Chapter 9

171 16 7
                                    

Breaky-Fast!

Eight years. Indeed. Ang dami ng nagbago. From a warm home it turns into an old house. I didn't know, but I just felt the tears in my face and Nikki's wiping every drop of it.

**

Later that night, I tried to talk to Chael, pero hindi niya ako pinansin. Lahat ng approach ko, lagi niyang hindi pinapansin, either lalagpasan lang niya ako, tatalikuran at papasok sa banyo o sa kwarto niya o kaya 'yung linya niyang "Not now, Colleen" "I'm tired." "Leave me alone." And ang pinaka masakit is 'yung pleading voice niya while saying "Please".

It's been two months, and all my efforts are futile. Imagine, two months na akong nags-stay dito sa bahay nila pero para lang akong hangin na nilalagpasan niya, o kung kakausapin man niya ako ay dahil kay Nikki lang.

"Cole. Chael's having a hard time, spare him with your questions and let him be. Hintayin mong siya na mismo magsalita" I talked to Aldrich, and I think he has the right to know, since magkaibigan naman sila ni Chael ever since. Ayan 'yung sinabi niya sa'kin. But the thing is, hindi niya din ako maintindihan. Gusto ko siyang tulungan.

"Ate Cole, fix my hair please" hindi ko namalayan na nasa tabi ko na pala si Nikki.

"Nikki..." bigla akong napatayo and sabay kaming lumingon kay Chael na pababa ng hagdan. He was wearing a white v-neck shirt and a khaki short. Simple lang, pero hindi ko mapigilan na mapatingin at mapatulala sa presensya na

"Ate Cole. Let's Go! Breakyfast na! " hila hila akong dinala ni Nikki sa Kitchen. As usual, naka upo na si Chael while holding a cup of coffee and newspaper.

"You look old." Hindi ko mapigilan na magbigay ng komento. I mean, at the age of 20, ganyan ang kinasanayan niya. Para siyang matandang binata sa postura niya.

"Mind your on business Colleen."

"Daddy! It's Cole. C-O-L-E" wala sa sariling komento ni Nikki, sinabi niya while eating hotdog, parang automatic na sa kanya na everytime na tatawagin akong Colleen, para siyang parrot na sasabihin na "It's Cole."

"Layuan mo nga anak ko, Colleen. Kung ano ano tinuturo mo sa kanya!" singhal niya sa'kin, nakita ko na naman 'yung kilay niyang salubong at ang kunot niyang noo.

Kaya naman lumapit ako sa kanya at hinawakan ang noo niya "Tatanda ka agad kapag ginagawa mo 'yan, yan ganyan dapat tuwid" habang tinutuwid ko 'yung noo niya.

"Alisin mo nga yan!!" tinabig niya 'yung kamay ko. Natawa ako. Ang sarap asarin. "Pikon."

Kung hindi ka madaan sa santong usapan, dadaanin kita sa santong puspusan? Did I get it right? I mean, I tried to approach him in a civil manner pero wala. Kaya ngayon, I will give him some bitching para pansinin niya ako.

Umupo na ako sa upuan to eat breakfast. "Nanay! Wala ba kayong cereals? I'm on diet kasi, I don't eat rice."

"Me too Nana, I want cereals and milk lang." binitawan ni Nikki 'yung hotdog na hawak niya and niluwa 'yung hotdog na nasa bibig niya.

"Why Baby?! Favorite mo diba 'yang hotdog?" sabi ni Chael.

"I want to be sexy like Ate Cole, so diet na din ako." Sabi ni Nikki while pushing the plate away from her

"Uh-Oh"

"See that Colleen?! Kung ano ano natutunan sa'yo ng bata!" kakatuwid ko lang sa noo niya, kunot na naman.

"Fine. Fine. Nanay, wag nalang." Humarap ako kay Baby "Nako Baby, joke lang ni Ate 'yung diet. Mas maganda na kumain ng heavy breakfast, para busog at may energy tayo."

"But... I want to be sexy and hot like you." Sabi niya ng naka-pout. WTH?! Kahawig niya si Chael when he do that. Pero saan niya narinig 'yung hot.

Tinignan ko si Chael and pinandidilatan niya ako ng mata.

"Baby. Mag-exercise nalang tayo after, let's go to park? Walking, then after that pupunta tayo sa school mo."

"Really?! Lalabas tayo? For real?! For Real?!" excited niyang sinabi.

"Yep. Yep. Yep. So, kumain ka ng madami and kausapin mo Daddy mo para magpaalam."

"Daddy. Please?! Pretty Nikki please? Pumayag ka na Daddy" bahala silang mag-ama magusap diyan. Basta ako kakain, since kumakalam na din sikmura ko.

Eversince my stay here, ganito lagi ang drama. Sa dining table lang kami nagkakaharap harap. Ayaw kasi ako palapitin ni Chael sa kanya. Naiilang daw siya sa'kin. Kasalanan ko bang masyadong malakas ang presensya ko.

"Will you quit staring at me." Singhal niya sa'kin nung mga unang Linggo ko sa kanila, kasalanan ko ba na mapatitig sa kanya. Kasalanan niya 'yun at ng mga mata niyang magaganda.

"Nope. A-Y-A-W! No Way!" siguro kung kaming tatlo ang magkakasama sa bahay nila Nikki, tatanda ng maaga si Chael, dahil saming dalawa ni Nikki.

"Hindi ko alam kung slow ka lang o hindi talaga makaintindi? Hindi kasi nakakatuwa na may nakatitig sa'kin. Lumingon ko nga sa iba" sinasabi niya 'yan habang tinutulak 'yung ulo sa ibang direksyon.

Pero nagmatigas ako, binabalik ko pa din sa kanya 'yung titig ko "Hindi ko rin naman alam kung slow ka o hindi ka lang din makaintindi. Gusto kita Chael. Anong hindi mo maintindihan 'dun?" nakipaglabanan ako ng titig sa kanya. Hanggang sa unti- unting nagdikit 'yung dalawa niyang kilay.

"O-kay!" sabay taas sa dalawa kong kamay na to say that I surrender "Sabi ko nga, lalayo na. Iiwas na po ako." Pero bago ako tumalikod, nilingon ko siya at kininditan.

After that incident, ilang beses ko inulit 'yun, pero si Chael na mismo 'yung lumalayo sa'kin na para akong may sakit sa balat na nakakahawa.

"Ay!" nawala ako sa pagkatulala ko dahil niyugyog ako ni Tabachingching "Ate! Ate! Pumayag na si Daddy!!"

"Oh! That's good. Then go eat your hotdogs. You need to finish them all, para payagan talaga tayo. Okay?"

Bumalik siya sa upuan niya at kumain ng madami. While me, inubos ko na din yung rice ko sa plate then tinignan si Chael.

"You should eat rice too Chael." Nakita ko kasing busy pa din siya sa pagbabasa ng newspaper.

"None of your business." Hindi man lang niya binaba 'yung dyaryo para Makita ako at Makita ko mga mata niya.

"Sus! Kape ka ng kape, kaya ka nagiging bitter e! Ooops!" tumayo na ako dahil tapos na breakfast ko.

"Ano sinabi mo?!" at sa wakas, binaba niya 'yung newspaper at nakita ko na naman kilay niya.

"Wala po! Sabi ko magbibihis na ako at maghahanda for later! Ciao! Ikaw din, maghanda ka na!" Dapat maghanda ka talaga, dahil may plano ako.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 13, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Knotted TiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon