Practice

30 15 0
                                    


"Angela! Angela"
Pag gising ng isang babae sakin.

Minulat mulat ko ang mata at tiningnan ng mabuti kung sino ang gumigising saakin at ng malinawan ay si mama pala iyon.
Ilang araw din kami hindi nag kita ah? Kaya naman agad agad akong bumangon para yakapin sya. At tumugon naman sya sa pag kaka yakap ko.

"Good morning mom. Ilang araw din po tayo hindi nag kita ha? Wala kapo bang pasok now?"
Pag uusisa ko sakanya.

"Meron anak kaya kita ginising papaalam ako sayo may business trip kami sa batangas with your dad dalawang linggo din kami dun. Si nay nely muna ang bahala sayo ha? Take care always. Iloveyou"
Pag kasabi nya nun ay kiniss nya ako sa forehead ko.

Hindi nako sumagot dahil nalungkot talaga ako, minsan nalang kami mag kita eh yung mag papaalam pa sya. Hays.
Ay teka! Anong oras naba? Agad kong tiningnan ang orasan ko at nakitang 5am na pala pero naalala ko wala nga pala kaming pasok ngayon. Simula palang ng klase may araw na agad na walang pasok.
Pano na yung practice namin ng lokong yun sana mag kusa sya na pumunta dito. Haysss!

Hindi nako natulog at inantay nalang na mag liwanag dahil pinapractice ko din ang kakantahin namin ni Alex

8:00am--

Anak ng tipaklong 8am na pala! Hindi kona namalayan ang oras kaka practice ng tono ng kantang to.
Bumaba nako para sana mag almusal ng salubingin ako ni nay Nely

"Mam Angela nandyan po yung kaklase nyo na pumunta dito kahapon"
Pag lalarawan ni nay nely

"Huh? Kanina papo ba?"
Agad kong tanong

"Ngayon ngayon lang po"
Pag kasabi nya noon ay bumaba nako agad.

Wala ng suklay suklay kasi maayos naman buhok ko kahit walang sukla at ang damit ko pag tulog padin

Nang maka baba nako hindi nako kumain ng breakfast dahil nakita kona agad sya na naka upo sa garden naka sando lang at tokong si loko. At dala ang gitara nya.
Infairness ang muscle kumakaway ha? Ay! Bad nanaman Angela!

Lumapit nako sakanya at nagulat pa ng makita ako.

"Oy!"
Tawag ko sakanya.

"Ay palaka!"
Gulat nyang sabi

Langyang to! Palaka daw. Ts.
Inirapan ko lang sya at pumasok sa loob para kunin ang gitara ko

Pag ka balik ko ay nag simula na din akong igitara ang katulad ng ginigitara nya kahapon
Naiilang pako dahil tinititigan nya ko.

"Stop staring at me!"
Inis na bulyaw ko sakanya

"Mukha mo! Hindi kita tinitingnan!"
Palusot pa nya

Inirapan ko nalang sya at nag gitara na din at sumabay na din sya.

Maya maya ay nag simula na din akong kumanta

The best thing about tonight's that we're not fighting
Could it be that we have been this way before
I know you don't think that I am trying
I know you're wearing thin down to the core

Kinanta ko din muna ang umpisang lyrics habang eyes to eyes kaming nag kakatinginan at patingin tingin sa kanya kanya naming gitara. Medyo awkward pero go lang para maka tapos. Plano kasi namin kalimutan muna ang inis sa isa't isa at bigyan ng feelings ang pag kanta so sa tingin ko mas mapapakita namin na may feelings kami sa pag kanta kung nag a-eye contact kami in character muna kami na mag kasundo habang nag papraktis.

Ganoon lamang ang ginawa namin sa ilang araw naming pag papraktis
At pa minsan minsan mag babangayan nanaman kami pano ba naman hindi na sya natapos sa pag sigaw sakin andyan yung bigla sya sisigaw ng

"Angela! Ang pangit ng pag kanta mo! Ayusin mo naman!, Angela! Mali yung tono ng gitara mo! Angela! Ano ba eye contact mukha kang naiilang e!"
Ganyan sya sa araw araw, kala mo hindi nag kaka mali e minsan nga anong oras na pumupunya dito kaya madalas umiinit din ulo ko kakaantay sakanya e.

Lagi ko lang tugon pag sinisigawan nya ko ay malutong na kutos.

"*kutos* uhmm! Lintik ka! Wag mokong sigawan lakas ng boses mo nakaka bingi ka!"
Kada sigaw nya ay kutos ang abot nya.

Nakaka init kaya ng ulo pag sinisigawan nya ako. Loko sya e. Kaya ayan kutos lagi ang abot nya.

"Aray! Susumbong kita sa mommy ko!"
Paiyak na ang loko sa lakas ng kutos ko.

Inirapan ko nalang sya at nag gitara nalang ulit.

So far ayos na ang pinapractice namin tingin ko nga ready na kami hahaha! Pang apat na araw na kasi kaming nag papractice dito samin at hindi na maitatanggi ang closeness namin ni Alex pero hindi talaga mawala ang pag aaway namin. Ewan koba sakanya inaasar ako lagi e.

----

Kinabukasan na ang presentation namin at eto na ang pinaka general practice namin.

This time naka ayos na ang pwesto namin nasa harap ko sya at medyo malapit kami sa isa't isa sya ang nag simulang mag gitara at sumunod na ako.

Habang kumakanta kami ay dinadama namin ang bawat lyrics ng kanta at bawat tinginan namin ay aakalain mong may kahulugan..

Because a girl like you is impossible to find
You're impossible to find

At sa huling lyrics ay sya na ang kumanta pag katapos nun ay nag katitigan kami at agad ding nag iwasan ng tingin.

"O-okay! Na! Ready na tayo bukas"
Bigla kong sabi para mawala ang ilang mula sa pag titigan namin kanina.

"Oo naman! Baka nga ikaw pa mag ka mali e."
Mapang asar ng sabi sabay ngisi.

"Talaga ba? Baka ikaw! Lumayas kana nga tapos na praktis natin!"
Pag tataboy ko sakanya.

"Ayos ha? Pakainin mo muna ako! Gutom nako!"
Pag mamaktol nya..

Kapal talaga nito e.

"Pumunta ka kay nay Nely! Dun ka humingi ng merye--"
Naputol ang sinasabi ko ng tumunog ang phone nya

"Hello? Mommy? Yah! Talaga po? Sige po uwi nako!"
Masaya nyang sagot sa phone nya at agad na nag paalam.

"Alis nako Angela nag bake daw si mommy ng cake e. Dun nako kakain. Ginugutom mo kasi ako dito!"
Pag ka sabi nya ay agad ng umuwi.

Kapal nito! Kala mo naman talaga eh tuwing nandito nga sya kain sya ng kain. Sarap paltukan ng maraming beses.

Pero infairness nainggit ako sa sinabi nya, buti pa sya nandyan lagi mommy nya halos i-baby pa sya, pinag luluto hays ingit muchhh!

Psh! Tama na nga ang drama ganun talaga e..

Pag kaalis nya ay umakyat nako sa kwarto ko at nag pasya nang mag pahinga.

Goodluck samin bukas..

---

Enjoy reading :)
Don't forget to comment and vote! :)

You Are The One Where stories live. Discover now