II

92 8 0
                                    

Gusto ko nga palang ipakilala sainyo si Ako, Ikaw at si Siya.
Si Ako ay laging nasasaktan at siya'y laging naiiwan.
Samantalang sina Ikaw at Siya ay nagmamahalan at nagpapakasaya.
Ang buhay nilang tatlo ay parang isang malaking gunting.
Sa isang butas, doon mo makikita si Ikaw,
At sa kabila naman ay si Siya.
Makikita mo sa kanilang mga mata na gusto nilang
Lumapit sa isa't isa, dahil sila ay magkalayo.
Habang nasa parteng matulis naman si Ako,
Kung saan pwede syang masugatan at masaktan
Kung hindi nya babantayan ang kanyang mga kilos.
Sa tuwing naglalapit sina Ikaw at Siya ay unti unting nahihirapan si Ako.
Nasasaktan si Ako hindi dahil sa mga matutulis na bagay na naka baon sa kanyang katawan,
Siya'y nasasaktan dahil sa kanyang nakikita.
Walang magawa si Ako kundi tignan sina Ikaw at Sya na nagkakalapit,
Habang siya'y nahihirapan at umiiyak sa sakit nang kanyang nararamdaman.
Hindi man lang naisip nila Ikaw at Siya na si Ako ay nagdurusa
Sa sobrang sakit.
Hanggang hindi na nakayanan ni Ako,
At siya'y bigla nalang naglaho,
Na para bang bula sa sobrang bilis nang pangyayari.

Thoughts Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon