Chapter 13: Gang fight

57 3 0
                                    

Jezzy's POV

"Wahh! Rex ibalik mo yan!" Sigaw ko kay Rex. Kinuha nya kasi ang laruan ko.

"Di ka dapat nagalalaro nito. Dinaig mo pa ako. Mas madami pa ang collection mo ng baril kase sa kin." Sabi ni Rex at pailing iling pa. I'm still 7 years old pero nahilig na ako sa baril. Sabi nga ni mama dinaig ko pa daw si Rex at Jrynce sa pagkahilig ko sa baril. Pero imbis na magalit pa sila ay natutuwa pa sila sa di ko alam na dahilan.

Mas matanda sa kin Rex pero ayokong tawagin syang kuya. Tsaka ayaw nya daw nagmukhang matanda.

"Ito na nga oh baby girl. I love you" paglalambing ni Rex at ibinigay ang laruan na baril sa kin. Kakaiba din si Rex. Aagaw agawin tapos.... Ala nevermind na nga lang po!

"I love you too Rex" sabi ko at ngumiti sa kanya. Bumalik na kami sa paglalaro. Nagbabaril barilan kami ni Rex gamit ang laruang baril namin.

Maya maya ay may barilan kaming narinig. Yung tunay na baril. Natigil kami sa ginagawa namin ni Rex.

Mula dito sa pesto ko kitang kita ko ang isa isa pagtumba ng mga tauhan ni papa. Yung mga bodyguard.

Nakita namin si mama patakbo papunta pwesto namin ni Rex habang bitbit si Jrynce. 5 years old palang si Jrynce kaya wala pa syang masyadong alam sa nangyayari.

Nakakapagtaka dahil wala naman si papa dito kaya walang gagamit ng shooting range namin.

"Mga anak. Punta na kayo sa garahe ha? Nandun si Michael. Sabihin nyo punta kayong mall ha? Susunod si mama. Kailangan nya lang tulungan si papa sa work nya ha? Wag kaya magpapakita sa mga lalaking nakakulay black. Mga bad sila. Wag nyong hahayaan na makita nila kayo. Sige na." Sabi ni mama. Ibinababa nya si Jrynce at hinalikan kami sa noo.

May inabot sya sa min ni Rex. Baril. Tigisa kami. "Yung mga naka black ang target nyo ha? Patayin nyo sila dahil kung hindi kayo ang papatayin nila. And don't let that happen. Bilisan nyo na. Naghihintay na si Michael."
Tiningnan nya kami. Tumango nalang kami kahit di namin alam ang nangyayari. Sanay na kami ni Rex sa ganito. Bibigyan lang kami ni mama ng target at kailangan namin patayin.

Tumakbo na si mama papasok ng mamsyon. Di pa sya nakakalayo ay nakita kong may dinukot sya sa bulsa nya. Isang baril.

Di ko na alam ang sunod na nangyari kay mama dahil mabilis akong hinila ni Rex papuntang garahe.

Hawak ng kaliwa kong kamay si Jrynce at nasa kanan kong kamay ang baril ko.

Di pa kami nakakarating eh may nakita na kaming lalaking may kulay itim na damit. Ang dami nila. Nagtago kami sa likod nung malaking paso dito.

Tiningnan ko si Rex na seryoso lang na nakatingin sa mga lalaking yun.
Di ko namalayan na nasa likod na sya nung isang halaman dito. Kami naman ni Jrynce ay nasa likod pa rin ng malaking paso.

Sinenyasan ako ni Rex na magsimula ng bumaril para makatas na kami. Nasa pito lang naman ang mga armonadong lalaki kaya sigurado na akong kaya namin yun patumbahin ni Rex.

Nagsimula na akong magpaulan ng bala at ganun din si Rex. Mabilis namin napatumba yung mga lalaki dahil wala kahit isang bala ang sumala.

Mabilis kaming tumakbo habang hawak hawak ko pa din si Jrynce. Malapit na kami sa garahe ng makita kami ng mga armonadong lalaki na nakasuot ng itim na damit. Sobrang dami nila at di ko alam kung kaya namin ni Rex sila.

Loving YouWhere stories live. Discover now