Chapter 7

145 11 4
                                    

Baby

He’s not that Chael Villanueva I knew before.

**

For the whole trip, nasa likod lang ako. Nagiimbak ng laway sa bibig at pinapanis dahil walang na atang balak kausapin ako ni Chael. Either bintana lang or siya ang nakikita ko.

Noong nasa Canada pa ako, I imagined that time ‘yung pagkikita namin. Something na emotional din, something yayakap siya at bubuhatin ako kasi tuwang tuwa siya na sa wakas bumalik ako. Or kahit ‘yung ngiti na pinakita niya sa’kin bago ako umalis. Pero wala.

Hindi niya man lang ako kinamusta. And the scene kaninang umaga, it’s very awkward. Ayokong maging topic ‘yun. So, tumingin nalang ako sa bintana at tinitingnan ko ‘yung mga tao na nasa labas.

Siguro nalibang nalang ako sa kakatingin sa buhay sa labas. Naappreciate ko naman ‘yung simpleng pamumuhay ng mga tao. And I can tell, na totoo nga, puro ngiti, tawanan at saya ‘yung napansin ko. Simple, mahirap makaraos pero masaya. Bigla ko tuloy na-miss pamilya ko, sila Mommy and Daddy.

“We’re here” bigla akong napalingon sa kanya, pero nakita ko nalang ‘yung likod niyang palabas nan g pinto. Kaya naman lumabas nalang din ako at sumunod sa kanya.

Pagkalabas na pagkalabas ko narinig ko agad ‘yung ingay ng mga bata na nagtatawanan. Inikot ko ‘yung mata ko sa paligid, at tsaka ko napagtanto na nasa isang school pala kami.

“Monterssori De Manila” bulong ko. I heard about this school, but this is my first time to be here. This is located in Las Pinas, meaning malapit na kami sa bahay.

And seeing the kids laughing and smiling made me feel something. Ang nostalgic lang. ‘Yung amoy ng rooms, which is distinct lagi ‘yung freshly paint and basta, ngayon ko nalang ulit naamoy ‘yung ganitong amoy.

Pumikit pa ako to feel the ambiance. Eight years ago, bigla akong napangiti. Kasi naalala ko noon, naglalaro kami ng habulan. Though kahit bawal ang makipaglaro o maghabulan sa hallway, tumatakbo pa din kami.

Kalaro ko pa ‘nun si Aldrich, sabi sa inyo e. Kung magkakaroon ako ng bestfriend, that would be Aldrich, yes, competitive siya and lagi kaming rival. Pero paglumabas na ng classroom, magkaibigan na ulit kami.

“Cole! Andiyan na ako. Matataya na kita” sabi ni Aldrich habang hinahabol niya ako. Siya kasi ‘yung taya. Edi si ako naman, takbo lang ng takbo at tili ng tili.

“HA-HA! ‘Di mo nga ako mataya! Bleeeh! Habol Aldrich”   sabi ko ng hinihingal, ikot ikot lang kami sa hallway, minsan sa tumatakbo ako sa labas kaya lang mainit pa. ‘Wala pang masyadong tao kasi mas unang pinapalabas ang elementary kesa sa mga Highschool, kaya malaya kaming nakakapaglaro.

“Ito na ako! Takbo!” sigaw niya, bigla siyang bumilis, so binilisan ko din takbo ko. Malapit na niya akong maabutan, kaya napapatingin ako lagi sa likod.

“Loser.. belat! Nyenyenyenye Loser.. Lo-OUCH” hindi ko alam kung anong nangyari, ang alam ko lang nadapa ako at muntik ko ng mahalin ang lupa dahil sobra naming close.

“Ah! Lampa! Wala ka pala e!” si Batok. Di ako nagkakamali, boses ni Batok ‘yun. Grabe five na ang laki laki at ang itim ng batok. Lagi naming inaasar nila Aldrich ‘yun. Bigla akong napatayo dahil hindi ako lampa. Kahit babae ako, hindi ako nagpapatakot sa mga bullies. Pinagpag ko ‘yung skirt ko kasi baka nadumihan.

Peron g lingunin ko sila, nakita ko si Aldrich na nasa sahig. Sinisipa ‘nung mga kabarkada ni Batok.

“Batok!!!!” sigaw ko sabay hampas sa likod niyang malapad. Hindi ko na nabilang kung ilang hampas ang binigay ko sa kanya pero narinig ko siyang uma-aray.

“Aldrich, tayo! Suntukin mo na silang lahat.” Sigaw ko habang walang humpay kong sinasapak ‘tong Batok na ito.

“Aray sabi! Tumigil ka nga Cole!” bigla niya akong tinabig, kaya natumba ako sa sahig, buti nalang naiharang ko ‘yung siko ko at hindi talaga ako naglanding na flat sa sahig.

“BABY!!!” pagkarinig ko ‘nun, nakita ko nalang si Batok na nasa sahig at hawak hawak ‘yung ilong niyang puro dugo.

Nagsigawan lahat ng dumating si Chael kasama ‘yung mga kaibigan niya. Lalo na nung sinuntok ni Chael si Batok.

Simula noong araw na ‘yun. Naging usap usapan kami sa buong Elementary department. Ako na may dalawang gasgas sa magkabilang tuhod, at sa kanan kong siko.

Si Aldrich na putok ang labi at may galos sa braso. At si Batok na may maitim na batok at basag na ilong.

Natatawa nalang ako tuwing nakikita ko si Batok na may malaking puti sa mukha. Sabay ngayong naalala ko ‘yun, kinilig ako kasi niligtas ako ni Chael. Well, bonus kay Aldrich kasi sinubukan din niya akong tulungan at nabugbog siya dahil sa’kin.

Pero kay Chael talaga ako kinilig, ngayon lang ako kinilig. Late reaction.

“Baby!” bigla akong napamulat galling sa pagalala sa mga nangyari. Napangiti ako kasi after ilang years, tinawag niya ulit akong baby.

Lumingon lingon ako para hanapin siya.

“Daddy!” napalingon ako sa batang babae na sumigaw ng Daddy, bigla akong nanigas sa kinatatayuan ko ng nakita kong tumatakbo siya palapit kay Chael.

Hindi ko alam, pero masasabi ko lang na totoo ‘yung slow motion, bumagal lahat ng nasa paligid ko at nakita ko kung paano siya salubungin ni Chael.

Ang saya saya nilang tignan. Habang nagsslow motion ang paligid, unti unti ko ding naramdaman ang panghihina ng mga tuhod ko.

“Baby…” bulong ko. Bigla nalang akong napaluha sa nakita ko “…no more” unti unti na akong kinain ng realidad. Eight years. Eight years lang, may ganito na? ‘Bat ang unfair naman ata?

“Hey Colleen!” tawag sa’kin ni Chael, I mean Kuya. Bigla akong napayuko at pinahid ‘yung tears na muntik na maging falls.

“Who is she Daddy?” tanong ng isang chubby na bata. Tababoy pala, tababoy na bata. May resemblance siya kay Chael, so siya nga talaga ang ama.

“This is Tita Colleen baby. She will be living with us from now on” namilog ‘yung mata ng bata. Shock? Amusement? I don’t care.

“It’s Cole. And don’t call me Tita, it’s Ate” sagot ko sa kanila, tinitigan ko ‘yung mata ‘nung bata, and dun ko nakita ‘yung mata na dati kong tinitignan. Ang mga mata ni Chael.

‘Yung Chael na masaya. ‘Yung Chael na kilala ko noong mga bata pa kami.

“Stop that Colleen, tinatakot mo ‘yung bata!” bigla akong napatingin sa kanya. Ngayon, nakita ko na ‘yung mata niya. ‘Yung blanko niyang titig sa’kin at salubong niyang mga kilay. Ang sarap tirisin ng noo niyang nakakunot.

“Ate Cole!” sigaw ng bata na tuwang tuwa. Doon na naputol ang pakikipagtitigan k okay Chael. Ouch.

“Let’s go Baby! Uwi na tayo. I have your favorite food sa car!” masigla niyang sinasabi habang nagtititigan silang dalawa.

“Baby. Baby!” nakakasar. I mean, ako ‘yung baby e! Sabay ngayon, iba na tinatawag niya. Pwede bang iba nalang itawag niya “Bata. Tyanak. Tababoy” ‘wag lang baby, sakin ‘yun. Pati ako napapatingin e!

Iniwan nila akong mag-ama kaya naman kesa tumayo ako doon at ugatin. Sumunod nalang ako sa sasakyan. Kaya pala ayaw niya akong paupuin sa passenger’s seat dahil ‘yung bago niyang ‘baby’ ang uupo dun.

“Bilisan mo nga Colleen. Naiinitan ‘yung bata!” singhal niya sa’kin.

“Cole. C-O-L-E! Kung naiinitan ‘yan, edi sana pinayungan mo!” napipikon ako, kanina pa ako napi[ikon sa kanya. Sa Sobrang pikon ko, sinarado ko ng malakas ‘yung pinto at nagsuot ng earphones.

GOD. I’m being unreasonable.

Nagseselos ako sa bata! Arrrrrrggggh!

Knotted TiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon