TMBIMS: Chapter 9

3.3K 68 3
                                    

* Abie's POV*

Ang boring! Ano kaya ang ginagawa ng dalawang kumag na iyon? I'm sure naboboringan na iyon. Lalong-lalo na si Miko, madali lang iyon maboringan lalo nang wala ng lesson na makakapag-excite sa kanya.

Napahalumbaga na lang ako sa mesa habang nakatingin sa harap. Kung titingnan mo at Parang nakikinig ako, ngunit hindi naman talaga. Kailan ba magriring ang bell?

*Psst* Kinuha ko ang phone ko mula sa bulsa ng palda ko. "Punts ka dito sa rooftop pagkatapos ng klase mo. Daan ka din sa canteen, bilhan mo ako ng snack. Nagugutom ako." Aish! Talaga ng inutusan niya pa ako. Wala ba siyang mga paa? Tsk. I'm sure nagcut na naman iyon. Malalagot talaga siya sa ate niya. Makikita niya!

*Psst* "PAALALA: Wag mo akong isumbong kay ate. Kapag nalaman Kong isinumbong mo ako, makikita mo!! PS: Banta iyan!" text niya ulit. At talagang tinakot niya ako. Among tingin niya sa akin? Bata? Bata na madaling matakot sa nga banta niya?

Nang marinig ko ang bell at dali-dali akong lumabas sa room, kahit na hindi pa lumabas ang guro namin. Ako na, ako na ang bastos. Eh sa kailangan ko nang umalis eh. Nagugutom na kaya ako.

Matapos akong bumili ng snack ay umakyat na ako. Bubuksan ko na sana ang pinto ng makarinig ng tinig. Dali-dali akong naghanap ng mapagtaguan. Alan kong bastos ang making ng pag-uusap ngunit kung bubuksan ko ang pinto mas lalo lang na mapahamak ako dahil tumutunog ang pintuan ng rooftop. At pag marinig niya malalagot ako. At baka sementeryo pa ang kahantungan ko.

"Boss uunahin ko ba ang bunsong Sandoval bago ang ate?" tanong ng isang boses. Sa tingin ko at may kausap ito sa telepono dahil sa Hindi ko man lang marinig ang pagsagot ng kausap nito.

"Opo boss, on eyes parin po ako...Wala naman po akong nakikita na kahina-hinala. Sa tingin ko ay walang kaalam-alam ang bunsong Sandoval...... Kasi po wala naman iyong ginawa kundi ay pumasok sa paaralan at umuwi sa bahay nila, minsan naman ay kasama nito ang mga kaibigan niya." Napahawak muna ito sa baba bago sumagot.

"Sa naalala ko po Boss ay Abiegail Rome's yata ang pangalan non. Siya po ang laging kasa-kasama ng bunsong Sandoval." Napatakip ako sa bibig ko ng marinig ko ang pangalan ko mula sa kanya. Dahil sa pagtakip ko sa bibig ko ay nahulog ang plastic na dala ko na siyang naglikha ng ingay sa tahimik na pasilyo. Nakarinig ako ng yapak ng paa na papunta malapit sa akin.

The Mafia Boss is my STALKER?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon