TMBIMS: Chapter 4

6.4K 166 3
                                    

*ARIA'S POV*

Maaga akong gumising upang maghanda ng agahan kasi maaga ang pasok ni Miko ngayon. Pumanhik na ako sa kusina ng matapos na akong gawin ang aking morning rituals. Nagluto ako ng bacon at hotdog para sa aming agahan. Maya't maya pa ay may nagdoorbell sa labas kaya pinatay ko muna ang stove upang hindi masunog ang niluluto ko. Lumabas ako at doon ko nadatnan si Abie na nakatayo sa labas ng gate namin. Lumingon ito sa akin at ngumiti. Ang ganda talaga nitong batang to.

"Hello po Ate, Magandang umaga. Gising na po ba si Miko?" tanong nito sa akin.

" Magandang umaga din. Pumasok ka muna, gigisingin ko lang si Miko" sabi ko at niluwagan ang pagbukas ng gate upang makapasok siya.

"Ate ano po palang nangyari sayo bakit namamaga iyang kamay niyo?" tanong nito kaya napatingin ako sa kamay ko. Hindi ko ito namalayan ah.

"Nakuha ko lang to sa taong kumuha sa akin kagabi. Hindi ba sinabi ni Miko sayo?" tanong ko dito.

"Hindi po ate eh. Hindi na po kasi kami nagkita pagkatapos niyang tumawag sa inyoKamusta naman po kayo? Wala po bang masakit sa iyo? "

"Wala naman masyado, atsaka okay lang ako. Wag kang mag-alala, wala lang ito sa nangyari ko noon na nahospital pa ako" saad ko.

" Napaka-optimistic  niyo po talaga ate. Kaya gusto kong maging katulad mo" sabi niya sa akin.

"Kahit anong gawin mo Abietot, hindi ka magiging katulad ni ate. Nag-iisa lang kaya to!" sabat ni Miko na hindi namin naramdaman ang pagbaba nito.

Lumapit ito sa akin at binigyan ako ng halik sa pisngi bilang good morning nito sa akin.

"Morning ate" sabi nito at tumabi kay Abie sa couch na nakasimangot na ngayon.

" Sigeiwan ko muna kayo. Tatapusin ko lang yung niluluto ko. Miko, wag mong masyadong asarin si Abie."

"Ma'am, Yes Ma'am!" saad nito sabay saludo sakin .Napailing nalang ako sa gestures ng kapatid ko.

Pumanhik na ako sa kusina at tinapos ang niluluto ko. Pagkatapos ay tinawag ko sila para kumain. Kanya-kanya silang kuha ng pagkain at nagsimulang kumain.

" Ang takaw mo talaga Abietot! Gayahin mo nga si ate kumain may manners. Ikaw kung kumain ka akala mo mauubusan ka!." saway ng kapatid ko kahit hindi naman talaga walang manners kumain si Abie sadyang malakas siyang kaumain.

The Mafia Boss is my STALKER?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon