Chapter 39 -- The Party

7 1 0
                                    

Isang black flowing dress ang naisip isuot ni Yonah para sa formal party na hinanda ng Laya Company para sa pagtatapos ng convergence nila.

Naglagay siya ng light make-up at itinaas ng pusod ang buhok. To compliment her look, nagsuot lang sya ng emerald earrings.

Paglabas niya ng kwarto niya. Nagulat siya ng bahagya ng nakita niya si Keos na nakablack tuxedo at kahit pa nakatalikod ay kitang-kita ang kakisigan at kagwapuhan nito. Napahinto siya ng magsalita ito.

"Are you done checking me out?" Nakangiting sabi ni Keos.

"H-hala sya. Hindi ah. Nagulat lang ako na ready ka na pala." -Yonah

"Okay. But why do you still stare at me? Eye-raping or something?" Lalong ngumisi si Keos habang papalapit kay Yonah.

"OA na yan, Keos ah. Hahaha grabe naman bilib mo sa sarili mo. Nagulat lang nga ako." Natatawang pilit na sabi ni Yonah habang umaatras at kinakabahan sa lumalapit na si Keos.

"Okay. I'll buy that if you accept this." Sabay abot ni Keos ng bungkos ng rosas kay Yonah.

"Oh. Thank you. May pagganito ka pa. Salamat ulit." Inamoy ni Yonah ang bulaklak bago inilapag sa kanyang higaan.

"Let's go?" Yaya sa kanya ni Keos.

Aangkla sana ni Yonah ang kamay niya sa braso ni Keos ngunit mas pinili ni Keos na hawakan ang kamay niya.

"S-sir Keos.. yung kamay ko po." Ani Yonah

"Keos lang please. And please just let me.. let me cherish this.. this might be the last. I want to take my chance." Malungkot na tinig ni Keos

Nahabag na lalo si Yonah sa kausap. Hindi niya malaman ang gagawin. Hindi man siya sumagot ay hinayaan na lang niya itong hawakan ang kanyang kamay.

Nakarating sila sa venue ang party sa may rooftop ng hotel.

"Welcome, Keos and Yonah. You both look good." Salubong ni Henry sa kanila.

"Thanks, Bro. Thank you so much." -Keos

"Just feel free to roam around. Meet our people. I will be gone in a while. There's an urgent meeting in Manila early tomorrow. Relax and enjoy the party." Paalam ni Henry

Nagsimula ng lumalim ang gabi. Magkasama pa rin sina Yonah at Keos after nilang nag-ikot at nakipagkilala sa ibang VIPs sa party. Huminto sila sa isang outdoor sofa na nakaharap sa malawak na view ng lugar. Wala ng masyadong tao sa party konti na lang at halatang nagliliwaliw na lang ang karamihan ng empleyado ng Laya. Hinubad ni Keos ang coat niya at ipinatong ito sa balikat ni Yonah.

"Ah Keos, tungkol sa sinabi mo kanina-" -Yonah

"No. Don't worry. Maiintindihan ko kung di ka pa ready or ayaw mo na talaga pag-usapan. Its okay. I'm sorry." -Keos

"Okay lang. Naisip kong handa na ako. Hindi matatapos ang issues kung hindi pag-uusapan di ba. I just want to clear things out. Na hindi nagbabangayan or nagsusumbatan. "-Yonah

"Sige. Saan mo gusto magsimula?" -Keos

"Sa nararamdaman mo. Mali na kasing may maramdaman ka pa para sa akin, Keos."

"Alam ko. Pero anong magagawa ko kung patuloy ko pa ring nararamdaman?"

"Itigil mo na. Iba na ang sitwasyon e. May masasaktan. Pati tayo masasaktan."

"Mahal kita, Yonah. Hinintay kita e. Hinanap kita. Nawala ako sa sarili ko. Halos mamatay ako dahil sa araw-araw na sakit. Hindi ko kinakaya. Pero nagpakatatag ako. Para sayo. Para sa ating dalawa."

Pumatak ng unti-unti ang luha ni Keos. Natahimik sila. Hindi makapagsalita si Yonah dahil pinipigilan rin niyang tuluyan ng maiyak.

"Sana hindi mo na ko hinanap. Hindi mo na ko hinintay. Hindi mo na ko minahal."

"Yun ba ang ginawa mo? Naging madali ba para sayo? Bakit ako tuwing susubukan ko lalo lang akong nahuhulog sayo. Walang-wala na ba, Yonah? Wala ka na ba talagang nararamdaman para sa akin? Tignan mo ko. Look at me and tell me. Para naman matutunan ko at masubukan ko."

"Tama na, Keos. Please. Kung anuman ang nararamdaman ko ngayon hindi na mahalaga. Masaya na ako kay Jocas for God's sake pinsan mo yun. Iba na e. Iba na ang sitwasyon."

"No, no, noooo. Please don't do this, Yonah. I love you. Hanggang ngayon ikaw lang. I want to hear it straight from you. Do you love me still?"

Imbes na sumagot, humagulgol si Yonah. Umiyak sya ng umiyak. Niyakap siya ni Keos kaya mas lalo syang napaiyak.

"I'm s-sorry, K-keos. M-mahal k-kita p-pero d-di ko ka-yang s-saktan si J-jocas." Sabi ni Yonah sa pagitan ng hikbi.

Lalong niyakap ni Keos si Yonah dahil sa narinig. Hinalikan rin niya ang ulo nito at inalo para patahanin.

"Si Jocas lang ang meron ako. Siya ang naging sandigan ko. Nakabangon ako dahil sa kanya nung mga panahong nalulunod ako sa paghahanap sa sarili ko. Hindi ko kayang saktan si Jocas, Keos. I'm sorry. Pero maling-mali ang nararamdaman ko para sayo."

Tumayo si Yonah at naglakad ng mabilis pabalik sa room nila. Naiwan si Keos na lalong naguluhan sa sitwasyon nila.

Mahal siya ni Yonah. Pero hindi siya ang pinipili nito.

Chaos in LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon