CHAPTER 2: BuKo

35 0 0
                                    

"My gosh!Late na ako nito sa klase ngayon! "

Dali-dali akong bumangon at niligpit ang higaan. 6:30 na ng tiningnan ko ang orasan na nakakabit sa green-colored wallpaper sa loob ng kuwarto. Kung hindi tumunog ang cp ko, tiyak na kakantiyawan na naman ako nito sa klase. In-love daw kasi ako kaya laging puyat. Puyat daw sa kakatext. Bahala sila. Basta ini-enjoy ko lang ang feelings ko ngayon.

Hi... :) Mowning! Musta 2log mo?Kita kits s skul maya,,ngatz!

Shocks! Cloud nine na naman ako sa text ni Eric. Mas cloud nine ako mamaya kasi makikita ko naman siya. Ang problema nga lang, baka ma super conscious na naman ako nito at mabulol sa tuwing kausapin niya ako. Paano ka ba naman hindi mabulol? Kausap mo kaya kasing-gwapo ni Coco. Swerte nga at close kaming dalawa. Ang dami kayang nagkakandarapa sa kanyang makipag-close. Ang iba nga feeling close. Kahit anu-ano na lang ang ginagawa mapansin lang niya.

"Well, well, well. Matira ang matibay," sabay labas ng dila habang nakatingin sa salamin.

"Hindi rin kaya ako pahuhuli sa kanila. Kung maraming magaganda sa school, eh isa din ako 'dun noh. Astig din ito tol! May ipagyayabang din!" at parang buang na dinuduro ang salamin at patawa-tawa na nakatingin sa sarili.

Hay! Iba na talaga kapag inlab. Kahit anu-ano na lang ang nagagawa at naiisip. Kung minsan nga satisfied na ako kahit pasimpleng silip lang sa kanya sa classroom. At peace na ako 'dun. Pero nasasakripisyo si heart kasi siya ang hindi at peace. Kabog ng kabog eh. Parang nagwawala.

"Hoy Mariz! Wala ka bang pasok ngayon?Mag-aalas otso na!"Sigaw ni nanay sa ibaba.

"Andiyan na po. Bababa na po." Sabay kuha sa cp at inilagay sa bag.

"Ay naku! Mali-late kana. Bumaba ka na diyan kung ayaw mong maiwanan ng sundo niyo."

"Opo."

"Bilisan mo. Kung ayaw mong makatikim ng kurot pag-akyat ko diyan," dagdag ni nanay.

Patay! Nagalit na si Kumander Diday. Dali-dali kong niligpit ang diary at itinago sa tokador. Diretso baba dala ang tuwalya, pakandi-kandirit pa akong bumaybay papuntang banyo. Iba na talaga ang inspirado. Kahit pinapagalitan na, hindi pa rin natitibag ang ganda ng umaga. Ang saya!

"Hello Mariz!" Biglang tawag sa akin ng pamilyar na boses mula sa likod ko. Parang boses ni ulam este Eric pala. Di ako nagkamali. Siya nga...

"Tapos na kayong nag-praktis para sa choir contest?" sabay takbong lapit sa akin habang nakahawak sa kanyang bag na nakasukbit sa balikat niya.

Ang sarap naman ng boses niya sa tenga. Parang softdrinks na ang sarap-sarap inumin lalo kapag nauuhaw ka na sa kalalaro ng patintero.

"Umayos ka bulol. Andiyan na si Prince Charming," bulong ko sa sarili.

Kabog ng kabog ang nasa loob ko. Habang papalapit siya, mas lalong lumalakas, tumitindi habang pilit kung pinipigilan. Halos lumabas na sa dibdib ko sa sobrang lakas. Ganito pala ang feeling. Kapag pinipigilan, mas lalong nag-uumalpas.

"Tapos na. Pero mamaya praktis na naman kami ulit, "sabay ngiting lingon ko sa kanya.

Ngiti lang pala ang katapat ng kaba ko. Na released ang tension. Nangangatog pa rin kunti pero kaya ng makipagsabayan sa kanya ng hindi nabubulol.

"Bakit?" tanong ko sa kanya.

"Wala lang. Kami kasi hindi pa ready," may ngiting sagot niya.

"Tara sabay na tayong umuwi. Tanghaling tapat na't gutom na rin ako," sabay hatak niya sa kamay ko.

Dios mio! Parang tindera ako ng ice. Sobrang lamig ng kamay ko. Nakakahiya. Baka mahalata niyang kinakabahan ako. Paano ba namang hindi manlamig eh ang cute niya ngayon sa polo niyang checkered blue. Ang bango-bango at ang linis niya tingnan. Hay! Parang walang lakas ang tuhod kong lumakad. Kumakalog-kalog, nanginginig... parang hihimatayin ako.

"Parang uulan ata. Takbo Mariz! Sumilong tayo 'dun sa puno ng sampalok."

Nagulat ako 'dun ah. Naputol ang pagpapantasya ko. Hindi tuloy ako nakahandang tumakbo.

"Ay, kalabaw!" Natisod na nga. Buti na lang mabilis niya akong naagapan.

Sinadya yata ng panahon. Halos magkadikit na ang katawan namin. Ang lapit-lapit na nga ng aming mga mukha. Hindi na yata kami nag e-exist. Ewan. May mga sarili na yata kaming mundo. Doon na lang umiikot sa aming dalawa 'nung oras na 'yun. Halos 'di maputol-putol ang titigan namin. Halos matunaw ako sa kanyang sobrang titig. Halos mawalan na ako ng ulirat sa sobrang kaba ko. Nangangatog... nanginginig... natataranta... Mixed emotions 'ika nga. Hindi na namin pansin ang lakas ng ulan...Lalong hindi na namin pansin ang mga nakapaligid sa amin. Ang lakas na ng ulan. Kasing lakas ng kabog ng dibdib ko.

Manggang HilawTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon