Chapter 18: Manhid ka kasi (Kenneth and Ella)

30 2 3
                                    

Hi guys! Sorry sa mabagal na update. So ito na po ang update hahaha. Kay Kenneth at Ella itey!

------------------------------------------

Kenneth's POV

"Tangina mo brad!" Natatawang mura ni Josh kay Lio. Ito kasing si Lio kung ano ano ang sinisigaw. Papunta kami sa resthouse nina Jezzy sa Batangas.

Yung van ang gamit namin dahil di naman kami kasya sa iisang kotse. Sa laki ba naman ng pwet ni Lio. Isang Lio pa nga kang tatlong upuan agad dahil wala namang gusto tumabi sa kanya dahil sa kalikutan nya. Buti nalang gwapo ako at bading si Jrynce para pagtyagaang tabihan sya.

Tinatamad magdrive yung iba eh. Di ako tamad magdrive sadyang tsansing yung mga nasa star toll way shuta. At dahil si Ricky ang pinakamasungit sya ang nagdridrive. Si Jezzy naman ang nasa passenger seat na kasalukuyang kinukulit si Ricky. Tsk. Kinikilig yung mokong kinukulit ng krass nya.

"Kilig sya eh." Sabi ko sabay tawa. Nasa likod lang ako ng drivers seat kaya siguradong pakinig ako ni Ricky.

Biglang nagpreno si Ricky kaya kaming nasa likod ay halos mapasubsob ang mukha sa nasa unahan naming upuan. Si Ricky at Jezzy naman ay naka seat belt kaya 'di sila naumpog.

"Puta Ricky balak mo ba kami patayin?!?!" Sigaw ni Lio. Napatingin ako sa mga nasa likod. Si Ella naglilip stick kaya nung nagpreno si Ricky napasubsob mukha niya sa upuanna nasa harap n'ya nagkalat yung lipstick sa mukha n'ya at napirat yung lipstick dahil naipit sa pagitan ng mukha nya at ng upuan. Si Jianne nage eyeliner kaya kumalat ang eyeliner sa mukha n'ya.

Ang iba ay hinihimas ang noo nila, ilong at iba pang parte ng mukha. Nakasimangot na tumigin ako dun sa dalwang halatang nagpipigil ng tawa. Halatang planado nila ang biglaang preno.

"Maygash masyado akong gwapo para humiga sa hospital bed! Ricky umayos ka nga! Ibubuking kita eh! Tingnan mo ginawa mo sa gwapo kong mukha! Feeling ko napango na ako!" Pasigaw na reklamo ni Richard.

"Takte Ricky magkakabukol ata ang gwapo kong mukha!" Sigaw ko kay Ricky habang hinihimas noo ko. Nakita kong ngumisi si Ricky. Si Jezzy pinipigilan lang ang tawa nya.

"Jeez! Gago lang ako pero 'di ako bingi! You ass-holes don't need to shout!" Inis na sabi ni Ricky. May sapak ata to eh.

Hindi na napigilan ni Jezzy ang tawa n'ya. Utas s'ya ng kakatawa kaya unti unting napangiti si Ricky at tumawa din.

Nagkatingin na kaming lahat pwera lang dun sa dalwang utas na sa kakatawa. Si Cyrylle may kung anong binibilang sa daliri n'ya. Samantalang kaming lahat napataas ang isang kilay. Pati pagtaas ng kilay sabay sabay kami.

Tumingin kami kay Cyrylle na biglang napasinghap. Unti unti n'yang tinakip ang kamay n'ya sa bibig n'ya.

Bigla akong natigilan at unti unti pumapasok sa utak ko kung bakit nagkaganon si Cyrylle.

Processing...

10%...

25%...

68%...

89%...

100%...

"Wow! I'm so proud of you pre!" Sabi ko kay Ricky at tinapik tapik pa balikat n'ya. Tumingin naman s'ya sa 'kin na magkasalubong ang dalwang kilay.

"Amen!" Sabi ni Josh at nagsign of the cross pa. Grabe. Lampas sampung salita ang lumabas sa bibig ni Ricky! Dapat na ba ako magpamisa?

"Tumatawa ka pala! Akala ko puro pagsimangot lang alam mo!" Sabi ni Iaren kaya napuno ng tawanan ang van.

Loving YouWhere stories live. Discover now