CHAPTER 6:Depresyon

9 0 0
                                    

"Maghapon ka na lang bang iiyak diyan at magkulong sa kwarto mo?"

Si Cathy, biglang pumasok sabay upo sa tabi ng kama. Nilingon ko siya sabay bawi at kinuha ang unan at tinakpan ang mukha.

"Hoy Mariz! Hindi pa katapusan ng mundo. Wag mong sayangin ang oras mo diyan ano... Kapal naman ng mukha ng lalaking 'yun. Hello! Level up ka naman diyan..."

Hindi pa rin ako sumagot. Parang walang narinig. Gusto kong matulog na lang maghapon ng sa ganun ay hindi ko na maalintana ang oras. At para hindi ko na rin maramdaman 'yung sakit.

"Sige ka. Kung lagi kang ganyan, papangit ka. Mas lalong wala ng papansin sayo niyan."

Biglang hablot ni Cathy sa unan na nakatabon sa mukha ko ng hindi pa rin ako sumagot.

"Cathy naman eh... " gulat kong sambit.

"Ano ba girl! Cheer up! Wag kang magpatalo no..."

"Gusto kong matulog," tipid na tugon ko sa kanya.

"Ay! Showing pala ngayon ng movie ni Erich. Nood kaya tayo ng Mariz: Ang Unang Aswang. Joke. What do you think, girl?"

"Tinatamad akong lumabas cath. Gusto ko lang matulog."

"Ah okay. So gusto mo lang matulog at isnabin ang beauty ko, ganun?"

"Sobra ka naman. Wala ka naming beauty ah,"pabirong tugon ko sa kanya.

"Aba! Nakuha mo pa akong laitin ha sa lagay mo na 'yan. Teka nga..."

"Oh, alam ko 'yang iniisip mo. Wag mo ng ituloy yan," sabay upo ko sa kama mula sa pagkakahiga. Lumabas na rin ang ngiti ko. Hindi ko na rin napigilan talaga.

"Hindi. Talagang hinahamon mo na ako niyan eh,"pabirong sagot din ni Cathy sa akin. "Parang alam ko ang hinahanap mo at ito 'yun!"

Bigla akong dinumog ng kiliti ni Cathy sa bewang. Halos hindi ako magkadaungaga sa kakailag.

"Cathy, stop it!" pahagakhak kong nasambit sa kanya habang patulong niyang kinikiliti 'yung parte ng aking katawan.

"Ay naku! 'Yan ang bagay sayo ano,"tawang sagot niya.

Manggang HilawTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon