CHAPTER 9:Pagsisimula

39 0 0
                                    

Hindi ko na nabalitaan mula noon si Michelle.Tinatanong ko si Eric tungkol sa kanya pero iniiba niya ang topic sa tuwing uungkatin ko 'yun.

"Mariz it is a nightmare. Pwede ba nating ilibing na lang ang parteng 'yun at wag ng ungkatin pa?"sabay kunot-noo.

"Ang magandang pag-usapan siguro ay ang pag-aaral mo at pagbabalik ko din sa schooling," medyo may inis sa kanyang boses.

"Sorry... I just want to..."

"Ssshhh...."sabay halik niya sa noo.

"It is getting late. I guess kailangan na nating magmadaling umuwi kasi baka naghihintay na ang mama mo.May exam ka pa bukas diba?"

"Yeah...scholarship exam ko sa college.At least kahit papaano makakatulong din 'yun sa pag-aaral ko at mga gastusin."

"Anong oras kayo matatapos?"sambit niya habang lumalakad na kami pauwi.

Sa mga oras na 'yun, galing kami ng palengke at namili ng mga gamit namin sa school.Mas maigi na kasi ang mamili ng maaga kesa malapit na ang pasukan.Hindi lang dikdikan ang mga mamimili, medyo mas mataas pa ang presyo ng mga school supplies. Naalala ko tuloy ang law of supply and demand.Ay, bright na bata!Galing mo te!Ikaw na!

"Mga 11:00 ng umaga tapos na.Bakit?"sabay lingon.

"Birthday bukas ni Cathy.Anong plano mo?"

"Shocks!Nakalimutan ko..OMG!" biglang sambit ko at tapik sa noo.

"Masyado ka yatang pre-occupied, Mariz. Excited ba sa exam?"pabiro niyang tanong.

"Excited at kinakabahan po kuya."pabiro at natawa na din ako.

"Ayan ka na naman eh.Kaya ako nadadali..."

"Ha? Bakit?"

"Diyan sa ngiti mo."

"Sa iyong ngiti ako'y nahuhumaling.."sabay kanta niya at kindat sa akin.

"Uy dong baka biglang umulan.Mahirap na baka mag flashflood at malunod ako."

"Grabe naman to."biglang ngiti niya.

Gosh!Diyan din ako patay sa'yo.'Yung ngiti mong walang kasing tamis.Mas matamis pa sa homemade na biko ni nanay.

"Eric, nasa langit na ba ako?"pasimple kong sambit habang nakatitig sa kanyang makinis na mukha na ang sarap halikan.Slow motion ulit ang eksena mga ate.

"Mariz?"

"Ay yes Sir? Ay este Eric?

"Natulala ka?Para kang na multo.

Hindi Eric.Hindi multo ang nakikita ko..isang napakasarap na tanawin.Isang pangitain na kay sarap titigan at ibaon hanggang sa pagtulog...sa isang mahimbing na pagtulog na kay sarap. Parang nasa isang panaginip.Wag lang akong bangungotin.

"Hoy, Inday Mariz!"

"Ay butiking butiki!Ano ba naman yan..ginugulat mo na naman ako.Alam mo naman na magulatin ako eh..nak ng titing oh"..halos lumuwa ang mata ko sa gulat.

"Ansabi ko kasi natutulala ka na naman.May problema ba?"

"Wala."

"Kung hindi ka lang maganda baka iba na isipin ko eh."sabay tawa niya.

"So buang ako sa paningin mo ganun?"

"May buang ba na ganito ka ganda?"sabay hawak niya sa kamay ko at pinisil sabay hila.

Lord, kung ito na ang huling araw ko.Pwede na akong magpahinga.Kung panaginip man ito, ayoko nang magising...please Lord.

"Hoy! PDA na yan!!!Pumasok na nga kayo dito sa loob at ng makakain na kayong dalawa nitong meryenda!"sigaw ni Kumander Diday.

Hay! Wala na talagang ginawa si kumander kung hindi ang maging KJ.Nakailang puntos ka na nanay ha.Ilang beses mo nang pinutol ang moments namin.

"Opo kumander ay este nay.."gulat kong sagot..."

Nasa harapan na pala kami ng bahay.Pwede balik ulit tayo sa palengke?Sambit ko sa sarili.

"Anong kumander.Ikaw Mariz ha...baka makatikim ka sa akin."

"Si Nanay naman di na mabiro.." sabay mano at halik sa kanya." Alam mo naman na love na love kita walang iba."

"Bola..."sabay ngiti ni nanay.

" Mano po, Tita."

"God bless you , Eric..Halika na at ng maka meryenda na kayong dalawa."sabay pasok ni nanay sa bahay.

"Anong meryenda natin, Tita?"

"Biko dong."

"Wow paborito ko po yan.Anlakas ko po talaga sa inyo, Tita. Hindi ba, Mariz?"pakindat niyang tanong.

Eric, hindi mo na kelangang magpa sipsip pa..Dahil ngayon, lahat ng pagmamahal ko ay sipsip na sipsip mo na...Ikaw na ang lahat sa akin.Magkabilang mundo man.Hanggang sa dulo ng walang hanggan.Hanep!Song title 'yun mga bes!

"Yung birthday surprise natin kay Cathy ha..wag nating kalimutan."putol niya sa daydreaming ko.

"Opo.Nakahanda na."sabay subo ng kakanin.

Walang kasing tamis ng bikong ito ang nararamdaman ko ngayon.Kahit high school graduate pa lang ako, feeling ko nasa rurok na ako ng aking buhay.Nasa climax na kumbaga.Sana ganito lang tayo lagi,Eric.'Yung lumulutang ako lagi sa alapaap.




Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 25, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Manggang HilawTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon