TMBIMS: Chapter 3

6.9K 168 1
                                    

*MIKO'S POV*

*tok* *tok*

"O wala ka na namang magagawa sa inyo no kaya pumunta ka dito." sabi sakin ni Abietot ng mabuksan niya ang pinto at ako ang bumungad sa kanya.

"Alam mo namang ikaw lang ang malapit sa amin. Atsaka kung doon ako kila Skylexz baka hingalin lang ako. Alam mo namang hindi ako pinapapunta ni ate sa malalayo dahil baka atakihin lang ako." pangangatwiran ko sa kanya pero kahit hindi ako magsabi niyan eh papasukin talaga ako niyan dahil malakas ako diyan eh.

"Alam ko. Pero sana hindi ka nalang nag-abalang pumunta. Nasan ba ang ate mo?" tanong niya sakin.

"So ayaw mo na akong pumunta dito ganon? O sige alis lang ako. Pumunta lang naman ako dito kasi gusto kitang dalawin. Balik nalang ko sa bahay kahit wala si Ate doon dahil may lakad siya." papapakonsensiya ko sa kanya at tumalikod para mas maguilty siya.

"O siya pasok ka. Atsaka hindi naman sa ganon ang ibig kong sabihin. May lakad kasi ako walang mag-entertain sayo dito kasi wala din si mama." pagpapaliwanag niya sakin.

"Huh? May lakad ka? Sinong kasama mo diyan? Makakatiwalaan ba? Wag ka nalang kaya pumunta." sabi ko sa kanya.

"Ano kaba. Kasasabi ko lang kayang may lakad ako. Atsaka si Skylexz lang naman ang kasama ko. Nagpapasama kasi siya sakin" sabi niya sakin. Ano? Si Skylexz? Di pwede may gusto yun kay Abietot baka mamanyakin niyon si Abietot.

"Sasama ako." sabi ko sa kanya.

"Huh? Wag na. Mapapapagid ka lang." sabi niya sakin pero no hindi niya ako mapipigilan.

"NO. Sasama ako sa ayaw at sa gusto mo" sabi ko sa kanya.

"O sige kung yan ang gusto mo." sabi niya. Maya't maya pa ay may bumisena na sasakyan." Si Skylexz na yata yan. Tara" at nagsimula nang lumabas.

The Mafia Boss is my STALKER?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon