TMBIMS: Chapter 17

299 9 10
                                    

*ARIA'S POV*

Nakatungo lang ako habang binabagtas ang daan papuntang bahay namin.

Nasa kanto lang kasi ang babaan ng jeep dito sa amin kaya kailangang lakarin mo ang daan papuntang kabahayan dito sa amin. Pwede naman na mag-arkila ka ng taxi kung gusto mo ng dagdag gastos.

Wala namang tricycle o iyong bisikleta na may extension sa gilid para sakyan ng mga pasahero nila. Ewan ko ba kung bakit wala o talagang ayaw ng management ng compound namin.

Pasosyal kasi ng mga kapitbahay namin. Pa-car ang mga sosyal. Pero kaming mga walang kaya sa buhay ay kung may tyaga ka sa paglalakad ay iyon nalang ang gawin mo. Iwas gastos ka na nga, may libreng exercise ka pa! Ayaw mo n'on? Healthy living ka na!

Binibinalang ko na rin ang streetlight galing sa kanto papunta sa amin. Ngayon ko lang napag-alaman na labing-pito pala sila lahat. Ang dami din nilang nagastos para sa streetlight na ito pero ang iba naman ay hindi gumagana.

Eh, saan pala napunta ang monthly payment na binabayad ko para sa improvements dito kung streetlight lang ay hindi nila napapaayos? Ang kukuripot nila ha!

Kapag may oras ako, magrereklamo ako sa may office. Nakaka-intrega na kung saan napunta ang pera namin. Kung may plano silang mangcorrupt ay wala silang panama sa aming bina-value ang pera.

Mahirap kayang kumita ng pera pero napag-alaman mong hindi nila ginastos ng tama. Nakakasakit kaya ng damdamin. Kung pwede nga lang ay huwag nalang akong magbayad.

Pero hindi naman pwede dahil nagbayad din kami para sa safety naming mga homeowners dito. Atsaka ang kapal rin ng mukha namin tignan if palibre pa kami dito. Baka iyan pa ang maging dahilan at mapapaaway kami.

"You're here." salita ng isang tao.

Napatingin ako sa harap ng marinig ko siyang magsalita. I didn't know that he would be here. He approached me and kiss me at the forehead.

"Kanina ka pa?" I asked. "Pasok ka muna." Alok ko sa kanya ng hindi niya sinagot ang tanong ko. Mukhang wala sa mood.

Iginiya ko siya papasok sa bahay. Wala naman siyang sinabi at tahimik lang na sumunod sa akin.

Hindi ko alam pero nababahala ako sa pagiging tahimik niya. Tahimik naman siya noon pa pero iba ang awra niya ngayon. Nakakatakot yet I don't know but I find it appealing. Iba na yata ang tama ko sa kanya.

Nakita ko siyang umupo sa sofa namin.He let his body lean in the backrest of the sofa. Inilibot ko ang aking mga mata pero mukhang hindi pa nakakauwi si Miko. Napasaya yata sa foundation week nila at natagalan sa pag-uwi.

"Kumain ka na ba?" I asked again. Tinatantya kung sasagot ba siya. Lumapit ako sa kanya at tumabi sa sofa. Nakapikit na ito habang nakatingala. Nakasandal kasi ang ulo niya sa sandalan.

"May problema ba?" Mahinang tanong ko. Bigla naman akong nagulat ng bigla siyang lumingon sa akin.

Ang seryoso ng mukha niya. Parang nagtitimpi lang na hindi mag-alburoto. If I could read his mind I loved to but I think I should not baka hindi ko rin kaya ang mga iniisip niya.

Huminga muna siya ng malalim. Nawala na ang tingin niya na mukhang kakatay ng hayop pero nandon parin ang seriousness.

"What took you so long? And you're not answering my messages." He asked.

"Sorry. Dinalaw ko pa kasi sila mommy kaya natagalan ako ng uwi atsaka maraming tao sa sakayan ng jeep kaya natagalan din ako doon." pahinging paumanhin ko sa kanya. "Tungkol naman sa hindi ako nakapagreply ay dahil sa mula kaninang umaga hanggang ngayon ay hindi ko pa nabuksan ang cellphone ko. E-noff ko, kasi akala ko na magte-take ako ng exam ngayon."

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 13, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Mafia Boss is my STALKER?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon