Chapter 5

204 13 6
                                    

Siblings?!!

Time check: 6:57 AM April 02. Andami ng nangyari sa’kin sa paguwi ko sa Pilipinas. Wala pang isang araw, pero tatlong lalaki na agad ang nakilala ko.

**

After ko makadating sa pad ni Aldrich tsaka lang ako naconscious sa katawan ko. Nararamdaman ko yung pawis at amoy ng alcohol sa damit ko. Pati na din ‘yung usok at pabango ko naghalo na. That’s when I decided to take a bath. Inihagis ko nalang ‘yung bag ko sa couch then I remove the shirt na kinuha ko sa gamit ni Chris, saying ‘yung t-shirt since ginupit ko. Kapag nagkita nalang kami, papalitan ko nalang. Which is never, kasi hindi na ako uulit at babalik sa bar na ‘yun since gumawa ako ng eksena at kahihiyan.

Tuwing naiisip ko ‘yun, nagiinit pa din ang mukha ko. Shemmay!

Nagbabad lang ako sa tub for 45 minutes then tumawag ako kay Mommy. To give my everyday report na kailangan ko ibigay sa kanila. As usual, sumakit lang tenga ko sa sermon kesyo hindi daw ako nagtext man lang kagabi. Kung bakit hindi nila ako ma-contact. Kung bakit ngayon lang ako napatawag, syempre ang sagot ko, same alibi na ginamit k okay Chael.

Kumain lang ako ng pancit canton na nakita ko lang sa stocks na nasa cabinet, then wheat bread na malapit na mag-expire, masabi nga kay Aldrich ‘to pagbalik niya, saying ‘yung mga breads, magkaka-molds lang ‘to.

For now, couch will be my base. Naglagay na din ako ng chips sa center table and I already searched the movie racks for some movies. Majority, horror and action ang nakita ko. Though may mga nakita din akong series na magaganda. Walking dead and Game of Thrones. Hmmm Game of Thrones sounds good, so ‘yun yung pinanuod ko.

Hindi ko namalayan na nakatulog ako at pagtingin ko sa wall clock it’s already 2PM. Siguro dahil sa pagod ko kagabi at puyat. Hindi ko na din nasubaybayan ‘yung palabas. Though naka-play pa din, andami ng bagong characters na hindi ko kilala. Papatayin ko n asana ng may narinig akong nag-doorbell. Inisip ko’ng si Chael ‘yun kaya nagmadali akong tumayo at inayos ang sarili ko. Sinuklay ko ng mga daliri ko yung mahaba ko’ng buhok at tinuwid yung suot kong damit.

Pagbukas na pagbukas ng pinto, ay nakita ko siya “Ch..Chael…ouch” pinitik niya ako sa noo “Kuya. Galing ka lang sa Canada, hindi mo na alam kung paano gumalang” sabi niya ng may konting ngiti. Agad agad siyang pumasok sa loob “Si Drich?” “Hindi ko alam, pero baka nasa Las Pinas since sabi niya uuwi siya sa parents niya kagabi.”

“Oh. You alone? Di ka natakot?” tanong niya habang iniikot ‘yung mata niya sa paligid. As if tinitignan kung may kakaiba sa lugar.

Gusto ko sana kagabi na hindi naman ako dito nag-spend ng gabi and I was in a bar and kissed some random guy named Chris. Pero ayoko, baka ma-turn off siya sa’kin.

“Oh..Oh…Ahhhh…” Nanlaki ang mata naming parehas dahil sa ungol na narinig namin. Shemmay!

Agad siyang tumalikod at dumiretso sa may sala “What the Hell! Colleen!” napatakbo ako dahil sa pagtawag niya.

Lalong nanlaki ang mga mata ko sa nakita ko sa screen. ‘Yung lalaking malaki at ‘yung babaeng may buhok, nag-aano sila ano “Ahh…Ahh” bigla kong tinakpan ang mga mata ko at tumalikod.

“Yuck. Ewwww! Patayin mo ‘yan! Ahhh! Kadiri! Ewwww!” Oh my God. Nakakahiya. Nakakadiri. Eww.

“Ano ba ‘yang pinapanuod mo?! Is that what you learned sa States. Walong taon ka palang dun ganyan ka na ka-liberated?!” base sa tono niya, galit siya.  Agad niyang pinatay yung TV at player. Humarap akong nakayuko sa kanya. Hindi ko siya magawang tignan.

“Pack your things and we were leaving. I’ll be waiting for you in the lounge. And clean this mess. Mahiya ka kay Aldrich, kababaeng tao mo ang dumi mo sa gamit. And keep that CD. Kung ano ano pinapanuod mo.” Sumunod nalang ako sa kanya. Niligpit ko lahat ng kalat ko sa salas. Pinulot ko din yung damit ni Chris, akin nalang ‘to, isusuot ko na pam-porma. Sayang, hindi ko din naman maibabalik since sinira ko na.

Binalik ko na lahat sa dati, ‘yung CD ng Game of Thrones na never ko ng papanuorin. ‘Yung kalat ko, mga balat ng chips na kinain ko. ‘Yung bed sheets and pillow covers na ginamit ko, even towel and towelletes. Tinuyo ko na din yung tub since nakakahiya na parang pinagliguan lang ng bata.

Lumabas ako ng room ng hila hila yung malaki ‘kong maleta and my Louis Vuitton Satchel. Nagsuot din ako ng Ray-Ban Aviator Shades since ang taas ng sikat ng araw. Of course, I wore my Jimmy Choo shoes na talagang pinagipunan ko at iniyakan para bilhan ako ni Mommy. I need to look pretty and Fab so that Chael will drool over me.

“Hello… Drich… I have to go home, dumating na ‘yung driver ko… Thanks for the pad and ‘yung bread mo nga pala mag-eexpire na… No… Thanks… I will give you the keys. Babalik na din akong Las Pinas… Ciao..” Tumawag ako kay Drich habang nasa elevator ako, baka kasi bumalik siya sa Condo and maabutan niya akong wala. Sa Las Pinas nalang kaming magkikita.

“Ang tagal mo.” And my fantasy just got blown away, hindi siya naglaway!. Ni hindi niya ako tinitigan ng isang Segundo. Pagkarinig palang niya ata sa sapatos ko ay bigla nalang siyang tumalikod at sinabihan na mabagal ako. OH My GOD!

“Excuse me! Hoy Chael! Tulungan mo naman ako dito sa dala ko!” Sigaw ko habang hinahabol siya, pinagtitinginan na ako ng mga tao sa lounge “Good Afternoon Manongs! I have to go na! I’ll miss you! Babalik ako dito some other time.“

“Call me Kuya. Before kitang tulungan bunso!” Sabi niya habang naglalakad, hindi man lang siya lumingon. ‘Yung iba ngang lalaki dito nagkaka-bale ang mga ulo sa paglingon, sabay siya iniiwan lang niya ako.

And No. “Ewww! Hindi naman tayo siblings! And never ko’ng pingarap yan. So, Chael. Chael my Loves?! You want?” tanong ko habang patawa tawa pa ako.

“Okay. Madali akong kausap.” Hindi man lang niya ako tinapunan ng tingin, dirediretso siyang pumasok sa driver’s seat ng Toyota Camry niya. Hmmm. Not bad. Pumunta ako sa likod ng sasakyan to put my luggage sa trunk. But it was closed. Hindi man lang niya binuksan, so, I walked to him sa side niya then knock sa window. Binuksan niya yung bintana and I leaned seductively, come on Chael, pansinin mo ako.

“Just put the luggage sa likod… Sorry about that, sinundo ko lang kapatid ko.. Yes.. Yes” HOLY! Hindi niya man lang ako sinilip, inilabas ko pa naman yung hiwa ko sa dibdib para pansinin niya.

Failed. Again! So, naglakad nalang ako pabalik at binuhat I mean kaladkad yung luggage. Binuksan ko yung pinto sa likod at binalibag ko na mga gamit ko. I’m sweating like a pig and this damuho is not helping me. Okay sana kung titignan niya ako or makikita ko ngiti niya e. After kong ibato lahat ng gamit ko, binuksan ko ‘yung pinto sa passenger seat. Syempre, kailangan tabi kami

“No, that’s not your seat, sa likod ka uupo!” What the hell is going on!

Padabog ‘kong sinarado yung pinatuan, sana masira ka at hindi na magbukas. Lintik!

“Yes, we’re coming… On the way na… Be ready, dadanan ka nalang namin… Yep, she’s with me…Okay.. Bye… Yeah yeah… Love you too”

End of the story. Wasak na puso ko. 

Knotted TiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon