Chapter 16: I'm here for you (Jrynce and Grace)

37 3 0
                                    

Hi guys! Sorry dahil natagalan sa update! Wehehehe! Peace! Para maiba naman yung boy naman ang may POV. Kay Jrynce at Grace po itey! Please enjoy! Happy reading!

------------------------------------------

Jrynce's POV

"Cyrylle.. Ma.. Mahal kita." Nahihiya kong pagamin. Nandito ako ngayon sa school. Sa gym. Dahil may ginawa akong suprise para kay Cyrylle. Nagkaroon na ako ng lakas ng loob na umamin sa kanya. Thanks to Grace, Jc at Richard. I was able to do this. Di ko alam na magiging ganito ako dahil sa isang babae. Pag tinamaan ka nga naman ni kupido oh..

May pinagawa akong tarpaulin. Nagbake pa ako ng cake. Andami rose petals at balloons na nakakalat sa sahig. Meron ding rose petals na nakapaligid sa kin at bumubou ng puso. Ako naman ay may hawak na bulaklak para kay Cyrylle.

Nandito ang buong Ultimate. Ngiting ngiti ngayon sina Ella at Jc. Pero parang malungkot naman si ate Jezzy. Si Grace nahuli kong malungkot pero nung nakita nya akong nakatingin sa kanya ay mabilis syang ngumiti.

"I'm sorry but I don't feel the same way." Malumay na sabi ni Cyrylle. And with that. Nabitawan ko yung flowers na kanina lang ay hawak ko. Yung feeling na gusto mong lamunin ka nalang ng lupa ngayon. Yan ang nararamdaman ko ngayon. Ang sakit. Alam ko namang mangyayari to. Pinaghandaan ko na nga yun eh. Pero ganito pala yun kasakit.

Tumakbo paalis ng gym si Cyrylle. Sinenyasan ni Grace na sundan ng kapatid nya si Cyrylle. Mukhang nagtaka naman si Josh. Nagkibit balikat nakang sya at hinabol si Cyrylle.

Napaluhod nalang ako sa kinatatayuan ko. Tumungo ako para di nila makitang umiiyak ako. Pero para san pa nga bang itago kong nasasaktan ako. I just got rejected in front of my friends. And fuck! Di ko kaya.

Lumapit sa kin si Grace. Umupo sya sa harap ko. Ngunit nanatili akong naka tungo. Di ko namang inaasahang yayakapin nya ako.

"Shh.. I'm here for you." Malungkot na sabi ni Grace kaya lalo akong napahagulgol. Tumingin ako kina ate.

"Ate kaya ba malungkot ka kanina dahil alam mong mangyayari to?" Kalmado ngunit may bakas pa din sa boses ko ang inis. Di sya sumagot at tumungo lang.

"Alam nyong lahat na mangyayari to pero hinayaan nyo lang ako?" Inis na sigaw ko. Di ko mapigilan. Naiinis ako! Naiinis ako dahil umasa pa naman ako!

"I'm sorry." Sabi ni ate ng... Naiyak? Ginawa ko lang naman kasi yun dahil alam kong masaya ka dun. I didn't tell you dahil alam kong masasaktan ka. Kahit na alam kong di naman maalis yun. Sorry." Sabi ni ate at tumakbo paalis ng gym. Saglit na tumingin sa kin si Ricky. Pero agad ding sinundan si ate.

"Alis na kami." Pagpapaalam ng natirang Ultimate. Di ko sila pinansin. Lumayo ako ng kaunti kay Grace at tumayo. Pumunta ako dun sa tarpaulin at tinanggal yun.

"Gawin mo na lahat. Gusto mong sirain yan? Go. Ilabas mo ang sakit at inis na nararamdamn mo ngayon. Nandito lang ako para sayo." Di ko alam pero gumaan ng kaunti ang loob ko pagkatapos sabihin yun ni Grace.

Ginawa ko nga. Sinira ko yung tarpaulin at pinagpuputok ang mga lobong nakakalat sa sahig. Nang maubos na lahat ay medyo gumaan na ang loob ko. Lumapit na ako kay Grace na kanina pang nakaupo sa sahig at pinapanood lang ako.

Nung nakita nya ako papalapit sa kanya ay tumayo sya sa kinauupuan nya at lumapit sa kin. Di ko inaasahang hahawakan nya ang kamay ko.

"May pupuntahan tayo." Sabi nya at hinila ako palabas ng gym. Bahala na yung mga janitor sa school maglinis ng kalat ko dun sa gym.

Nang makarating kami sa parking lot ay saglit syang tumigil at lumapit sa kin. Napaatras ako ng konti pero patuloy pa rin sya sa paglalakad palapit sa kin. Nakangisi sya ngayon.

Loving YouWhere stories live. Discover now