Sa tuwing nakikita ko ang mga bituin
sa langit na nagbibigay liwanag
sa madilim na gabi,
wala nang iba pang bagay na
pumapasok sa isip ko kundi
ikaw.
Ang mga bituin ay parang ikaw.
Bituin na madali mo lang makita
at pwede mong pagmasdan buong
gabi.
Bituin na hindi nakakasawang tignan.
Bituin na laging nasa iyong paningin.
Bituin na nag sisilbing ilaw
sa madilim mong mundo.
At bituin na laging nasa tabi mo
sa tahimik at malungkot mong
gabi.
Pero ang mga bituin ay hinding hindi
mo pwedeng maabot dahil sila'y
napaka layo saatin.
Ang mga bituin ay parang ikaw.
Bituin na pwede mong makita.
At bituin na hinding hindi magiging sayo.