Chapter 10

2.3K 122 7
                                    

RJ

"Sige! Go on! Makikinig ako."

Good. At least she's going to listen now. Matagal kong tiniis na hindi siya makita ng personal. I see her in her social media, sa TV, sa Diyaryo at magazines. Pero I never attempted to show my face to her. Ngayon na lang, actually, a month ago pa.

I had to tell her what happened.

The last time I called you, I was on my way to your condo. Doon talaga ako matutulog. Decided na akong iwanan si Tricia. But then tragedy came. I got a call from Tricia's friend na naaksidente daw ito dahil lasing na lasing and naka-drugs. Yes, she was a drug dependent person. Iyon ang dahilan kung bakit hindi ko siya maiwan that time. Gusto ko kaseng sagipin yung buhay niya. May mga times na nakokonsensiya ako dahil sa ginagawa ko sa kanya pero hindi ko talaga mapilit ang sarili na mahalin siya.

When I went to the hospital, they were reviving her. Madami na siyang dugong naubos. She was literally brain dead. Pero dahil sa gusto ko pang magkaroon ng milagro, I told her doctors to revive her. But she died din a few minutes. Sobrang konsensiya ko. At the same time, masama man aminin, I felt relieved. I am free.

Hindi muna kita pinuntahan after her death kase nakokonsensiya pa ako sa nangyari. Nagluksa muna ako. And isa pa, I wanted to pass muna the babang luksa. Siguro after a year. Kase alam kong hindi maganda sa paningin ng tao na mag-asawa uli ako kahit kamamatay lang ni Tricia. Tiniis ko ang hindi ka makita. Nagdadasal ako na mahintay mo pa ako. After exactly one year, natapos na yun pagluluksa. The first thing na pumasok sa isip ko ay hanapin ka. Oo hinanap kita. Pero hindi ako humingi ng tulong sa ibang tao. Gusto kong ayusin yun sa atin mag-isa.

Pero I had to go to London for a business trip and at the same time kumuha ng crash course sa business. Kaya napurnada ang paghahanap ko sayo. 5 months ako doon. Kung alam mo lang kung gaano kita ka-miss. I wanted to see you. So when I came home after London, pinuntahan ko si Sheena. But I learned, Sheena took a leave of absence dahil ikakasal na siya. Nalungkot ako. Paano na kita hahanapin?

One day, while having dinner with my classmates nung high school, I saw Sheena with her husband. Hindi na ako nagpatumpik-tumpik. Pinuntahan ko siya. She was shocked to see me. Nakiusap ako na ibigay ang address mo. Pero ayaw niya. Sabi niya, okay ka na daw. Pinilit ko. Pero matigas siya. Ayaw ka na daw nyang masaktan. I insisted na biyudo na ako and showed her my new ID na single na. Nagulat siya. Matagal bago siya uli nagsalita. And then that's it. Eto yun date natin.

"Biyudo ka na? I'm sorry to hear that."

"Maine, may kapalit na ba ako?"

"RJ..."

"Ayusin na natin ito. Gusto na kitang makasama. Wala naman pumalit sayo dito sa puso ko. Ikaw pa rin. Mahal mo pa ba ako?"

"Hindi ko alam."

"Maghihintay ako, pero papasukin mo na uli ako sa buhay mo. Kahit kaibigan na lang muna."

"Hmmm... nagugutom na ako. Kumain na muna tayo."

"Sige.."

Ang babe ko talaga, minsan wala rin sa hulog ito. Biglang bumabanat ng iba, mailihis lang ang usapan.

After dinner, niyaya ko siyang magcoffee.

"Punta tayo sa may CCP. Masarap umupo sa tabing dagat."

"Umm... sige."

We drove to CCP. Tig-isa pa kami ng kotse. Akala ko di susunod, pero nung sumunod siya, alam ko may pag-asa pa ako.

Naupo kami sa gilid, bitbit ang kapeng binili ko sa Coffee Shop sa Sofitel bago kami pumunta dito.

"So? May boyfriend ka na ba?"

"Ha? Makipag-blind date ba ako kung meron?"

"Oo nga naman. Tanga ko talaga."

"Don't say that! Nasasaktan ako."

"Why?"

"Mahal pa rin kita. And ayokong tinatawag mo ang sarili mong tanga."

"Does that mean, tayo na uli?"

"Maybe?"

"Bakit maybe?"

"Hindi mo na ba ako itatago sa sulok? Ipapakita mo na ba sa lahat na ako ang mahal mo?"

"By all means, babe. Actually pagsinagot mo na nga ako, magpropose na rin ako bukas ng kasal."

"Grabe walang surprise?"

"Sagutin mo na ako and ngayon din magpahanda na ako para sa proposal ko sayo."

"Yabang. E kung ayaw ko?"

"E di sayang itong singsing na binili ko sa London."

"Asan?  Patingin nga!"

"Sagutin mo na muna ako."

"Kailangan pa ba yun? Nakuha mo na nga lahat sa akin e."

"You mean to say, tayo na uli?"

"Oo. Magpapakipot pa ba ako? Tagal ko kayang hinintay ito. Di naman nagbago pagmamahal ko sayo. Di nga ata nabawasan e."

"Talaga? I love you, Babe! Sa wakas, malaya na tayo."

"I love you, too."

"Dahil sinagot mo na ako, eto tanggapin mo.."

Two birds in one shot na ito. Dami na naming nasayang na panahon.

Lumuhod ako sa harapan niya, inilabas ang singsing na matagal ko ng binili para sa kanya. Wala na kase akong ibang babaeng mamahalin kundi siya.

"Will you marry me, Miss Maine Mendoza?"

"Yes! Yes I will! I love you." Hindi na pumalag. Mahal talaga ako ng babaeng ito. Ako na ang pinakamasayang lalaki sa mundo.

"And I love you, too."

Isinuot ko na ang singsing sa kanya. Akalain mong sakto ang laki ng singsing. Swak na swak sa daliri niya.

Mali man yun simula namin, kapag tadhana mo talaga, gagawa ang Diyos ng paraan para pagtagpuin kayong dalawa. Kahit imposible, mangyayari at mangyayari yun nakatadhana.

The End

A/N Thanks for reading. Please follow me and share your thoughts. Tapusin ko muna ang Kapag Ako ay Nagmahal. Then I'll try to create a new story.

By the way, ihinuli ko talaga yun POV ni RJ kase this story is in Maine's POV. Gusto ko lang magkatugma ang landas nila sa huli kaya si RJ ang nagkwento ng Finale. Anyway, Thankie uli!

-ava-



Babae sa Sulok(Completed)Where stories live. Discover now