Maine
I drove back to my shop. Nung nakita ko si RJ, alam kong nasaktan din ako. Nasaktan kase nasasaktan ko siya sa mga ginagawa ko. I only want to do what's right. And alam kong magiging mahirap.
As soon as I arrived at my shop, dumiretso ako sa office ko. Not minding the people around. Alam kong tumingin silang lahat sa akin. Pero wala akong pakialam. Basta gusto ko munang mapag-isa. I sat down at my swivel chair. Bumuntong hininga. Naiisip ko pa rin ang itsura ni RJ kanina. He did not even changed his clothes. Saan siya natulog? Based on his aura, mukhang puyat siya at parang hindi pa naliligo. Nabother ako. Am I that bad. Masama ba na ayusin ko yun buhay ko? Mahal ko siya pero ang katotohanang hindi ko siya maangkin ng buo ang nagpapasakit sa damdamin ko.
I tried to concentrate sa trabaho ko, kinuha ko ang damit na kailangan kong lagyan ng bead work pero hindi ko magawa ng tama. Natutusok ko ang mga daliri ko. I just stopped. Naiyak na ako. Bakit ang sakit? Bakit ganito? Mahirap talaga. Kahit ilang Jake pa ata ang makilala ko, hindi ko pa rin malilimutan si RJ. Ganun na ba ako kahibang?
I was so drown into my loneliness and pain when my phone rings.
Garalgal ang boses ko ng sagutin ko ang tawag.
"Hello."
"Maine, Babe please see me naman o. Nahihirapan na ako. Sandali pa lang tayo di nagkikita, parang mamatay na ako.
"RJ.." Iyon lang nasabi ko.
I heard him sigh. Yun buntung-hiningang napakalalim. Na para bang hirap na hirap siya.
"Babe, I know pagod ka na. Pero pakinggan mo naman ako. Ano ba ang gusto mo? Iiwan ko na si Tricia. I'll file for annulment, huwag mo lang akong ganituhin. Huwag ka ng sumama sa lalaking yun. Ako na lang uli."
Tahimik lang ako. Puro singhot lang ang naisasagot ko sa kanya.
"Alam ko yun ginagawa mo. Gusto mong pagselosin ako. Oo nagseselos na ako. Pero huwag mo naman akong iwan dahil nakakita ka na ng iba. Hindi ko kaya!"
Hindi ko na napigilan ang iyak ko. Nagsalita na rin ako.
"RJ, hindi mo ba nakikita, ang hirap ng sitwasyon natin. Ikaw, pagkatapos mong makipag- sex sa akin, uuwi ka sa bahay ninyo ng asawa mo na parang walang nangyari. Ayoko ng may kahati. Ayoko na! Pero hindi mo maibibigay sa akin yun. Kapag gusto ko ng katabi sa gabi dahil nalulungkot ako, pwede ka ba? Hindi! Dahil kasama mo ang asawa mo. Kapag nakakaramdam ako ng init, mapupunan mo ba agad, tatakas ka pa sa asawa mo para mapuntahan ako. Hindi ba pwedeng ako na lang? Pero hindi e. Ayokong makasira ng pamilya. Kaya nga ako na lumalayo sayo. Huwag mo naman pahirapin pa ang sitwasyon natin. Huwag mo na akong saktan kase ang sakit na. Apektado na trabaho ko. Akala ko kaya kong makihati, pero hindi pala!"
"Babe, hear me out muna. I'll book a flight for us. Aalis na tayo dito. Pinipili kita. Hindi ko mahal si Tricia at walang nangyayari sa amin. Ikaw lang. Maniwala ka naman. Nagsasama lang kami sa mata ng tao. Pero dito sa puso ko, ikaw lang. Maniwala ka naman sa akin."
"Ewan ko RJ. Please, may trabaho pa ako."
"Hihintayin kita sa condo. Doon ako matutulog. Hindi na ako uuwi sa bahay. Iiwan ko na si Tricia. Pangako, bumalik ka lang sa akin."
"Sinabi mo na rin yan dati."
Iyon lang at ibinaba ko na ang phone. Nakaramdam na naman ako ng lungkot. Lungkot dahil di ako naniniwala sa pangako ni RJ. Lungkot dahil alam kong hindi ko na naman siya matitiis.
A/N As much as I want to update another chapter tonight, pagod po ako sa gawaing bahay. Promise bukas. Thanks for reading.
YOU ARE READING
Babae sa Sulok(Completed)
FanfictionNot so ordinary kind of Love.. #MaiChard #Alden #Maine #AlDub #RFJr #NicoMaine