Chapter 16 -- Bestfriends forever

8 2 0
                                    

Chapter 16

'Bakit Yonah Brienne?! Bakit hindi mo tinanggap... Ako ba?! Ako ba ang dahilan?..' gustong gusto malaman ni Keos ang sagot.

'Isa lang ang tanging paraan para malaman ko..' sabi muli niya sa isip.

Nag-cancel ng mga meetings at appointments si Keos para mabigyan ng sagot ang mga tanong niya.

..Sa penthouse ni Yonah..

"Baby, kumain ka na muna.. Ipinaghanda kita ng paborito mo." katok ni Yaya Fely sa kwarto ni Yonah.

"Hindi po ako nagugutom, Yaya." sagot ni Yonah.

Hindi na nagpumilit pa si Yaya Fely. Alam niyang mabigat ang pinagdadaanan ng alaga niya.

Maya-maya pa ay may kumatok sa pinto nila. Si Yaya Fely ang nagbukas.

"Andyan po ba si Yonah?" tanong ng lalaki.

"Andito siya, Mikell. Pero hindi ako sigurado kung haharapin ka niya." sabi ni Yaya Fely kay Mikell.

"Subukan niyo naman po.." pagmamakaawa nito.

Pinapasok siya ni Yaya Fely at pinaupo muna. Umakyat ito sa itaas para tawagin si Yonah.

"Baby, may bisita ka.. Si Mikell. Haharapin mo ba siya?" katok nito muli sa kwarto ng alaga.

"Hindi po. Pakisabi po na hindi pa ako handa." sagot ni Yonah.

Sinabi ito ni Yaya Fely sa lalaki at kahit masama ang loob ay umalis na lang ito.

Pagkaalis ni Mikell, may kumatok na naman sa pinto nila. Pinagbuksan ulit ito ni Yaya Fely.

"Magandang araw po, Yaya Fely." nakangiting bati nito.

"Sir Keos, kayo po pala. Ano pong maipaglilingkod ko sayo?" sabi ni Yaya Fely.

"Nandyan po ba si Yonah?" tanong nito.

"Opo, sir. Pero hindi ako sigurado kung haharapin niya kayo. Si Mikell nga po e kapupunta lang rin po dito pero hindi hinarap ni Yonah." sabi ni Yaya Fely.

"Ah ganun po ba.. Baka naman po harapin niya ko. Hindi naman po ako si Mikell e." sabi ni Keos.

Pinapasok rin siya ni Yaya Fely at ipinaghanda ng pagkain. Pagkatapos ay umakyat na muli ito para katukin si Yonah.

"Baby.." katok ni Yaya Fely.

"Yaya, ayoko po humarap kay Mikell. Pakisabi po na umalis na muna siya." sabi ni Yonah.

"Anak, wala naman na si Mikell. Si Sir Keos ang nandito. Gusto ka raw makita." sabi ni Fely.

Matagal bago hindi nakasagot si Yonah. Nag-iisip siyang mabuti kung haharapin ito o hindi.

'Bakit ka nandito, Keos?! Ano ang gusto mo?!' sabi ni Yonah

"Baby?.." paniniguro ni Yaya sa sagot ni Yonah.

"Bababa po ako." sabi ni Yonah at inayos na niya ang sarili.

Ilang minuto ring naghintay si Keos para makita si Yonah. Buo na ang loob niya na magtanong dito kung siya ba ang dahilan ng pagtanggi nito sa kasal.

"Yonah.." sabi ni Keos pagbaba ni Yonah.

Tumingin lang si Yonah sa kanya na walang makikitang reaksyon sa mukha nito.

"..Kamusta ka na?.." sabi ni Keos.

"Sa pagkakaalam ko kasi Sir Keos, nagtext sa akin si Drian at sinabing approved na ang one-week leave ko. Kaya po kung trabaho ang pinunta ninyo dito, marami pong tao sa office na gagawa nyan para sa inyo." pagdederecho ni Yonah na may diin sa salitang Sir.

"Hindi ito trabaho, don't worry. Gusto ko lang magtanong.." sabi ni Keos.

Tiningnan lang siya ni Yonah na halatang naghihintay ng susunod niyang sasabihin.

"..B-bakit hindi mo tinanggap ang kasal?.." halos mautal na sabi ni Keos.

Nagulat man pero sumagot agad si Yonah. "I-its none of your business, Sir. Hindi kasama sa binabayaran ng kumpanya ninyo ang personal kong buhay." walang gatol na sagot ni Yonah.

'Shocks! Paano niya nalaman ang tungkol dito??' sabi niya sa sarili.

"Yonah Brienne, please.." matigas pero nakikiusap na sabi ni Keos.

"What?!" mataas na ang boses ni Yonah.

"Just answer me, please?.." halos pabulong ng sabi ni Keos.

"Why will I, Sir Keos?" matigas pa rin ang pagbigkas ni Yonah.

"I want to know.. I need to understand.." sabi ni Keos.

"You need to understand?! Keos, did you ever let me understand everything? Kung bakit after ng Mindoro trip e nagbago ka? Nalaman ko ba kung may nagawa akong mali? Nag-explain ka ba? May narinig ba ko sayo kung bakit biglang nagbago ang loob mo?.. Like you, I also need to understand.. Bago ikaw dapat di ba ako muna.." sabi ni Yonah na hindi na namalayan na umiiyak na pala siya.

"I'm sorry.." pabulong na nasabi ni Keos at hindi na kumibo pagtapos.

Nang wala ng makuhang paliwanag sa kanya si Yonah, muli itong nagsalita.

"Kung wala ka nang sasabihin, makakaalis ka na." sabi ni Yonah habang pinapahid ang luha sa mata niya. At naglakad na pabalik sa kwarto.

Gulong-gulo ang isip ni Keos sa sasakyan niya. Hindi niya alam na masyado na niyang nasaktan at nasasaktan ang babaeng pinakamamahal niya.

Kinagabihan, tinangka ng kausapin ni Drian si Yonah nang mapag-alaman niyang dalawang binata ang bumisita dito ngayong araw sina Mikell at Keos.

"Girl?.." katok ni Drian.

Binuksan ni Yonah ang pinto at agad na yumakap sa bestfriend na parang bata.

"..D-dri.." yakap ni Yonah habang umiiyak.

"Care to tell me what happened?.." alo sa kanya ni Drian.

"I-im confused.. I think I already fell out of love with Mikell a long time ago.. But worst, I think I am already inlive with Keos.." sabi ni Yonah na umiiyak pa rin.

"Huh?! How did that happen?.." takang tanong ni Drian.

Muling binalikan ni Yonah ang buong pangyayari sa Mindoro trip nila ni Keos. Kung paano nabuo ang lovestory nila doon. At kung paano ito naglaho nang parang bula..

"I am very much hurting, Drian.. I just don't know what to do.." sabi ni Yonah.

Hindi man nakasagot ay niyakap na lang ni Drian ng mahigpit ang kaibigan. Alam niyang sobra na itong nasasaktan.

Lumipas ang dalawang araw na halos nagmumukmok lang si Yonah sa penthouse niya. Pero hindi tulad ng mga nakaraang araw mas maayos na ang mood ni Yonah.

Nasa rooftop siya nang matanaw ang kotse ni Drian na dumating.

"Yaya.. bumalik po yata si Drian." tawag ni Yonah.

"Sige pagbubuksan ko lang, baby." sabi naman ni Yaya Fely.

Si Drian nga ang bumalik. Tinanong agad nito si Yaya Fely kung nasaan si Yonah.

"Ggiirrll..!" bungad ni Drian na kilig na kilig.

"O, bakit mukhang tuwang-tuwa ka?!" sabi ni Yonah.

"Meron na akong Engineer Rafael Terron Rodriguez!" proud na sabi ni Drian.

"Wow! Lumabas na pala ang result. Congrats naman! I-celebrate na natin yan.." sabi ni Yonah.

"..Kung pwede nga lang ba e.. Gusto sana namin na bonggang bongga pero mukhang di na mangyayari yun.." nalungkot na sabi Drian.

"Kung ako yung iniisip mo, ok na ako. Mag-celebrate na tayo." sabi ni Yonah.

"Girl, Mikell did not make it.. hindi siya nakapasa.." sabi ni Drian

Chaos in LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon