Chapter 15
Bago mag-exam ay nakakuha pa ng oras si Misty na kausapin si Mikell.
"Mikell.." simula ni Misty.
"What?!" parang iritadong sabi nito.
"I am pregnant." nasabi niya.
"Why are you telling me this?" tanong niya.
"Because of what happened to us last time.." sagot ni Misty.
"Lets not talk about this today.. not even the next days. I'm sorry, Misty. I am not taking responsibility over a mistake!" sabi ni Mikell sabay walk-out. Naiwang luhaan si Misty. Hindi niya akalain na ganito ang magiging tanggap ni Mikell sa sinabi niya.
Natapos ang exam. Dumerecho si Rafa sa penthouse at si Mikell naman ay nagsabi na uuwi na para magpahinga. Masyado pang pagod ang isip niya sa exam at sa nasabi ni Misty.
Sa penthouse ay nagkaroon ng pagkakataong makapag-usap sina Yonah, Drian at Rafa.
"Rafa, kasama niyo ba sa review center si Mistelle?" sabi ni Yonah.
"Mistelle??" maang-angan ni Rafa.
"Mistelle Kirsten Ramos. Ito naman parang may iba pa.." sabi ni Drian.
"Ahh..Yah, pero we've seen her once or twice lang yata. Different sessions naman kasi kami e.." katwiran ni Rafa.
"Ah ganun pala. Nakita namin siya kanina sa school na pinag-examan niyo e." sabi ni Yonah.
"Ah ok. Sige Yowns.. medyo napagod ako e magpapahinga na muna ako sa room ni Drian." paalam nito.
"Samahan ko na muna, girl ha." paalam rin ni Drian.
"Sure.. no problem."sabi naman ni Yonah at nanood na lang ito ng TV.
..Sa kwarto ni Drian..
"What the hell was that, Rafa?" angil ni Drian.
"What?! We know where we stand ok." dahilan ni Rafa.
"Pero niloloko na natin si Yonah in a way.. Pumayag na nga ko na itago yung pagsama niya sa Amusement Park e tapos ngayon ide-deny mo pang kaklase siya ni Mikell?! That's too much!" sabi ni Drian na kontrolado ang lakas ng boses dahil baka marinig sila sa labas.
"Mikell slept with Mistelle." sabi ni Rafa.
"Ano?!" sabi ni Drian.
"He slept with the girl. What do you think will I do?? I told him to admit it to Yonah or else I will confess it to her.. Pero kumukuha pa rin daw siya ng tiyempo." paliwanag ni Rafa.
"Bakit di mo sinabi agad?" sabi ni Drian.
"Dahil tulad mo, ayoko rin maipit sa ganitong sitwasyon. Ang hirap kaya ng lagay ko kaya ayokong malaman mo. Alam kong hindi ka rin mapapakali pag nalaman mo. Please promise me, never tell this to anyone especially, Yonah." sabi ni Rafa.
"Ok." tanging naisagot ni Drian.
Gabi na nang maisipan ni Mikell na pumunta sa penthouse ni Yonah.
"Oh sweets! I thought na very tired ka. Bakit pinilit mo pang pumunta?" sabi ni Yonah pagbukas ng pinto.
"Oo nga pagod ako pero di ko matiis na hindi ka makita." sagot nito.
"Ayy ang sweet naman.." ngumiti si Yonah.
Maya maya pa ay may kinuha ito sa bulsa niya. Isang maliit na kahon at biglang lumuhod sa harap ni Yonah.
"Sweets, will you marry me?" tanong nito.
"Huh?! Bakit may ganito, Mikell?" tanong naman ni Yonah.
BINABASA MO ANG
Chaos in Love
RomanceMikell Sebastian Perez and Yonah Brienne Madrigal were a picture of a perfect couple who shared almost 7 years of their lives together. Sharing fruitful memories together until after college graduation. Si Mikell ay nag-strive maging licensed engin...