Hanggang Dito Nalang Tayo

26 1 0
                                    

Patawad
Patawad sa lahat ng sakit na aking ipinaranas
Oh aking sinta sana ako'y dinggin mo't mapatawad
Tatanggapin ko kung ako may iyong parusahan at iposas

Bakit ba kasi sa dinami dami ng mga babae sa mundo
Ako pa ang nahagilap ng iyong mga mata at tumatak sa iyong puso
Di hamak na isa lamang akong babae na sakit sa ulo
Pero pag dating sayo isa akong espesyal na tao

Alam mo naman siguro na pag dating sa ganito isa akong talunan
Dahil ako'y takot ng muling masaktan at maiwanan
Mas kailangan mo yung taong kaya kang pahalagahan
At yung taong gagawin ang lahat para ika'y ipaglaban

Masakit para sa akin na makita kang nagdurusa
Kaya hangga't maaga pa'y ito'y aking ititigil na

Sana dumating ang araw na ako'y wala na sa buhay mo
At maintindihan mo
Kung bakit hanggang dito nalang tayo

Thoughts Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon