Chapter 11: Gang??

65 3 0
                                    

Natapos na din ang trip ng nanay ko at dali dali akong nagpalit at naghilamos. Tinanggal ko na ang make up na ubod ng kati. Tangina na this!

Biglang naman may tumawag. Sinagot ko ang phone at di man lang tiningnan kung sino ang natawag.

"What?" Inis kong tanong. Tangina! Ayaw pa matanggal nung lintik na eye liner yata? Malay ko ba kung anong tawag dun. Lipstick at pulbo lang ang alam kong make up!

["Wow grabe I can feel the love!"]
Sarcestic na sabi nung nasa kabilang linya. Boses sabog kaya sigurado akong si Cyrylle to.

"Anong kailangan mo?" Diretso kong tanong sa kanya.

["Meet tayo dito sa mall nyo. Text ko sayo kung saan. Tapos unta daw tayo sa bahay."] saad ni Cy.

"Saang bahay?" Tanong ko. May bagong bahay kasi akong pinagawa. Para may tambayan naman kaming magkakaibigan. May sari sariling kwarto kami dun. May pool at iba pa. Enough about the house.

["Sa pinagawa mong bahay! Excited na kaming makita yun!"] di naman halata na excited sila... Halatang halata! Puta! Araw araw na yon ang topic takte.

"K." Sabi ko at iend ang call. Nagpalit na ako ng damit. Naka skinny jeans at white t-shirt lang ako at nag combat boots nalang din.

Kinuha ko na ang phone, wallet at susi ng lamborgini ko. Bumaba na ako gamit yung elevator namin dito sa bahay. Nasa basement kasi nakapark yung mga kotse.

Takte. Nung nasa basement na ako mabilis na akong sumakay sa kotse ko at inistart ito. May remote ako na kinocontrol lahat ng nandito sa bahay so okay lang na di ko na tawagin si manong guard para buksan yung gate. At pag sinabi kong lahat I mean lahat. Windows, doors everything in this house. Ultimo faucet kontrolado.

Pinaandar ko na ang sasakyan at ginamit ang remote para buksan ang gate. Nung nakalabas na ako ng bahay este mansion mabilis ko nang pinaharurot ang sasakyan ko. Wala na akong pake sa traffic lights.

Nang makarating na ako sa mall ko mabilis ko na ipinarada ang kotse ko at bumaba. Tiningnan ko ang phone ko para malaman kung nasan si Cy.

Tss. PG talaga. Nasa food court nanaman. Pumunta na ako dun at nakitang nalamon este nakain si Cy at kasama nya sina Ricky at Richard.

"Jezzy! Dito!" Dahil talagang maingay si Cy tinawag ny ako at nagsitinginnan naman sa kin ang mga tao. Tinaasan ko sila ng kilay at nagiwas tingin lang sila. Lahat kasi ng tumingin yung mga nagtratrabaho dito. Pero may isang babae na may lakas ng loob at mukhang babago lang.

"Kung makataas ng kilay ahh! Taray!" Pagpaparinig nya. Lumapit ako sa kanya.

"Excuse me? Do you love your job?" Tanong ko. Nagsalubong naman ang kilay nya sa sinabi ko.

"Anong excuse me excuse me ka dyan ha? Ang arte. May pa ienglish english pang nalalaman." Sabi ulit nung babae. Nagsiyukuan naman ang mga ka-trabaho nya.

"You." Sabi ko at tinuro yung isang katrabaho nya.

"Aaako?" Kinakabahang sabi nung tinuro ko.

"Tell her who I am." Alam kong kilala ako nitong isang to. Tss. Syempre kilala nya ang boss nya.

"Zarah, si Miss Jezzy ang mayari nitong mall." Sabi nya sa dun sa babaeng kanina pang nagpaparinig. Zarah pala ang pangalan. But I don't give a fuck. Bastos eh.

Humarap ako dun sa Zarah na kasalukuyang nanlaki ang mata at tumingin sa kin.

Tss. Sayang lang ang oras ko. Umalis na ako dun at pumunta na kina Cy.

Umupo ako dun sa bakanteng upuan. Tumahimik si Cy dahil busy sya sa pag lalamon. Tangna paano ko nga ba naging kaibigan to?

"Ann! Tara na naghihintay na sina Grace sa bahay! Gutom na yung bruha! Alam mo naman kung anong nangyayari pag gutom yun." Sabi ni Richard habang nakatingin sa phone nya.

Loving YouWhere stories live. Discover now