TMBIMS: Chapter 2

7.5K 242 4
                                    

*Aria's POV*

Buwan na ang lumipas at naging maganda naman ang unang isang buwan kong pagtatrabaho dito. May mga bago na akong kaibigan. Sina Alexa Jane Madrigal at Martin Patrick Montebello. Sila yung taga finance  department na malapit sa table ko. Pero sa loob ng isang buwan nayon ay hindi ko pa nakikita ang boss nila. I mean ko rin pala. Sabi nila masungit daw ito. Palaging naka poker face. Hindi ngumingiti. Iba daw yun magalit. Kaya pinagbuti ko ang trabaho ko dito. Ayokong mapagalitan no.

"Girl! Good morning!" bati sakin ni Alexa.

"Good morning din! Good morning Martin." bati ko din sa kanila. Martin just nodded. I'm sure marami siyang ginagawa kasi hindi bumati sakin eh.

"Ms. Sandoval can you bring this envelope to the operation department? Tell them that this is the copy of financial report they need but it is not yet completed. Partial pa lamang ito. " tanong sakin ng head ng finance at binigay sakin ang envelope.

"Yes ma'am." sabi ko at umalis na siya.

"O sige, ibigay ko muna ito." sabi ko sa kanila.

"Sige."sabi nila.

Habang naglalakad ako sa hallway papuntang marketing department ay bigla nalang akong nadulas. Pikit-matang naghintay akong bumagsak sa sahig. Pero hindi ko ito naramdaman. Huh? Paano naman mangyari yun eh ako lang naman ang nandito sa hallway. Doon ko lang narealize na may nakapulupot na braso sa bewang ko. Agad kong binuksan ang aking mga mata. Laking gulat ko na ang sumalo pala sakin ay ang lalaking nabunggo ko noon. Paano nangyari yun na ang parteng ito ay ang office ng president. Wag mong sabihin na ito ang may-ari?.

*WALLACH POV*

I was signing some paper works when I glance at my TV monitor, Its more like on CCTV. Nagpaggawa ako ng ganito para hindi na ako mahirapan hanapin kung nasaan si Aria. I saw her walking in the hallway. Napansin  kong basa ang sahig pagkalagpas ng office ko. Hindi niya yata ito nahalata kaya muntik na siya madulas. Buti nakalabas ako agad ng opisina at sinalo ko siya. Adrenaline rush? Yun yata ang nangyari.

"Y-you okay?" I asked. Fuck. Bakit nauutal ako? Ang lapit ng mukha ko sa kanya.Parang maghahalikan kami sa pusisyon namin.

"A-ahm okay lang ako Sir. Pwede niyo na po akong bitawan." sabi niya. Pero hindi nakalampas sa paningin ko ang pagblush niya.

"Are you sure?" I asked.

"Opo, thank you sir" sabi niya at nagbow pagkatapos ko siyang alalayang tumayo.

"Where are you going?" I asked. Kahit alam kong saan siya pupunta dahil sa envelope na dala niya. Gusto ko lang siyang makasama.

"Sa operation department sir. Ihahatid ko lang to" sabi niya at pinakita ang envelope na dala niya.

"Ah, okie. You may go now." sabi ko kahit na gusto ko siyang makasama.

After that scene ay pumasok ako sa office ko. Hindi parin maalis sa isipan ko ang mukha niya. I was tempted to taste her lips. Fuck. Bakit ngayon pa ako mawawalan ng control? Hindi magada to. Ang laki talaga ng impact ni Aria sakin. I swept my thoughts and try to focus on what will I should do.



*ARIA'S POV*

Pagkatapos ng scene na nangyari sa hallway ay nagmamadali akong pumunta sa department of operation. Ito ang sakop ng COO. Sa dami ng transaction ay kinakailangang magdagdag ng operation department para macheck na ang bawat transaction.

The Mafia Boss is my STALKER?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon