Maine
The morning after, I called Sheena.
"Sheen, pwede ba akong magstay muna sa condo mo until I get my new unit?"
"Okay. That's what friends are for diba? So nagkasara na kayo ng deal ni Mr. Madrigal?"
"Yes. Sa Friday na yun pirmahan ng Deed of Sale."
"So saan ka kukuha ng unit?"
"Probably sa New Manila. Town house na. I wanted a new surrounding. Kakapagod din kase sa Makati tumira."
"Wow ha! Baka naman kase gusto mo lang malayo ng konti kay RJ?"
"Let's not talk about him. Magdadala na ako ng mga needs ko and siya nga pala, baka lumipat na rin ako ng office. Alam mo na."
"Paano yun mga clients mo? Alam nila na yun ang shop mo."
I'll do home service na lang siguro. And by appointment na lang din. 2 units yung kukuhanin ko and then the other unit will be for my office. Para hindi na ako lalayo at magbibiyahe. Isa pa, alam ni RJ kung nasaan ang office ko kaya kailangan ko na rin bitawan yun."
"That's good to hear, girl. Anyway, I'll wait for you sa house. Ihanda ko na rin yun kwarto."
"Thanks, Bye."
"Bye."
So nag-ayos ako agad ng mga gamit. Kinuha ko yun ilang mga bagay na kailangan ko. I'll move out na bago pa bumalik si RJ. I'll ask Mom's assistant para siya na mamahala sa pagmove out ng ibang gamit ko.
I have talked to my agent na rin about the town house in New Manila. Hindi ko binanggit iyon kay RJ kahit noong okay pa kami. Iyon na kase yung panahong nagbabalak akong lumayo sa kanya.
Nagmadali ako. After 2 hours, okay na ang lahat. I immediately went to my car, put my luggages sa hood and then sped away. Mahirap na baka dumating pa si RJ, pigilan na naman ako. Pero I can't help but wonder, bakit di nga siya dumating? I just shrugged my shoulders. Forget about it na.
Brand new start. Nagtake out ako ng food for breakfast. And then pagdating ko sa office, I informed my staff na lilipat na kami ng lugar na pag-oopisinahan. Ang iba nalungkot, pero marami ang natuwa. Mas malapit kase iyon sa kani-kanilang bahay.
Pagkatapos ay kinuha ko ang sketch pad ko, dialled my clients and informed them na lilipat ako ng ibang office.
Umalis ako pagkatapos at nakipagkita sa aking ahente. Yung ibabayad ni Mr. Madrigal and yun naipon ko, ibabayad ko na agad sa town house. 2 units iyon kaya malaki ang halaga. It was worth 13 million pesos for the two units. Maliit lang naman yun bahay. Each unit has 140 square meters floor area. Kasama pati yun second floor. Doon sa katabi ako mag-office.
Madami akong inasikaso. And when afternoon came dumiretso na ako sa bahay ni Sheena sa BGC. Mayaman din itong kaibigang kong ito. Anak siya ng isang Chinese Businessman. She is a cosmetic Surgeon talaga. Marami ring artista ang client niya. We're two powerful women combined. Yun ibang clients ko, nirerecommend ko sa kanya and same with her. She lives on her own. May boyfriend siyang foreigner who is based in Japan. Kaya once a month umaalis siya ng bansa to visit her boyfriend or minsan siya ang dinadalaw. Depende kung sino ang may time. We were friends for almost five years. Actually during college days pa. We met through a common friend, Patty who is now based in New York. And that was the history of our friendship. We got along well kaya nagclick agad kami.
And now, I need her help. She can't turn me down kase she was the one insisting na iwan ko si RJ dahil nakikita niya ang mga paghihirap ko. Although alam ni Sheena na mabait si RJ pero it can never deny the fact that he was still married. Iyon ang ayaw ni Sheena kase she wants me to be happy.
As soon as I came to her condo, she was already there.
"Bes, okay ka lang ba?" Bungad niya sa akin pagbukas ng pintuan.
"Oo naman. Kaya ko ito. Don't worry I'll be fine. Ipapahinga ko muna yun puso ko."
"You'll be fine don't worry. I will help you move on."
"Thanks ha. Buti andito ka. Kung wala ka malamang maloloka ako."
"Patingin ng luka-luka!"
"Hahaha! Sira! Maliligo ako Bes, napagod ako sa ginawa ko today."
"Sige. Tulungan ko na ikaw na magbitbit niyang mga gamit mo."
"Sige."
Dumiretso ako sa banyo. Brought my towel and remove my dress and then took a shower. I left the door open kaya nakakapag-usap pa kami ni Sheena.
"Bes, paano yun ibang gamit mo? Sino kukuha?"
"I asked Tina to settle the place after ng bayaran. Ipinapadiretso ko na sa bagong town house. Sa Friday din kase bayaran namin ng may-ari. Kaya may lilipatan na agad ako."
"Minadali mo agad?"
"Oo. Wala na akong time para mag-isip. Go na lang. Kailangan ko ng gawin ito."
"Kunsabagay. Sana maging masaya ka, Bes."
"I hope so."
"Pumunta ba dun yun lover mo kagabi?"
"Hindi Sheena. Actually nag-usao kami sa phone kahapon pero today hindi pa siya tumatawag. I don't know why?"
"Hay, malamang nasa asawa niya yun o kaya natauhan na."
"Sinabi mo pa. Pero girl, huwag na muna natin pag-usapan. Kumain ka na ba?"
"Hindi pa. Pero when you texted na padating ka na, nag-order ako ng pizza sa Shakeys. As usual, "Bes Night"."
"Wow! Gusto ko yan. Thanks, Sheen. I love you talaga!"
"I love you, too Bes."
Nang matapos akong maligo lumabas na ako at nagbihis. Nakita kong nakaayos ang gamit mo sa closet ko at yun luggage ko ay nakatabi na sa isang sulok.
"Sheen, hindi ka na sana nag-abala. Nakakahiya. Makitira na nga ako sayo."
"Grabe sa nakitira, makikitulog lang naman."
"Oo na. Pero salamat ha."
"Tara na, nandiyan na yun pizza. Alam kong gutom ka na."
"Yeah, I am. Na miss ko itong bonding natin na ito nung college."
"Magmovie night tayo, Bes. May bago akong DVD, yun Imagine You and Me."
"Sige. Simula kase nung nagtrabaho tayo at naging busy, hindi na tayo nakapagganito."
"Oo nga. Tara na, Meng."
I think this is it. Nakaramdam ako ng tuwa na merong mga tao pa rin ang dadamay sa akin. Kakayanin ko ito. Kaya ko ito.
Pero may tanong pa rin sa isip ko, Bakit di siya dumating kagabi? At bakit di pa rin siya tumatawag? Hindi kase siya ganun. Laging nakabuntot iyon sa akin. May nangyari kaya sa kanya? Kinakabahan ako pero, bahala na. Sinimulan ko na ito, kailangan kong tapusin.
A/N Naimagine ko ang Bes Time nila. Ang saya lang. Movie with pizza. Ang saya diba. Ganda pa ng palabas. RomCom.
YOU ARE READING
Babae sa Sulok(Completed)
FanfictionNot so ordinary kind of Love.. #MaiChard #Alden #Maine #AlDub #RFJr #NicoMaine