Chapter 2

233 16 2
                                    

  Arch Nemesis

Eight years. It’s been eight years. Eight years na ang nasayang. I’m already here. Wait for my sweet comeback, baby.

**

“It’s 7AM here in the Philippines, hindi pa masyadong tirik ang araw pero nakikita ko ng walang pinagbago ang walong taon. Walong taon lang ako nawala, sa akin kaya may nagbago? Makikita kaya niya yung pagbabago ko?” those are the thoughts na naglalaro sa isip ko, habang naglalakad ako at inaayos ang mga dala kong maleta.  Excited na ako lumabas at kung pwede lang halikan ang sahig gagawin ko but it’s not clean, ang dirty and yuck nakakahiya sa mga nakakakita.

Kakalabas ko lang ng NAIA Terminal 3 pero parang gusto ko na agad pumasok agad at bumalik nalang ulit sa Canada. Dang it! Hindi dahil sa nagiinarte ako sa init sa Pinas at sa polusyon, sanay naman ako sa usok kahit magmukha akong tinapa dito. But seriously?! Wala akong sundo! Wala siya! Late siya! Sinabihan na siya ni Mommy beforehand and this. This. Ito maabutan ko. Isang oras na akong nakatayo dito at ilang taxi na ang nagalok sakin pero hindi ako makasakay, kasi.

Una, wala naman kaming bahay na dito sa Pilipinas. Makikitira lang naman ako sa kakilala nila Mommy. Family friend.

Pangalawa, wala akong cash, dollars lang. I know, I know. Taxis here in airport natanggap sila ng dollar but the thing is sayang yung pera! Paano kung sobra yung ibabayad ko sa mismong bill, hindi naman ako pwedeng suklian.

Pangatlo, limot ko na din yung pasikot sikot dito sa Pinas. Sampung taong gulang palang ako ng umalis sa Pinas. By that time, kapag nasa byahe tulog lang ako at nakapikit kaya wala akong alam sa directions. At hindi ko naman kabisado ang address nila kasi at first place, sila daw ang susundo sa’kin.

Arrrrggghhh. At ang nakakainis, hindi sumasagot ng cellphone. Naka-ilang miss call na ako pero wala pa din.

This will be the last try sa pagtawag and kung wala pa din, I’m off.

“Hello?”

“Thank God you’re alive! Sumagot ka din! Asan ka na?!”

“Excuse me?” Wait. Boses babae. “Who's this? I think Miss nagkamali ka ng tinawagan”

“Is this Chael Villanueva’s phone?” tinignan ko pa yung phone ko kung tama ako ng tinawagan and clearly nasa phone ko ang nakasulat ang pangalan ni Chael.

“Yes, but he’s still sleeping. Any message for him?”

He’s sleeping. It’s 7AM and that girl is in Chael’s freaking room! So, this is it? Tama ata yung nakausap ko kanina sa eroplano habang pauwi. Isinumpa ata niya ako, dahil yung babalikan ko, mukhang may iba na.

“Miss?” Unti-unti akong nakabalik sa realidad at 'di ko alam ang nangyari pero parang nagtaasan lahat ng pwedeng tumaas sa’kin. Dugo, sugar at kung ano pa dahil nag-iinit ang ulo ko.

“WHAT?! Message for him?! Maid ka ba niya o secretary. Sabihin mo diyan sa lintik mo’ng amo. Wag na siyang gumising! Manigas na kamo siya diyan sa kama niya, sabihin mo si Cole Buenaventura ‘to!” sa sobrang inis ko hindi ko napigilan na magpapadyak at mapaiyak.

Naiinis ako, kasi pinaghintay niya ako ng isang oras. Usapan yun e, buti sana kung masarap tumayo kapag naka-heels ka. Kung pwede ko lang isaksak sa bungo niya ‘to para maramdaman niya yung sakit. Naiinis din ako, kasi may babae na siya. Pero slight lang, hindi ko lang talaga mapatawad na naghintay ako sa wala.

“Miss, panyo” Nag-eemote ako dito sabay may panira. Naiinis pa din ako kay Chael. Lagot sa’kin 'yun kapag nagpakita siya sa’kin.

“No, meron ako niyan. Gusto mo bigyan pa kita” Bulong ko habang naiyak pa din. Alam mo 'yung naghalo-halo na lahat sa’kin. Stress, pagod, pressure at takot dahil ngayon susubukan ko mamuhay mag-isa. Kaya hindi ko napagilan na umiyak. It’s very frustrating and disappointed ako sa kanya.

Knotted TiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon