa gitna ng kadiliman.
Kadiliman na kung saan ka lalong lumulubog
At unti unti nang nasasanay.
Hindi na ako aasa pang may darating para lamang ako'y sagipin.
Matagal ko ng tanggap na walang liwanag na darating sa aking buhay.
Kay tagal ko ng hinintay
itong pagkakataon na ito,
Kung saan malaya na ako
sa aking pag-durusa
At makakamit ko na
ang matagal ko ng inaasam na kasiyahan.