Chapter 1

273 28 10
                                    

My Sweet Comeback, baby!

"Do you believe in soulmates?" one old guy randomly asked me. " Huh?" Syempre, nagulat ako. Last time I check which is ngayon lang, hindi familiar sa'kin yung matanda. Maybe he's around early 40s, wearing a longsleeves and a tie, too formal. Maybe he's a businessman, those eyeglasses, it actually compliments his features. Oh come on, why am I checking out this dude.

"Soulmates written by Holly Bourne, my daughter is a fantard. So, do you believe in that book?" mukhang nakita niya sa mukha ko ang pagkagulat kaya nilinaw niya. But this guy is cool. Calling her daughter a fantard. Napangiti ako dun, kasi I know close sila ng anak niya.

"Yes. No" tiniklop ko na yung libro. Mukhang hindi na boring 'tong pag-uwi ko sa Pinas. I actually thought, mapapanis laway ko during the whole trip, dahil ako lang umuwi mag-isa dito. That's the exact reason why kinuha ko 'tong libro ng kapatid ko sa shelf niya. Aside from the title, ang colorful ng cover. It looks appealing, kaya ninenok ko sa kapatid ko. Kaya lang kung kailan malapit na kami sa NAIA tsaka niya ako kinausap.

"Yes.No?"

"Yes, I believe in soulmates. I do believe in fairytale, destiny, fate and everything na tunog magical. No, because dito sa kwento, tragic yung nangyayari kay Poppy. So, ayoko maniwala na kapag soulmates kayo, magiging against sa'min ang buong mundo. Isn't actually cool kung makikita mo yung taong magcocompliment sa'yo?" Kasi sa totoo lang, ang sakit basahin nitong kwento. It's like kahit simpleng connection lang sa taong mahal mo, will cause a sudden change, death or worst end of the world. Nag-mahal ka lang, sabay magugunaw na ang mundo.

"Fictitious. How old are you hija? 17? 18? There is so much more in love than magic. Yes, walang masama kung maniwala ka, it's actually cute and it will keep you positive about your relationship. But of course, in every love story, there is pain, anger, jealousy. Iba yung napapanuod mo at nababasa mo sa mga libro mo, sa totoong nangyayari sa buhay. " gusto ko sana sabihin na Almanac lang binabasa ko at hindi talaga ako fan ng romance, pero mukhang maganda naman sinasabi niya.

"May I ask. Do you have a boyfriend?" that caught me off guard. Nakakahiyang sabihin na NBSB ako. Kasi sa panahon ngayon, sino ba naman ang single pa?! I mean, kung may single pa, for sure, may karanasan na sila.

"Actually po wala pa po akong boyfriend. And the same reason kung bakit ako uuwi ngayon kasi may babalikan po ako."

"OH! Promise love?" bigla siyang napatawa sa idea. Well, hindi naman siya promise love, pero more of first love sa side ko. Crush ko siya simula nung elementary days ko.

"Yeah? Nako Tito, it's complicated. Kaya nga uuwi ako, kasi I'm getting older na. So, baka maunahan ako."

"Interesting! Wala ka ba'ng nakilala sa Canada before? O nagbakasyon ka lang dito?" lo and behold. Lovelife ko na ang topic namin. "Madami. Friends. Hahaha Kasi naman Tito, ayoko sa mga may lahi. Mas gusto ko pa din yung Pinoy. And mas gusto ko, kung makakatuluyan ko, is yung lalaking mahal ko talaga"

"Ilang taon ka ba nag-stay sa Canada? How sure are you that the man you like is still single?" oo nga ano? Wala naman ako balita sa kanya. Well, aside from graduating na siya sa College this April. Wala na akong balita.

"Eight years din Tito. Ayoko na isipin yun, bata pa si Kuya. So I think, he's still single and career oriented yun. Maybe he wants to work first, or something like that" depensa ko. Pero habang sinasabi ko yun, parang may sumusuntok sa dibdib ko at nahihirapan ako huminga. Paano nga? Paano kung pag-uwi ko ang maabutan ko may asawa na siya?! O kaya may anak?!

"You wouldn't know. Not that pinangungunahan kita. People change. Minsan kung ano yung inaakala natin sa buhay at kung ano sinabi natin na gagawin natin ay nasusunod. Kadalasan, kapag nasa mismong sitwasyon ka na, nagugulo lahat at nagbabago. Pero let's give the guy the benefit na patunayan na ganun pa din siya" casual niyang sinabi. Arrrgg, kung ako lang, nasuntok ko na siya. Hindi naman kasi nakakagaan sinasabi niya e.

"Bahala na Tito. Basta ako, ipapakita ko nalang na mahal ko siya. Kung ano man ang magiging desisyon niya, wala na ako magagawa. Hindi ko naman siya mapipilit e." napangiti nalang ako ng pilit. Ngiti na sobrang pait. OO. Ako na bitter. Ang bitter ko sa sinabi niya. Tagusan naman kasi. Pero sige, bahala na talaga si Batman. Pero kung may kerida man siya, sana si Batman na kumuha.

"I like you Hija. You're just proving me that love is selfless and it is not selfish. You're willing to give his freedom kahit nasasaktan ko. Well, let's see about that. Sabi ko nga, ang pananaw ng tao nagiiba kapag nasa mismong sitwasyon ka na." para naman siyang nagbigay sakin ng sumpa. Haaay. Bigla tuloy akong natakot.

That was his last words bago siya tumayo. And yes, you read it right. Napasarap ang kwentuhan naming kaya ito na.

"WELCOME TO ME!!!!!AHHHHHHH" sigaw ko pagkalanghap ko palang ng maduming hangin ng Pilipinas!

Eight years. It's been eight years. Eight years na ang nasayang. I'm already here. Wait for my sweet comeback, baby.

Knotted TiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon