AIKI's POV:
"Aaaaaaaaaaaahhh!" Sigaw ko habang tumatalon-talon sa ibabaw ng kama.
"Oh....ano nangyari" napalingon ako mung biglang may pumasok sa kwarto ko, si Mama at si Tita pala "may magnanakaw ba? Nasaan?" Sabi nila habang hawak-hawak ni mama ang pamaypay niya at mahabang chain naman ang nakapulupot sa kamay ni tita.
"Naomi! Dun ka sa kabila" sabi ni mama at tinuro ang bandang kaliwa ng silid.
"Loki!" Sabi naman ni tita, at tiniganan niya nang masama si mama.
"Anong tinitingin-tingin mo?" Sabi naman ni mama at tinaasang niya ng kilay si tita. hahaha. Nakakatuwa talaga ang dalawang to, palaging nagaaway.
"okay, okay," sabi ni tita at nag padabog sa paglakad.
"Oh, naasan na?" Sabi ni mama at tumitingin-tingin sa labas nang bintana at sa ibaba.Nasa second floor kasi tung kwarto ko.
"wala pong magnanakaw! Ano ba kayo!" Sabi ko sa kanila at napatigil sila sa kakatingin sa labas.
"Eh, anong sinisigaw-sigaw mo?" mataray na sabi naman ni tita.
Tumingin ako sa baba at pati sila napatingin, nang tumayo ang mga ulo nila, nakita ko ang nakakatawang expressions niya..hahaha. Nag makeface sila at parang natataranta.
"Iiiiipppiiiisss!" Sabay nilang sigaw at biglang
*booogsh, booogsh, booogsh*
Pinagpapalo-palo nila ang ipis ng napagod sila kakapalo, hindi parin natitinag ang ipis, 'di mo akalaing ni isa sa kanila walang nakatama. Pero biglang tumingkayad yung ipis ,
"h-huh, a-akala ko---" pinutol nila yung sasabihin ko. At sabay silang huminga ng malalim at nag salita.
"Bakit 'di mo agad sinabi sa amin" sabi nila. Pero bigla lang kasi silang nag panic eh.
"nagpanic po kasi kayo agad, kaya 'di ko---" pinutol na naman nila. Uso ba ngayon ang pag puputol ng salita?
"Okay," sabi nila at lumabas ng kwarto ko. Pero bakit parang hindi sila hiningal sa ginawa nila.
Hindi ko na namalayan na naka nga-nga pala ako. Sinara ko naman agad ang bunganga ko. Buti nalang 'di nila nakitang nakanga-nga ako. Hmmmppp. Napabuntong hininga na lang ako sa mga nangyari. Kahit papano eh naging masaya ang gising ko. Salamat sa ipis.
Tumayo na ako at bumaba sa kama, nakita ko yung ipis lumapit ako sa ipis at sinabing...
"Sorry ipis, at salamat nadin kasi dahil sayo sumaya ang umaga ko" sabi sa ipis ng biglang gumalaw yung mga paa niya. waaaaahh.
"Waaaaaaahhh. ZOMBING IIIIPPPPIIIISSSS..."
"ha?, ano?" nagulat ako nung bumalik silang dalawa.
"Mama, Tita, nabuhay yung Ipiiisss..." paiyak kong sabi sa kanila....
"Wag mo nga kaming pinag luluko" sabi ni tita habang kumunot yung noo niya... "wala namn diyan ahh" dugtong niya pa.....
Tinignan ko yung pwesto kanina ng ipis....wala nga, pero nang tumingin na ako sa kanila, nakita ko yung ipis nasa damit ni tita..... Tinuro ko ang ipis gamit ang nguso ko, pero ginaya pa nila ako... Para bang nag tatanong kung anung ibig sabihin.... Kaya tinuro ko ulit gamit ng daliri ko at napatingin nalang sila sa damit ni tita...
"waaaaaaahhhh........waaaahhhhh ......Zombing Ipiiiiiiisssss...." pagsisigaw nila kaya nakisali narin ako...
....
BINABASA MO ANG
Isanghan High
FantasyFirst story ko po ito kaya sory po sa mga typo errors and grammatical errors. Thank you! sana po ivote niyo rin po ang every chapter na i-update ko para ma inspire pa po akong ipagpatuloy ito. Ang story pong ito ay naiimagine ko lang. At gagawin ko...