Chapter 3

2.1K 102 4
                                        

RJ

I feel like she's beginning to drift away na naman. Kasalanan ko kase hindi ko na naman  siya sinipot. It was our 2nd Anniversary. And I promised to be there. Kaya lang I did not make it. There was an emergency. Tricia called to say masama ang pakiramdam niya and she wants to go to the hospital. And because I am guilty of having an affair with another woman, ay pinagbigyan ko siya. I went home immediately to attend to her. But I was frustrated kase gusto ko talaga puntahan si Maine. At the same time Tricia was only acting. Inis na inis ako kase niloko lang pala niya ako.  Just like what she did before. When I learned na nagpretend lang siya na may sakit, kumuha na lang ako ng brandy at nag-inom mag-isa. I won't be able to go out dahil nasa bahay na ako. Ayokong magduda si Tricia dahil alam ko kung ano ang kaya niyang gawin. Hindi siya yun tipo ng babae na tatahimik lang. She was the jealous, possessive and obsessive type. Bakit nga ba kami nagpakasal?

Well, I did not want to marry her at first and still now if I have a choice. I still never wanted to marry her. Our marriage is doomed eversince. Pinapakisamahan ko lamang siya. Pero if I will be asked to choose, iiwan ko na si Tricia. I'm just looking for the right time. Hindi ko pa rin siya matutuhan mahalin. Why? Because sinira niya ang buhay ko. I left my girlfriend Sam dahil sinabi niyang nabuntis siya isang gabing may nangyari sa amin. Actually hindi ko alam kung meron ngang nangyari sa amin dahil lasing na lasing ako noong gabing yun.

Yun relationship namin before ni Tricia was more of a brother sister love lang. But I did not know na meron pala siyang hidden desire sa akin.

Eto kase nangyari noon.

One evening habang nag-hang out ako sa kanila ay nagyaya siyang mag-inuman kami. We always do that with her cousins kaya tiwala akong isa lamang iyon sa mga typical na bonding namin as friends. Mostly kase kasama namin yun cousin niyang si Jonas. Pero hindi dumating si Jonas that night dahil may date daw sa gf niya.

We were drinking and singing sa videoke when I felt na hilo na ako. Nakaka-anim na akong bote ng beer. Siya naman ay 4. I stopped drinking na and told her na uuwi na ako kase ayokong malasing ng sobra but she insisted na mag-inom pa kami at doon na ako matulog. And because I was too drunk to resist, nagpatuloy kami sa pag-inom. That was the last clear memory na naalala ko. Beyond that ay wala na. Nagising na lang ako na katabi siya at wala na kaming damit. Napahawak ako sa mukha ko dala ng pagsisisi.

Okay lang daw yun, sabi niya. Kunwari paawa na huwag ko daw siyang iwasan dahil ginusto rin niya yun. Kunwari daw walang nangyari. Pero yun pala palabas lang yun.

After a month, sinabi niyang buntis siya at ako ang ama. Umiiwas na rin kase ako sa kanya ng mga panahong iyon. Her parents forced me to marry Tricia. Ayaw ko man pero wala akong magawa. I had to break up with my gf that time because of what happened. At first I wanted to run away pero my dad said dapat panagutan ko ang nangyari. I married Tricia after a week. Sa isang mayor lang kami nagpakasal. Ayoko kaseng magkaroon ng big wedding dahil in the first place, hindi ko naman siya minahal.

After a month ng pagiging mag-asawa, all is well. I tried to be good to her for the baby. Pero it changed when I learned the sad truth one day. Niloko lang pala niya ako. I insisted na samahan siya sa doctor for her prenatal check up. Pero she said kaya na niya. I let it go kunwari para malaman ko kung anong status ng pagbubuntis niya. I secretly followed her to the doctor. Hindi siya dumiretso doon, she went to this club and met up with her friends. I called on Kris, one of my trusted friend and officemates to follow me sa club. Siya yun pinalapit ko sa mga babae. Kunwari customer din siya sa club na yun. Kris sat down on the table beside Tricia's. I asked Kris to open his FB live para makita ko kung ano ang ginagawa ng magaling kong asawa. I heard every single thing she said. She is not pregnant. Naisip ko na hulihin siya at magkaalaman na kami. I called my tita who was a OB Gyne kung pwede kami magpaschedule ng check up. Of course, di alam ni Tricia. 

So when she got home, hindi ko muna siya kinonfront. Tiniis ko muna yun galit ko. Pero deep inside, sasabog na ako.

"Tricia, how was your check up?"

"Love, okay naman. Ang lakas nga daw ng heartbeat ni baby."

"Really? Anong vitamins ang ibinigay sayo?"

"Vitamins? Centrum lang okay na daw yun."

"How about food na dapat mong kainin?"

"Pwede daw lahat."

"Kahit ice cream at cakes?"

"Yun nga daw dapat ang kainin ko para malakas yun bata."

"Talaga?"

"Oo. Bakit parang nagdududa ka?"

"Hindi naman sa ganun. Tinatanong lang kita."

"Okay nga. Don't worry."

"By the way, nakausap ko yun OB Gyne ng pinsan ko, nagpaschedule ako ng check up mo para doon."

"Ha? Bakit pa? May OB na ako."

"Mas mabantayan ka doon. Mas maasikaso. Lilipat ka na ng OB."

"Hindi na nga kailangan."

"But I insist. At lilipat ka na doon. Or else, baka may itinatago ka?"

"Ha? Wala ano,  ah e, magpahinga na ako."

"Sige. Sabihan kita kung kailan. "

Kita ko yun takot niya. Hindi ko matanggap na nagpakasal ako sa babaeng ganito kasinungaling.

On the day of the check up, todo tanggi siya na sumama. Kesyo masama ang pakiramdam at kung anu-ano pa. Pero wala siyang nagawa. Sumama pa rin siya sa akin.

Sa clinic, halos mamuti na ang labi niya sa sobrang putla at takot. Doon ko nalaman sa doctor na hindi siya buntis. Based on her blood test, lumalabas na hindi siya kailanman mabubuntis. Kase baog siya. So niloko lang niya ako. Hindi ko muna siya kinonpronta sa clinic. Hinintay kong makauwi kami.

Sa bahay, hindi ko na napigil ang galit. Sobrang galit ko, kamuntik ko na siyang masaktan. Kaya umalis ako. Iyon ang araw na napunta ako sa Boracay. Doon ko nakilala si Maine. Doon ko natagpuan ang tunay kong pag-ibig kay Maine.

Pero alam ko nagtataka ang ilan kung bakit hindi pa kami hiwalay ni Tricia. Iyon ay dahil tinatakot niya akong magpapakamatay kapag iniwan ko siya. At dahil tanga at gago ako, hinahayaan ko siyang manipulahin ako. Pero sa totoo lang hindi kailanman nagkaroon sa amin ng intimacy. Bakit? Hindi ko kayang gawin iyon sa kanya. Nung una ay ayoko lang dahil hindi ko siya mahal, pero ngayon iba na ang dahilan ko. Pakiramdam ko kase magkakasala ako kay Maine kapag gumamit ako ng ibang babae. Mahal na mahal ko siya.

Naghihintay na lang ako ng konting panahon. Iiwan ko si Tricia dahil si Maine ang gusto kong makasama. Sana nga lang huwag siyang lumayo.

A/N Mahirap palang magsulat ng ganito. Yun di mo malaman kung paano mo aayusin yun istorya. Yun kung paano mo mapagtatagpo sa maayos na paraan ang dalawa. Kung paano mo, i-justify yun maling kilos ng karakter. Hirap po. Pero I'll try to follow what good moral should be.

Sorry rin dahil di ko alam ang procedure para malaman kung baog ang isang tao. Kunwari na lang ay may naganap na test bukod sa blood tests.

Babae sa Sulok(Completed)Where stories live. Discover now