Nakita ko kanina sa aking kalendaryo na
Isang buwan at ilang araw nalang kita
Pwedeng makasama.
Mahirap man bilangin,
Pero, gusto kong malaman,
Kung ilan pa ang mga araw na dapat kong pahalagahan.
Hindi ko kayang sayangin ang isang araw, Dahil ito ay sobrang importante sakin.
Ganyan naman talaga ang buhay, may darating, aalis, babalik, at meron din namang hindi na bumabalik.
Siguro lahat naman tayo ay ayaw nating umalis ang importanteng tao sa ating buhay.
Oo, umaarte tayo na parang wala lang satin, pero sa loob natin ay sinasabi natin na "Please... Dito ka nalang."
Pero wala talaga tayong magagawa kundi ang,
Maghintay sa kanilang pagbabalik at magtiis na wag masaktan sa magiging resulta.