Chapter 8: Training

68 2 0
                                    

Days have passed. Ganun pa din naman ang nangyayari. Hatid sundo ako ni Andrei. Kasama ko sya kumain sa lunch. Dala nya bag ko pag naglalakad kami. Hawak nya kamay ko sa tuwing gagala kami.

Mas lalo akong nahulog sa kanya. Or should I say nahulog na ako sa kanya. Ngayon ay nasa bahay kami nina Cyrylle. Kasama ko ang squad. May underground training room sila Cy dito. Kaya lahat kami ay nandito. Mahilig kaming magtraining. Well except kay Pia kase nasa USA sya ngayon kasama parents nya. Dun na daw nya ipagpapatuloy ang pagaaral. Ang hilig nilang mangiwan ano?

"Jezzy ikaw naman." Dahil sa pagtawag ni Cy nagising ako sa realidad.

"Okay" tipid kong sagot. Pumunta na ako sa gitna si Richard ang magiging kalaban ko ngayon. Easy peasy.

Andrei's POV

Si Jezzy at Richard naman ang maglalaban ngayon. Nanunuod ako sa kanila at sa panunuod na yun malalaman mo na malakas at magiling sila pagdating sa pakikipag laban.

Nagsimula na ang laban. Suntok lang ng suntok si Richard habang si Jezzy ay walang hirap na inilagan yung mga suntok na yun. Natawa pa si Jezzy at alam mong nageejoy pa sya sa ginagawa nya. Brutal talaga tong babaeng toh.

Napagod na si Richard sa kakasuntok at dahil dun nagkaroon ng chance si Jezzy para lumaban. Di naman sa wala syang chance pero ngayon lang sya sumugod.

Hinawakan ni Jezzy ang braso nya at ipinilit na para bang babalian nya si Richard. Pero di nya yun itunuloy dahil practice lang naman toh. Sinuntok ng Jezzy si Richard sa tagiliran at sinipa sa sikmura dahilan para mapamura si Richard sa sakit. Napaluhod si Richard. Tinulungan naman nina Ann at Jianne si Richard para makaupo sa sofa na nasa training room din.

Kung titingnan mo si Jezzy parang wala lang sa kanya ang nangyari at nakangiti pa. Ang brutal ng isang toh. Pumunta si Lio sa likod ni Jezzy at para bang sisipain ito. Sinipa ni Lio si Jezzy pero mabilis lang na nailagan ni Jezzy ito. Seriously? Paano nalaman yun ni Jezzy? E nakatalikod sya? Magaling nga sila. Pero walang makakatalo sa babes ko. Nung isang beses ko pang nakita silang magtraining e napatumba ni Jezzy si kuya Ricky. Take note isang gangster si kuya Ricky. Sya ang pinakamalakas sa gangster world. Pero isang babaeng katulad ni Jezzy ang nagpatumba sa kanya. Pinapahanga nya ako..

Jezzy's POV

Tss. Weak. Nagpaalam na ako na aalis ako para pumunta sa mansyon namin. May isang lugar kasi dun kung saan pwede kang magpractice bumaril. Isang shooting range. Di naman sa magprapractice ako. Trip ko lang. Why do I need to practice when I'm already the best at it? Bata pa lang ako marunong na akong humawak ng baril. Di lang sa baril kundi marami pang uri ng armas. I was trained.

Di naman nagpaawat yung mga kaibigan ko at sumama pa sa kin. Dahil di kami kasya sa aking sasakyan ginamit nila ang kanikanilang sasakyan papunta sa mansyon.

Naramdaman kong nagihirapan ako huminga. F*ck bakit ngayon pa?!?

"Noona." Tawag ni Jrynce nakalimutan kong kasama ko sya dito. "Ate yung inhaler mo nasan?" Nagpapanic na tanong no Jrynce.

"Nasa bag." Tipid kong sagot dahil nahihirapan na talaga ako huminga. Sandali ko itinigil ang sasakyan at nagpark sa may kanto at kinuha ang ibinigay na inhaler ni J.

Ginamit ko ito. Maya maya ay nakahinga na ulit ako ng maayos. "Kailan mo ba balak sabihin sa kanila na may asthma ka at malala na?" Nagaalalang tanong ni J.

"Wala akong balak sabihin sa kanila. Please let's just keep this as a secret." Seryosong sabi ko kay J.

Nagsimula na ulit ako magdrive. Ang babagal kasi kumilos nina Cy kaya nauna kami ni J na nakarating sa mansyon.

Sinenyasan ko yung mga guard na buksan yung gate. Agad naman nilang sinunod. Nang magbukas ang gate ipinasok ko na ang sasakyan ko at nagpark.

Magkababa namin ay nakita kong nakatayo si lolo sa harap ng pinto papasok ng mismong mansyon.

Agad akong lumapit sa kanya at binati sya. "O lolo wala ka bang trabaho?" Magalang kong tanong at magmano sa kanya. "Ang kaisa isa kong apong babae! Kamusta ka na? Natanggap mo ba yung pinapabigay ko kay Michael?" Pagkasabi ni lolo nun biglang lumabas si Michael. At pumunta sa tabi ko at inakbayan ako.

"Okay lang naman po ako. Naibagay na po ni Michael yung mga inhaler."

"Mabuti naman. Bakit ka ba napunta dito?" Tanong ng lolo ko.

"Gagamitin po sana namin yung shooting range. Kasama ko po ang mga kaibigan ko." Pagpapaalam ko. At oo nga pala marunong ako gumalang sa mga taong worth it ng panggalang ko. Marunong ako mag po at opo, so kung may problema ka dun sabihin mo agad. May araw ka sa kin.

Natawa naman ang lolo ko sa sinabi ko pati din si Michael. Napakunot ako. Anong promblema ng dalwang to?

"Magprapractice ka bumaril apo? Hahaha. Why practice when your already best at it? Your father--" di naituloy ni lolo ang sasabihin nya dahil biglang dumating si J at nagsalita.

"What's up lo?" Masiglang bati ni J kay lolo.

"Ang kaisa isa kong appng lalaki. Kamusta na bro?" Cool na sabi ni lolo. Isa pa tong kung umakto ay bata.

"Lolo iiSa lang naman po ang anak nyo. At si papa yon. Dalawa lang din naman po ang anak ni papa. At kami naman po yun." Natatawa kong sambit. Napahimas nalang sa batok si lolo.

Nagsidatingan na din sa wakas ang mga kaibigan ko. Tss. Ang babagal talaga kahit kailan. *poker face*

"Good afternoon po." Sabay sabay na bati ng mga kaibigan ko kay lolo. Tumabgo nalang si lolo. Ganyan talaga sya pagdating sa iba. Sa min lang nya inilalabas ang pagiging hyper nya.

"Tara na sa shooting range. Lo punta na po kami ha?" At tumango ulit si lolo sa sinabi ko.

Sumama sa min si kuya Michael. Papakitaan nya daw kami ng skills nya. Tss.

Kumuha ako ng baril at mabilis na itinutok yon kina Lio. Itinaas naman ni Lio ang dalawa nyang kamay. Natawa nalang ako sa inasta nya at initutok ang baril sa target ko. Kinalbit ko ang trigger.

"Bull's eye" sabi ko at napangisi. Jackpot kasi tumama sa gusto kong tamaan nito. Pinahiram ko ng mga baril ang boys. Yung girls daw magchecheer nalang daw.

Jrynce's POV

Mabilis na nagpakawala ng bala si ate Jez. At tumama yun sa mga target. She's right. She is already best at this kind of game.

Palagi sya wala sa bahay at minsan may dugo sa kamay nya. Dang! My sister is really a gangster that enjoys killing. Napanood ko na syang pumatay ng isang beses. And it looks like she's enjoying what she is doing. Ang brutal talaga ng ate ko. Pero di sya basta basta pumapatay. May mga rason sya.

Ayaw nya sabihin ang rason kung bakit sya pumapatay. Maybe she's a spy or something. Basta ang alam ko may pinagtratrabahuan sya na ang misyon nya ay ang pumatay ng tao. Walang ibang nakakaalam sa sekreto ni ate kundi kami lang mismong pamilya nya ang may alam. Tungkol sa sakit nya, sa gaano kayaman ang lolo namin at kung gaano makapanggayarihan ang papa namin. She's really mysterious. She has a lot of secrets.

Nagising ako sa realidad nung biglang nagmura si Ricky.

"F*ck!" Sigaw nya

"Anyare sayo?" Tanong ni Jezzy. Tiningnan ko sila. Mukhang nataga sya. At sobrang lalim. Ano bang nangyari?

"Kuhanin ka long first aid kit." Sambit ni Michael at umalis na para kuhanin yung kit. Ako naman napatingin kay Cyrylle na mukhang nagaalala para sa kapatid nya.

May biglang umakbay sa kin si Kenneth lang pala. Hindi ko nalang sya pinansin at tiningnan Lio na nagaaral bumaril. "Parehas pala tayo. Parehas na may gusto sa iisang babae." Napatingin ako sa kanya.

Ano daw? Tss. May kaagaw nanaman kay Cyrylle. Napailing nalang ako. "Pero di tayo ang gusto nya." Tumingin ako kay Josh na ngayon ay kinukulit ang kapatid nya.

"Oo nga e. Mukhang wala ng pagasa"- Kenneth.

Hanggang dito nalang ba ako? Hanggang kaibigan nalang ba ang tingin nya sa kin?
Susuko na ba ako habang maaga pa? Lalo akong masasaktan pagtinuloy ko ang pagmamahal sa kanya.....
Should I just give up?

Loving YouWhere stories live. Discover now