Chapter 4

189 13 9
                                    

Oh My God!

“Tss. Lousy kisser”

**

Bigla akong nagising dahil sa tunog ng cellphone. Hindi ko alam kung anong oras na pero isa lang ang sigurado ko. Masama ang timpla ko ngayong umaga, nagising ako na tumitibok ang aking ulo. Dang it! Kailan pa nagkapuso ang utak. Parang may drill sa loob ng utak ko at tuwing gagalaw ako at nakakarinig ng nakakarinding tunog ay bigla itong titibok. Tamad kong kinapkap yung kama ko to find my phone, without looking kung sino, I answered it.

“Better make sure that this call is worth my attention” hindi pa ako makamulat at hinihilot ko ang ulo ko dahil sa sakit. Tahimik lang sa kabilang linya kaya “Hello?” medyo pataray kong sagot sa nasa kabilang linya. Sinasabunutan ko ng dahan dahan yung buhok ko to ease the pain. Tumitibok pa din.

“Is this Chris' phone? Where is my son?!” bigla akong napamulat “shit!” at napatayo ako sa kamang kinahihigaan ko. The room was dark and cozy, the curtains are close though yung liwanag na nanggaling sa labas is enough para makita ko ang buong kwarto. Unti unti kong inikot ang mga mata ko and I could tell that this is not Drich’s room. “Sorry” Oh My God! Of all people nanay pa nung Chris yung tumawag. I immediately ended that phone call and tinanggal ko yung kumot na nakabalot sa’kin.

“Thank God it’s still intact” buo pa din yung damit ko, walang bawas. Pinakiramdam ko kung may masakit ba sa’kin, if I’m sore or anything pero wala.

Nakarinig ako ng lagaslas ng tubig. Maybe Chris is in the shower room to take some good shower. Nilibot ko ‘yung mata ko sa paligid, “I have to get out of this place” nakakita ako ng gamot sa side table. So I took one tablet.

Nilibot ko pa yung mata ko and I found a t-shirt sa may paanan ng kama, I need to change clothes, kasi hindi ako lalabas at magpapakita sa madaming tao ng ganito ang suot ko. Who would dress up like a party girl ng ganito kaaga.

So, kinuha ko yung shirt and look at it na may naka-print na :DJ Dummy: “Cute. Not bad.” Sabi ko then I pulled his drawer and found a pair of scissor. I started to cut the shirt, from the neck down to every detail. Isang mabilisang gawa ‘to, dahil ayokong magpahuli kay Chris, isang malaking kahihiyan sa’kin yun! “Please. Please. Faster” bulong ko sa gunting para makisama.

After making my new outfit sinuot ko yung t-shirt and I tied both sides and yung likod niya. With this, mukha lang siya normal get up ng isang sophisticated na tao. I’m now wearing an off shoulder tee shirt, then masikip sa bewang to give emphasis with my shape. After that, I wore my heels and run for my life.

Lumabas ako sa condo niya, without saying thanks dahil hindi niya ako ginahasa. Thanks dahil sa gamot at dito sa shirt niya.

Kahit halos patakbo na ako palabas ng building I still manage to say “Good Morning Manongs” and I flash my million dollar smile to the guards and sumakay na ako sa taxi.

“That was close” bulong ko sa sarili ko. After ko maibigay yung direction kay Manong driver. I close my eyes and unti-unting bumalik yung tibok ng ulo ko. Dang. Thank you for my adrenaline rush at gumana siya during sa pagtakas ko.

Sa pag-pikit ko ay unti unti din bumalik sa’kin ang ilang larawan ng mga naganap kagabi.

“Tss. Lousy Kisser” after that, he kissed me again and tumigil ulit kami to get some air. Hinila niya ako pababa ng podium and wala na ako sa sarili ko at nagpahila nalang ako sa kanya. Then dumaan kami sa backstage exit at sumakay sa sasakyan niya. Walang sabi sabi, kinaladkad lang niya ako. 

Knotted TiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon