CHAPTER 1:Bahid ng Nakaraan

66 5 0
                                    

Ang sakit pala ng niloloko ka. Umasa kasi ako sa sinabi mo sa akin noon na mahal mo ako. Ilang ulit mong sinabi sa akin 'yun.Hindi ko nga lang pinansin. Akala ko kasi biro lang...mukha mo kasi parang nagbibiro lang eh.

Tumatak 'yun sa isip ko. Paulit-ulit na sumasagi. Pati nga sarili ko tinatanong ko na. "Mahal kaya talaga ako 'nun?". Ang hirap kasing paniwalaan... Ang hirap mo din kasing paniwalaan kung alam mo lang. Na shocked din ako. First time ko kasing narinig 'yun mula sa iyo.

Ewan pero lagi ka kasing nakatingin. Nakakainis nga kasi mas lalong tumitindi habang tumatagal. Inis nga ba? Mukhang hindi yata...Ang sarap ng feeling kung nakatingin ka. Parang may humahagikhik 'dun sa kaloob-looban. Parang may kumikiliti sa puso ko, hanggang sa utak ko umaabot.

Ang tagal kung ninanamnam 'yung ganun. Dito ko napatunayan na artistahin pala ako... Pa kunwari effect pa kasi ako na seryoso at medyo galit-galitan ang boses kung may tinatanong ka. Halos hambalusin pa nga kita ng mga dala-dala ko kapag nangungulit ka. Nakakainis ka kasi. Masyado kang epektibo sa ganun. Pero sa kilig factor, mas epektibo ka yata...Sa tingin ko, doon ka pinaka-epektibo.

Araw-araw ang sarap ng feeling ko. Halos abot tenga ang ngiti... Parang nasa alapaap ako kung maglakad lalo na't nakatingin ka. Halos hindi ko na nga napapansin ang mga taong kasing lakas ng kulog kung mag-usap sa tabi-tabi. Ang iingay nila. Pero mas malakas ko pang naririnig ang boses mo kung tinatawag mo ako. Parang musika sa pandinig ko. Kasing tunog ng piano na naglalaro sa kahimaymayan ng aking tenga. Minsan nga parang boses singer ang dinig ko. Parang si Jed Madela ba.

"Nagha-hallucinate na yata ako nito," sabay ngiting sambit ko.

Isang araw, pauwi na ako galing sa school. Nagmamadali ako 'nun. Gutom na kasi at kumukulo na ang loob ng tiyan ko. Pati bituka nagwe-welga na.

"Psst! Pwedeng sumabay?"

Bigla akong napalingon.Wow! Ulam! Si Coco Martin ba ang nakikita ko?

"Bakit?"Bigla kong sambit.

Hahay! Kumakabog na nanginginig ang kalamnan ko.

"Pauwi na din ako. Walang akong kasama pauwi eh. Pwede?"

Hindi ako sumagot. 'Silence means yes' is absolute. Ngayon ko napatunayan 'yun. Natawa ako. Pero hindi ko lang ipinahalata sa kanya. Nag-umpisa nang lumakad ang paa ko.

"Kamusta? Daming assignments ko ngayon," nasambit niya sabay habol sa akin.

Hapon na 'yun pero amoy bagong ligo pa rin siya. Ang bango ng cologne niya. Parang nakaka-magnet. Ang sarap sa ilong amuyin. Nakakadagdag pogi points lalo ang kanyang pananamit. Ang linis niya kasi tingnan at talagang maalaga sa katawan. Parang hindi niya alam ang salitang pawis kasi hindi ko siya nakikita at naaamoy na ganun.

"Ako nga rin eh. Hindi ko na nga alam kung alin ang uunahin ko. May praktis pa kami para sa Friday na activity," sagot ko.

"Ah tama! Sa Friday na pala ang selebrasyon ng Buwan ng Wika. Sasali ka ba sa chorale contest?"

"Oo. Kaya nga kailangang tapusin ko lahat ng assignments ko ngayon. Ako pa naman ang inaasahan ni Ma'am Janilyn sa contest," sabay lingon ko sa kanya.

Biglang nag slow-mo ang lahat. Ang cute niya kasi. Tiningnan ko ang mukha niya. Lalong nagpapagwapo ang kayang maamo at bilugang mata. Ang tawag nga nila 'very expressive eyes'. Mas lalong nakaka-attract ang maputi at pantay - pantay niyang ngipin.

"Hay. Kailan mo pa kaya ako ligawan..." sabi ko sa sarili ko.

"May sinasabi ka ba?"

Nagulat ako. Patay. Baka narinig niya...

"Bakit? May sinabi ba ako? Wala naman ah..." pairap kong sagot.

"Ah akala ko kasi may sinasabi ka kanina. O sige pano mauna na ako. Pakisabi na lang kay Tita Diday na dumaan lang ako."

"Okay."

Ngee... Andito na pala kami sa gate ng bahay. Hindi ko napansin sa kaka-daydream ko. Ang lupit ko.

"Bye. See you tomorrow. Pa kopya ng assignments ha?" sabay kaway niya sa akin at ngumiti.

"Manigas ka!" sabay talikod ko at binuksan ang gate.

Wow! Ang sarap ng pakiramdam ko. Ang gaan gaan sa puso . Halos lumitaw na ata sa loob. Siguradong mapupuno na naman ang diary ko nito. Mauubos na naman ang ink ko sa kasusulat.

Manggang HilawTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon